Chapter Nineteen

41 0 0
                                    


NAGMADALING binalikan ni Klaire si Manang Seselia. Ngunit wala na ito sa may dining area, naisip niyang silipin kung nasa maids quarter ang matanda. Hindi nga siya nagkamali, dahil naroon ito kasama pa ang ibang mga katulong. Parehas nito ay nag-iiyakan din.

"Excuse me Manang Seselia, maari ho ba kayong makausap." Pasintabi niya upang maagaw ang pansin nito.

Pinalabas nga nito ang ibang kasama nila sa loob at ng dadalawa na lang sila ay iyon naman na ang nakitang pagkakataon ni Klaire na makahingi ng sorry dito.

"Ako na ang humihingi ng sorry sa inyo Manang sa inasal ni Luis. Hayaan niyo makikiusap ako ulit sa kanya na bawiin ang pagpapaalis sa inyo rito sa mansyon," pangangako niya rito. Inawat na niya ito sa paglalagay ng mga gamit nito sa loob ng maleta nito.

"Imposible ang gusto mong mangyari ija, kapag nagbitiw na si master Luis ng salita ay hindi na mababago iyon," malungkot nitong saad na suminghot pa.

"Wala hong imposible kung susubukan ko ho uli," determinado niyang sabi.

"K-kung narito lang sana si master Ruiz, maaring mapagbago pa ang isip ni master Luis," tugon ng matandang babae.

"Sino ho si Ruiz manang?" taka niyang tanong. Ngayon na lang niya narinig ang pangalan na binanggit nito.

"Nakatatandang kapatid siya ni master Luis ija," sagot nito.

"P-po? May kapatid ho pala si Thor," bulong niyang ani. Ngayon lang niya napag-alaman na may kapatid pa pala ito.

Minsan naiinis na siya sa sitwasyon niya. Dahil marami pa talaga siyang hindi nalalaman sa lalaki.

Nagpaalam na siya kay Manang Seselia, sinabihan niya itong itigil ang pag-eempake dahil hindi niya papayagan na umalis ito.

Muli nga niyang pinuntahan si Luis, ngunit napag-alaman niyang nakaalis na pala ito. Nagpunta na lamang siya sa anak na nasa loob ng kanilang silid na abala sa paglalaro.

"Nasaan po si Papa, Ma?" tanong ni Claims sa kanya.

"May pinuntahan lamang anak," sagot niya rito. Huling-huli niya ang biglang paglungkot ng mukha nito na labis niyang dinamdam.

"Hayaan mo babalik din siya kaagad," sagot na lang niya.

"Lagi naman pong ganyan ang sinasabi niyo Mama, pero hindi rin naman totoo." Nakatungo nitong sinabi iyon mismo kay Klaire, kahit na hindi ito tumingin ay tiyak niyang naiiyak na naman ito.

"Hayaan mo babawi sa atin tiyak ang Papa Luis mo, pangako!"

Hindi nga nagtagal at nangyari ang sinasabi niya sa anak. Dahil ng hapon na iyon bago mag-alas sais ay mga dumating na tao upang ayusan sila. May pina-deliver din na mga bagong party clothes para sa kanilang dalawa.

As usual ay si Ramil ang naroon at hinihintay silang matapos.

"Nasaan si Thor Mang Ramil?" tanong niya sa lalaki matapos na pumasok ito sa silid. Kasalukuyan pa rin siyang mini-make up'an ng isang babae. Halos isang oras na rin siyang nakaupo, hindi pa tapos ang paglalagay ng kulay sa mukha niya ngunit ibang-iba na ang itsura niya. Halos hindi na niya makilala ang dating siya.

"Napakaganda mo ija, tiyak kong lalong mai-inlove sa iyo si Boss," papuri sa kanya ni Ramil matapos niyang makapagpalit ng gown na mismong si Luis ang pumili at bumili para sa kanya sa gabing iyon.

Isang kulay azalea na modified gown ang suot niya, bagay sa morena niyang kutis. Maging ang light make up ay bumagay din sa kanya, mas umangat ang natural niyang ganda. Ika nga ng babaeng nag-make up sa kanya. Itinali na rin niya ang mahabang buhok kaya lalong na-emphasize ang mukha niya.

"Wow! Mama ang ganda-ganda mo po!" Salubong sa kanya ni Claims na nasa paanan ng hagdan kung saan ay pababa lang naman siya.

Napangiti naman siya rito, iyon kasi ang unang beses na nakita siyang nakaayos ng anak niya. Hindi sa pagyayabang pero lagi siyang kinukuha sa klase nila kapag may pageant na nagaganap sa paaralan nila. Wala naman kasi iyon sa kanya, dahil kumbaga dagdag sa grades niya ang pagsali ay makakakuha pa siya ng cash prize.

Nag-freeze yata ang ngiti niya sa labi ng mula sa may pinto ay pumasok si Luis. Katulad nila ni Claims ay nakasuot na rin ito ng formal attire.

At halos nagdagdag sa angkin karisma nito ang naka-shave na ngayon na lalaki. Kung dati ay balbas sarado ito ay ngayon napaka-clean na nitong tignan.

Isang puting tuxedo ang suot nito bagay sa mestiso nitong features. Ang blonde nitong buhok ay sinuklay na lamang nito patalikod. Those deep eyes broad her whole being. Parang maiihi si Klaire sa kabang bumalot sa kanya sa kakaibang titig ni Luis sa kanya na nanunuot ngayon sa kalamnan niya.

Nagdahan-dahan na siya sa pagbaba, baka kung hindi siya mag-ingat gumulong siya pababa. Mahirap na walang sasalo sa kanya.

"Your gorgeously stunning babe," anas ni Luis matapos na abutin ni Luis ang nanginginig niyang kamay na hinawakan nito. Parang libo-libong kuryenti ang gumapang sa kanya ng halikan nito ang ibabaw ng palad niya.

"Halla! si Mama namumula!" Kantiyaw sa kanya ni Claims.

"Tahimik Claims!" Nakairap niyang saway sa bata na napahagikhik lang.

"Let's go, anyway your really beautiful tonight babe. Bagay na bagay sa iyo ang mag-ayos." Muling papuri ni Luis na hindi na yata maalis-alis ang malagkit na titig sa babae.

"Tigilan mo nga ako Luis, kahit hindi mo naman sabihin iyan ay okay lang!" Pagpapatahimik niya rito.

Kung hindi siya titigilan nito ay baka malusaw na siya sa titig pa lang nito.

Binuksan na nga ni Ramil ang pinto para sa kanilang tatlo. Gusto sanang magtanong ni Klaire kung saan ang venue ng party na dadaluhan nila ngunit mamaya na lang. Para kasing nakulong na ang boses niya sa lalamunan at hindi niya magawang kausapin ang katabi niyang si Luis na hawak-hawak pa rin ng mga sandaling iyon ang kamay niyang nanlalamig.

Bumaba na sila sa sasakiyan, naghihintay na pala sa kanila ang helicopter sa helipad. Kung gagamitin nila iyon ay tiyak niyang malayo ang pupuntahan nila.

"Yeey! sasakay ulit tayo sa "capter". Tawag iyon ng anak nila sa helicopter na sasakyan nila ngayon.

"Yes baby, we're going to Manila!" Dinig ni Klaire na sinabi nito sa anak nila.

Maya-maya ay natuon na ang pansin ng bata sa labas na makikita lang ay ang madilim na karagatan.

"And you my lady, kapag nakarating tayo roon ay huwag kang bibitiw sa kamay ko."

"Bakit naman at hindi ko dapat bitiwan ang kamay mo?" takang tanong ni Klaire.

"Because I don't want to. Baka kasi kapag 'di mo hawak ang kamay ko ay may ibang hahawak sa'yo," may ngiti sa labing saad ni Luis. Bagamat nakangiti ito ay mahihimigan sa tinig nito ang pagka-possessive.

Hindi na lang umimik si Klaire, again he felt the wet kiss in her neck from Luis.

"Always remember... your mine Klaire."

HALOS malula si Klaire sa dami ng mga tao na nasa party. Inayos na niya ang suot na mask, dahil ayon kay Luis ay lahat ng taong pupunta ay magsusuot ng ganoon.

Naglakad na sila sa karamihan ng tao, ang iba ay binabati sila at ngini-ngitian. Hawak-hawak niya ng mahigpit ang anak, sa sobrang dami ng tao ay baka mawala si Claims.

"You just sit here, I'll be talking some people. Kung magugutom kayo naroon lang ang bauffet table, sasabihan ko si Ramil na magbantay sa inyo," bilin ni Luis.

Naglakad na nga ito palayo, sinundan pa ito ni Klaire ng tingin. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin na naiiba ito sa mga taong naroon. Sometimes she's proud na siya ang babaeng kasama nito ngayong gabi. Sa dami ng mga nag-ga-gandahan na babae na naroon ay pinili siya nito, kaya nanliliit siya para sa sarili.

"Mama, gutom na po ako," sabi sabi kanya ni Claims.

"Sige sandali at ikukuha kita ng makakain, dito ka lang at huwag kang aalis."

Matapos na bilinan niya ang anak ay naglakad na siya papunta sa bauffet. Nanguha lamang siya ng sapat na pagkain para sa anak, sa kanya naman ay mamaya na lang siya kakain. Busog pa naman siya sa kinain niya kaninang meryenda ng hapon sa isla.

Pabalik na siya ng may tatlong babae ang hinarang siya. Hindi katulad ng mga taong naroon ay walang suot na anuman maskara ang mukha ng mga ito.

"So it's you, the Probinsyano gold digger na dinala ni Luis dito sa Manila," wika ng babaeng mestisa na may chinitang mata. Base sa itsura nito ay lasing na ito.

"Sorry miss pero hindi ko alam ang sinasabi mo, excuse me!" Akma siyang aalis ng marahas siyang hawakan sa braso ng babae.

"Hey! I'm still talking to you bitch, don't you dare to walk out on me," mataray na pagsasalita ng babae.

"Pasensiya ka na miss, pero hindi talaga kita kilala. Sige na at dadalhin ko pa ito sa anak ko." Muli niyang hinila ang braso palayo sa babae. Ngunit mabilis naman siyang hinawakan ng dalawang babaeng kasama nito.

"Hoy! kapag kinakausap ka ni Alexa Suson ay huwag kang bastos!" mataray na sabi ng dalawa.

"Pwedi ba bitiwan niyo ako, hindi ko naman kayo kakilala! Pakialam ko ba sa mga sinasabi niyo!" inis na niyang sabi.

"Ah ganoon, hindi mo kami kilala? puwes sa gagawin namin sa iyo makikita mo ang hinahanap mo." Kasabay ng paghablot ng isang babae sa platong naglalaman ng pagkain ni Claims. Akmang itatapon kay Klaire iyon ng isang kamay ang humawak dito.

"Oops! don't you dare to do that kung ako sa iyo Miss... Tara na Klaire." Sabay ng paghila ng lalaki sa kanya.

"Sandali iyong pagkain ni Claims, Luis!" Awat niya dito.

"Don't mind that, bahala na si Ramil doon, okay. For now, kailangan natin mag-usap."

Hindi na nagsalita si Klaire at pinabayaan ang lalaki. Nakarating nga sila sa may roof top ng building kung saan walang taong naroon kung 'di sila lamang dalawa nito.

"A-ano bang pag-uusapan natin?" kinakabahan niyang tanong.

Inilagay naman ng lalaki ang dalawang kamay sa loob ng bulsa sa suot nitong slacks at lumanghap ng hangin. Gabi na ngunit walang makikita ni isa man butuin mula sa kalangitan.

"Marami... katulad ng kung paano mo napaamo ang kapatid kong tigre."

Nagsalubong naman ang kilay ni Klaire. Naguguluhan na siya rito.

"Pinagsasabi mo ba, ang gulo mong kausap ngayon Luis."

Maya-maya ay tuluyan itong napahalaklak sa kanyang harapan.

Bigla siyang kinabahan, ibang-iba ito sa kilala niyang Luis.

"Oh, I forgot to introduce myself to you Klaire..." Kasabay ng pag-alis ng maskara nito sa kanyang harapan. Ngayon ay nakatunghay na siya sa kaparehong mukha ni Luis.

Lalo siyang naguluhan, ito si Luis nasa harap niya pero malakas ng kutob niyang hindi ito ang Luis na kilala niya.

"S-sino ka ba talaga?"

Nagmulat ng mata ito ngayon, kitang-kita niya ang dark brown nitong irish. Naiiba sa kulay ng mata ng kilala niyang Luis.

"Nice seeing you Klaire Hendoza, totoo nga ang sabi ni Tiyo Agoncillo napakaganda mo... siya nga pala nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. I'm Ruiz Mendrano older brother of Luis."

Living With The Mafia Boss R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon