Chapter 1

3.8K 68 5
                                    

"Allen, galingan mo. Makakashoot ka sa 'kin mamaya!" malakas na sigaw ko.

Napatingin ito sa 'kin pero mabilis ding umiwas. Kita ko pa ang pag iling-iling niya.

Rinig ko ang tawanan ng mga estudyante na kasama ko ngayon sa Basketball gym. Bagamat labag sa aking kalooban ang sinigaw na iyon, wala akong magagawa. Nakasalalay ang baon ko ng isang linggo rito.

Hindi ko na pinansin ang mga iilang tao na malapit sa 'kin na halos maging langaw na sa tainga.

Nakita ko ang pag-ngisi ng aking babaeng best friend, na ngayon ay nakaupo kung saan nakaupo ang ibang mga player ng Basketball team ng school namin.

Puwede siyang umupo doon dahil girlfriend siya ni Jackson, na Captain ng team namin na kaibigan ng 'Ace' na si Allen.

Tanaw na tanaw ko siya mula sa kinauupuan ko dahil nasa kabilang bahagi ang team namin. Dito ako umupo sa bahagi kung saan ang kalaban ng aming team.

Para tanaw ko ang pahamak kong best friend. 

Napaigtag ako nang pumito ang referee. Hindi ko namalayan na gano'n na pala ako katagal nakatitig lang sa best friend ko at hindi na nakafocus sa laro.

"THREE POINTS FOR GOMEZ!" sigaw ng Annoucer.

Malakas na hiyawan ang namutawi sa loob ng gym. Saglit akong napatingin sa score board. 78-54. Lamang ang team namin.

"WHOO! GALING MO BABY KO. MAY TATLONG HALIK KA RIN SA 'KIN MAMAYA!"

Another kahihiyaan na naman ang lumabas sa bibig ko. Tanaw na tanaw ko ang magaling kong best friend, na halos malaglag na sa kanyang kinauupuan dahil sa kakatawa.

Napansin ko ang pagsulyap ni Allen sa 'kin pero mabilis din nitong ibinalik ang mga tingin sa taong nagbabantay sa kanya ng magtama ang aming mga mata.

Sa kanila ulit yung bola, sa isang iglap naagaw niya ito. Galing!

Dinidribol nito 'yong bola. Nasilayan ko naman ang maliit na ngiti sa mga labi niya.

Gagi 'wag kang kiligin. Dare lang 'to.

Sinulyapan ko ang papel na hawak ko. Dito nakasulat lahat ng isisigaw ko kapag naka-shoot si Allen.

"THREE POINTS FOR GOMEZ!"

Langhiya naman bakit ginagalingan?!

Bumuga ako ng hangin bago sinigaw ang nakasulat sa papel.

"LET'S GO, BABY. THREE ROUNDS LATER."

Dumagungdong ang basketball gym dahil sa tawanan ng mga estudyante. Tuluyan na rin nalaglag sa upuan ang magaling kong best friend. Nag-aalalang tingin ang ibinigay ni Jackson sa kan'ya, pero ang magaling kong kaibigan parang wala lang sa kan'yang bumalik sa pagkakaupo. Kitang-kita pa rin dito ang pagpipigil ng tawa.

Mautot ka sana!

Hindi ko akalain na ang introvert na kagaya ko ay magagawa ito para lang sa baon. Hawak kasi ni Kelly ang pera ko na naipon ko pa galing sa pag papartime job.

Sapilitan nitong kinuha sa 'kin ang pera ko at tinakot na kung hindi ko gagawin ang dare niya, mabubulok sa mga kamay niya ito.

Mayaman si Kelly, kaya alam kong hindi niya naman ito gagalawin dahil barya lang naman ito sa kanya. Isa pa, kahit mahilig akong asarin ng babaeng 'yan, hindi naman siya gano'n kasama.

Gusto niya lang daw kasi akong magkalove life dahil tumatanda na raw akong dalaga. Kahit 17 pa lang naman ako. Si mama nga hinahayaan pa akong maglaro.

Si Allen din daw ang gusto niya para sa 'kin dahil, no girlfriend since birth daw ito. Para fresh na fresh kahit lips daw.

Langhiyang babae. Napakabastos!

Pumito ang referee hudyat na may saglit na time out. Sinulyapan ko ulit ang score board. Lamang pa rin kami at apat na minuto na lang ang oras.

Mukhang another win again ng school basketball team. Sana!

Kaya 'yan ng Baby ko, i mean ni Allen.

Muling pumito ang referee. Sabay sabay na nagpuntahan sa gitna ng court ang mga player ng mga magkabilang team. Sa kalaban ang bola.

Titig na titig ako at halos hindi na kumurap pa sa binabantayan ni Allen. Putik! Ang laking tao nito, I mean sobrang lapad ng katawan na para bang hindi pang High school.

Magkasing tangkad man sila ni Allen pero iba pa rin talaga ang katawan nito. Hindi naman payat si Allen sakto lang ang katawan niya at malapad rin naman pero hindi ngalang kasing lapad ng taong binabantayan niya.

Parang dobleng katawan na ng bouncer ang katawan ng binabantayan niya.

Napasinghap ako ng baldahin nito ang balikat ni Allen, pero hindi manlang natumba si Allen kahit na alam kong sobrang lakas no'n.

Hindi ko alam kung pwede ba iyong ginawa ng lalaki dahil hindi naman pinituhan ng referee. At wala rin naman akong alam sa larong basketball.

Hindi makawala ang lalaki kay Allen kahit anong gawin niya kaya napituhan siya dahil sa tagal niyang hawak ang bola.

Matalim at galit ang mga mata nitong nakatingin kay Allen. Nakaramdam ako ng kaba nang napadpad ang galit niyang mga tingin sa akin. Nakurot ko ang kaliwa kong binti dahil sa takot.

Lumikot ang mga mata ko na para bang may hinahanap. Huminto ito mismo sa mga mata ni Allen na nakatingin din pala sa akin ngayon. Naningkit ang mga mata ko when he mouthed 'I'll protect you' na ikinagulo ng utak ko.

Bakit niya naman 'yon gagawin para sa 'kin?

Umiwas ako ng tingin dito at napadpad iyon sa best friend ko na ngayon ay may malaking ngiti sa mga labi.

Isa pang weird 'to!

Muling nagpatuloy ang laro, at gaya ng inaasahan, panalo ang basketball team namin.

Balak ko na sanang umalis dahil sobra-sobra na ang kahihiyan ko pero umingay ang mic na nagpasakit ng mga tainga ng mga estudyanteng naririto.

Hinanap ng mata ko si Kelly, nasa gitna ito at siya ang may hawak ng mic. Tumingin ito sa 'kin na may ngisi sa mga labi.

Putik! Anong kalokohan na naman ba ang gagawin nito?!

"May i have your attention, please?" panimula niya. "That girl." Tinuro ako nito na agad naman ikinalingon ng mga estudyante sa pwesto ko.

Yumuko ako at pilit na itinatago ang muka sa maliit na board na hawak kong may pangalan ni Allen. Si Kelly din ang may idea nito na hindi ko naman matanggihan dahil hawak niya nga ang pera ko na pang isang linggo.

Ayoko na ng another atensyon please. Nagawa ko na trabaho ko! 

"Well she's Allen GIRLFRIEND! Treat her nice kung ayaw niyong si Allen mismo makalaban niyo."

Napasinghap ako dahil sa sinabi nito. Damang-dama ko rin ang pagdiin nito sa salitang 'Girlfriend'. Inangat ko ang ulo kong nakayuko at masama ko itong tinignan pero ngumiti lang ang gaga.

Hinanap ng mata ko si Allen may kausap itong isa sa ka-team mate niya at parang wala lang sa kanya ang ginagawa ng magaling kong kaibigan.

Hindi manlang pigilan!

Hinanap din ng mga mata ko si Jackson na boyfriend ni Kelly. Nakaupo lang ito at parang proud pang nakatingin sa kanyang girlfriend.

Letche, isa pa 'to! Mukhang patay na patay sa Best friend ko.

"Well, the game was nice and congratulations for our Basketball team. And Ms. Peralta bumababa kana rito dahil inaabangan na ni Allen ang tatlong halik mo," natatawang ani pa nito.

Rinig ko rin ang tawanan ng mga estudyante kaya halos mamula ako sa hiya.

Mamaya pag-uwi mag se-search talaga ako kung paano makasapak ng best friend na hindi magagalit boyfriend nito.

Gusto ko lang kasing bigyan ng isa ang babaeng 'yan.

Dating Allen GomezWhere stories live. Discover now