Chapter Two

102 7 0
                                    

IN no time, the day had passed and the man who had been kept safe by Klaire in their home had fully recovered. Until those moments, the girl had no idea about Thor's origin. He named him that way because he has a resemblance to the actor who performed here. He didn't complain to her, because he didn't say anything after that.


Maging ito man ay wala pa rin naman maalala.

"May pupuntahan ka ba ngayon araw Klaire?" tanong ni Thor matapos itong makalapit sa kaniya at kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng kamay sa nakabitin na tela malapit sa may lababo. Katatapos lamang nilang mag-agahan ng mga sandaling iyon.

"Wala namanakong lakad ngayong araw. Tanging pupuntahan ko lamang ang mga tanim kong gulay sa may likuran at para makapagpatuka na rin ako ng mga alagang manok," sagot naman ng dalaga.

"Gusto ko sana na magpasama sa iyo kung maari," sabi naman nito habang nakatitig ng diretso sa kaniyang mata. Bigala naman napaiwas nang tingin siya.

"B-bakit saan mo balak pumunta? May naalala ka na ba, alam mona ba kung saan ka nakatira at kung sino ka ba talaga?" Sunod-sunod niyang pagtatanong sa lalaking napapakamot sa sariling ulo.

"W-walang ganoon Klaire, naisip ko kasi na magpasama sa iyo sa may presinto para magtanong-tanong. Alam mo na baka makatulong sila sa kung sino ba talaga ako," sabi naman nito.

Tumango-tango naman si Klaire na tila nakakaunawa naman sa lalaki.

"Mabuti pa nga at nang makauwi ka na rin sa inyo, baka nag-aalala na rin ang pamilya mo, sandali at magbibihis lang ako mamaya na lang ako gagawa," tugon niya rito.

As she recalled something, Klaire's chest heaved slightly. Because she was already used to being with him, in the short time they were together, she quickly became close to the man. Sa ideya na balang-araw ay aalis din ito sa poder niya ay bahagiya niyang ikinalungkot iyon.

Muli ay mabilis niyang pinalis sa isipan ang mga ganoon bagay na hindi pa naman nangyayari.

Mabilis naman siyang natapos sa pagbibihis. Hindi naman niya pinaghintay nang matagal ang lalaki sa totoo lang madalian talaga siyang magbihis, dati pa.

Isang plain white shirt at kupasin na pantalon ang ipinares niya roon. Bagama 't nag-aaral sa kolehiyo ay lagi naman siyang nag-uniporme sa Unibersidad. Kaya hindi na niya matandaan kung kailan huli siyang nakapamili ng bagong damit. Iyong isinuot na nga lang niya ngayon ang isa sa mga matitinong damit na meron siya. nag-sandals na lang din siya na mumurahin din niya nabili sa may Divisoria sa Maynila.

Kahit paano ay nakuntento na siya sa nakitang repleksyon mula sa salamin sa harap ng tokador niya. Ipinusod na lamang din niya ang mahabang buhok saka nagpulbos. Wala siyang kahilig-hilig sa paglalagay ng make up, simple lang siyang manamit at pomorma ayos na sa kaniya iyon. Para sa kaniya ay presentable na siyang tignan kahit ganoon siya.

Tuluyan na siyang lumabas sa kanyang silid, nakita niyang nakapagpalit na rin si Thor. Isang chekered na polo na ginagamit ng Papa niya noong nabubuhay pa ito ang isinuot nito. Bago pa tignan ang pantalon nito dahil bagong bigay lamang daw iyon ng amo ng ama nito dati.

Naisipan ni Klaire na pahintulutan muna ang lalaki na gamitin ang mga gamit ng namayapa niyang ama dahil wala naman ibang gagamit niyon. Sa tingin naman niya ay hindi na magagalit ang ama.

"Tama lang pala ang size ng paa mo sa rubber shoes ni Papa." Puna ni Klaire nang dumako doon ang pansin niya, mabilis kasi niyang inilihis ang pansin sa nakahantad na mabuhok na dibdib hanggang pababa sa may puson ng lalaki ang tingin niya. Hindi pa kasi tapos ito sa pagbu-botones kanina nang lumabas ito mula sa pintuan ng silid. Napapalunok siyang umiwas ng tingin dito, ewan ba niya bigla siyang nag-init at nahiyang makipagtitigan dito ngayon.

"Thank you for your help. Once I discover my real identity and where I came from, I will be willing to repay your kindness, Klaire." It was filled with gratitude and promise.

Matipid na lamang din nangiti ang dalaga at inaya na itong umalis sila para hindi sila magabihan sa pag-uwi. Malayo pa naman ang Bayan baka gahulin sila sa oras kapag nagkataon.

"Huwag mo ng isipin iyon, ayos lang basta maging okay ka na." Iwinasiwas pa ni Klaire ang kamay sa harap ng lalaki.

"Klaire, I am insistent that I will get back to you as soon as I recover my memory. I am serious about it." The man reached for it and held her hand automatically.Naghinang tuloy ang mga mata nila, parang nakulong sila sa isang mahika na sila lamang ang nakakaramdam. Nahihiya naman na hinila ng dalaga ang kamay pagkatapos. Nag-aya na siya agad umalis.

Maglalakad kasi sila hanggang sa may bukana ng gubat. Saka pa lamang sila makasakay ng pampasaherong trycle para magpahatid sa nag-iisang police station sa Bayan ng San Salvation. Mahaba-haba rin oras sila makakarating sa pupuntahan.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now