Chapter Thirty Three (SPG)

57 2 2
                                    

A/N

BABALA! May mga parteng hindi kaaya ayang basahin. Maaring pakilagtawan na lang kung hindi kumportableng basahin. Salamat! 


KLAIRE continued walking again. Her whole body was shaking, and her mind was so confused that she still did not lose the determination to continue what she started.


Nabuhayan na siya ng pag-asa ng mula sa 'di kalayuan ay matanaw niya ang bangka na naghihintay sa kanya. Ipinagpasalamat niya ng labis ang pagtulong sa kaniya ni Ruiz. Kung hindi rito ay hindi siya makakaalis.

Tumila na rin ang malakas na ulan na tila walang balak na tumigil kanina. Kaunting-kaunti na lamang siya, ngunit lahat ng pag-asa na nadarama niya ay tuluyan naglaho ng marinig niya ang pagkasa ng baril mula sa likuran niya upang matigil sa paghakbang ang nangangatal niyang mga paa.


"P-please L-Luis, h-hayaan mo na ako. H-hwag kang mag-alala iiwan k-ko si C-Claims," umiiyak niyang pakiusap na nagtaas ng kamay.


Naghintay siya na sumagot ito, ngunit wala siyang nahintay. Kaya ipinagpatuloy na niya ang paglalakad nang hindi lumilingon.


Malapit na malapit na siya sa dulong bahagi at baba na lamang siya sa konkretong hagdan papunta sa naghihintay na bangka sa kaniya. Nang isang putok ng baril ang umalingawngaw sa tahimik na gabi.


Biglang natigilan si Klaire ng maramdaman niya ang tama ng bala sa kanyang likuran. Tuluyan niyang nadamang muli ang pagpatak ng ambon sa kaniyang balat.


Awtomatiko siyang napahakbang upang sulyapan si Luis. Ngunit maging ang mga paa 'y hindi nakisama sa kaniya.


Tuloy-tuloy siya sa pagbulusok paibaba, hanggang sa maramdaman niya ang pagbagsak ng katawan niya sa dagat.


Unti-unti na siyang nilalamon ng dagat mula sa kailaliman, padilim ng padilim. Maging ang paghinga niya 'y kinakapos na rin.


Natitiyak na ni Klaire ang katapusan. Sa muli niyang pagtitig sa itaas ng mga bato kung saan siya naroon bago mahulog sa dagat ay lumitaw doon si Luis.


Ang siyang walang awa na bumaril at nagdala sa kaniya sa kalunos-lunos na katapusan...


AFTER THREE YEARS


THE loud screeching of the helicopter's propeller can be heard. Which only belongs to the famous and well-known Mafia Boss of the Mendrano Mafia Crime Familia, Luis. After landing safely on the helipad of a tall building from Manila.

He was immediately greeted by his men who were waiting for his arrival there. They sorrounded him and ensured his security.


"Boss L, kompleto na po ang lahat ng mga kasapi ng Familia sa loob. Hinihintay na lang po namin ang susunod niyong ipag-uutos," sagot naman ni Ramil na nakasunod sa lalaki na tahimik lamang habang naglalakad sila papasok mg building.


Wala pa rin naman ipinagbago ang binata sa lumipas na taon. Malakas pa rin naman ang dating nito at kinatatakutan pa rin ito ng nakararami. Subsequently, something about him seems to have changed in the past years.

Living With The Mafia Boss R18Where stories live. Discover now