"They're gone?" tanong ko na may bahagyang pag-aalala.

Lumingon siya sa akin at tumango. "Yeah, don't worry." He said with certainty.

Sabay kaming lumabas ng janitor room. Naglalakad si Andre sa harap habang ako naman ay nakasunod sa likod niya. Nakatitig ako sa likod niya at nag-iisip. Kung ganito siya ka protective at caring sa kaibigan niya. Paano kung magka-girlfriend siya? Magiging ganito pa rin ba siya? Magpapahalaga pa rin ba siya sa iba ng ganito? Lalapitan pa ba niya ako at ililigtas ng ganito? Maraming what if ang nasa isip ko. Nagsisimula na itong gumulo kaya umiling ako.

Pumunta kami ni Andre sa isang bakanteng classroom. kaya naalala ko, oo, tama. Namiss ko yung isang lesson dahil sa mga tangang humahabol saakin kanina.

Biglang nagsalita si Andre. "Don't worry. I missed that subject too."

"You mean the civil procedure? Eh, di, same pala tayo ng schedule today?" I asked, and he gave me a nod.

Andre and I were silent. Sitting far apart in the same empty classroom as if we didn't know each other. We were waiting for the next subject so we were quiet. I want to talk to him, but I don't know what to say. Ayokong magmukhang ako lang ang interesado dito. Gusto ko siya, oo. Pero gusto kong mapansin din niya ang presensya ko. 

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang inihiga ang ulo ko sa arm chair. Medyo inaantok na ako kaya pumikit ako at pumikit. Matapos pa ang ilang minuto ay naramdaman ko na parang may umupo sa tabi ko. Tinatamad naman akong iangat ang ulo ko kaya hinayaan ko nalang. 

Pipikit na sana ako ng may humaplos sa buhok ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa kung sino. Laking gulat ko nang makita ko ang kamay ni Andre na nasa buhok ko sabay ngiti.

"Andre, anong...g-ginagawa mo?" Agad akong tumayo na may pagtataka sa mukha. 

Natigilan siya dahil hindi niya inasahan ang naging reaksyon ko. "S-Sorry... I just feel like doing it. Gusto kitang i-comfort."

Naguguluhan akong tumingin, pero literal na tumatalon ang puso ko dahil sa saya. Gusto ko nang tumili pero hindi ko magawa! Si Andre lang ang gumawa nun! Hinaplos niya ang buhok ko. At gusto niya akong i-comfort?!

"Baliw, para saan? Eh, ayos lang naman ako." I bluntly said maintaining my voice.

Ngumisi siya. "Alam kong nag-o-overthink ka sa nangyari kanina."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Marunong din pala mag delulu ang mga lalaki, no?" Biro ko.

He laughed. "I'm not being delulu."

"Oo kaya, napaka delulu mo. Saka hindi ako nag o-overthink, pagod lang ako." But to be honest, I was really overthinking.

He just shook his head and patted the chair next to him where I was sitting earlier. Sinenyasan niya akong umupo doon at nagsimula na akong kabahan. Nag-iinit ang pisngi ko, nanghihina ang tuhod ko, at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Without any second thoughts, umupo ako sa tabi niya. Ngumiti siya ng matamis at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Nagulat ako, at nanigas ang katawan ko. 

"Relax, Maxine, inaantok ako, 'wag kang magulo." He said in low voice na parang bumubulong pero narinig ko naman. 

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?!

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now