Chapter Fourty Two

29 1 3
                                    

NANG magising ng hapon na iyon si Katarina ay magaan na ang pakiramdam niya. However, when she looked around, she discovered that she was in an unfamiliar room.  Ang nakakagulat ay iba na rin ang suot niyang damit.

"W-what's going on? Was I dreaming?" Sunod-sunod na tanong ni Katarina sa isip lamang. Tuluyan siyang napabangon at umalis mula sa kama. She did not bother fixing the bed. She needs to know what is going on right now.

"Sh*t! Am I in a teleserye, and maybe suddenly there will be a next scene that I won't like?" Katarina exclaimed.

Napalinga-linga siya matapos na makalabas ng silid. Lalo pa siyang binalot ng tensyon sa nakikita, hindi siya talaga pamilyar sa lugar kung saan siya naroroon.

"Claims, anak! where are you... M-manang Seselia nariyan po ba kayo?" Pagsisigaw niya. Ngunit wala mang lang sumagot ni isa man sa mga natawag niya. Nag-echo lamang pabalik sa kaniya ang boses.

Magkagayunman ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Isang mahabang pasilyo ang nilalakaran niya, hindi masiyadong maliwanag dahil malayuan ang mga nakasinding ilaw. Pansin niya ang kalumaan ng bahay, pero maayos rin naman. Nakarating na siya sa may sala, nasa second floor siya at dalawang hagdan ang nasa bawat gilid ang pweding madaan pababa. Mula sa naglalakihang bintana nakikita na niya ang dagat sa labas mula roon.

"Great, and you're awake," declared the baritone voice, something that made her feel bizarrely emotional.

Who else? The cruel Luis Mendrano!

Muntik pa siyang mapatalon sa pagkagulat, pinakatitigan niya ang lalaki na nakaupo pa rin naman sa wheel chair at pinagmamasdan siya mula sa ibaba.

"Gosh! Papatayin mo ba ako sa pagka-bigla!" asik niya. Napahawak pa siya sa may barindilya ng hagdan baka bigla siyang magkamali nang apak ay tuluyan siyang mahulog pababa at iyon pa ang ikamatay niya.

"Come outside, kanina ka pa hinihintay ni Claims." Nauna na itong lumabas pagkasabi niyon.

Katarina was irritated, astonished, and nearly had an heart attack. But yet, he just couldn't apologize to her.

Gustong-gusto na niya itong awayin, ngunit nagpigil siya. Tuluyan siyang sumunod rito, pahapon na ngunit mainit pa rin ang simoy ng hangin na humahaplos sa kaniyang balat. Lumanghap siya, nangangamoy alat iyon dahil malapit sila sa may dagat. Iginala niya ang tingin, walang katao-tao. Sila lang yatang tatlo ang narito. Kahit nang tumanaw siya mula sa natatanaw na dagat ay wala siyang maaninaw na hugis doon. Tila nasa malayo silang lugar— hindi napupuntahan ng ibang tao.

"Hello Mama, are you feeling fine now?" Salubong na tanong naman ni Claims sa kaniya. His face went up for her a moment, before returning attention to playing in the sand.

"Oo anak, ang dumi-dumi mo na. Akiyat na tayo, palitan na kita ng damit." Yakag niya sa bata.

Claims stepped up and took her hand. Luis was standing on the balcony, watching them closely.

Hindi pa rin niya ito pinansin kahit nang dumaan sila sa may tabi nito. Gusto sanang kagalitan ni Katarina ito kung bakit hinahayaan nitong nasa dalampasigan ang anak na mag-isa. Gayong walang bantay ito, kaso naisip niya rin sa huli na makasakit pa siya ng damdamin. Lumpo ito at mas kakailangan ng malawak na pang-unawa.

"Klaire, kung may gusto kang ipabili sabihin mo  lang. Nasa bayan si Ram kasama si Nana. Para mabili nila." Pahabol nito sa kaniya.

She remained silent and continued to follow his son. No matter how nice Luis to her, she won't allow herself to trust him again.

Living With The Mafia Boss R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon