Feeling jowa, amputa! Mas matutuwa pa ako kung ulo ni Andre ang nakahiga sa balikat ko.

Once again, nakipag kita ako kay Angel sa canteen at sabay kaming kumain. Hindi muna sumama si Hiro dahil kasama daw niya iyong iba niyang mga kaibigan na sila Felix at Irish. May performance din sila kaya baka maghahanda.

"So anong balita after niyong magcoffee ni Andre?" Tanong ni Angel na kumakain ng burger.

Lumapit ang ng bahagya at mahinang nagsalita. "Pinag-usapan lang namin kung ano iyong mga nasa law sections. Hindi naman kami nagtagal kasi gabi na din noon."

Ngumuso si Angel. "Sayang, dapat inuwi mo na, e." Nakakaloko niyang sinabi.

I covered my mouth and looked at her. "What if, inuwi ko talaga siya, no?"

"Sino?"

"Si-"

"Uy! Andre! Ikaw pala 'yan!"

Sigaw ni Angel na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang pagsulpot bigla ni Andre mula sa likod ko. At muntik ko nang masabi ang pangalan niya!

"Sinong iuuwi mo?" Tanong ni Andre habang umupo sa tabi ko.

Agad naman akong binalingan ng tingin ni Angel, at ngumiting nangaasar, habang itinataas at baba ang kilay niya.

Agad ko namang nilingon si Andre, at sabay ngiti. "Chismoso!"

He chuckled. "Hmm, busy ka mamaya?" He asked, habang ibinaba ko naman ang pagkain ko.

"Hmm..." I put my hand on my chin as if thinking."Bakit?"

He smiled."Samahan mo 'ko sa xylo mamaya, nonood ako ng performance ni Hiro."

I was speechless for a seconds, pero tumango din naman agad ako at masayang ngumiti sakaniya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Nakatingin si Andre saakin while smiling softly. Kung hindi mo lang alam, Andre, pag ako na-cardiac arrest, ikaw ang una kong mumultuhin.

"So free ka? Ano? tara?" He excitedly asked while smiling. And that smile could melt the whole iceberg.

I smiled back and nodded. "Hmm... mag-aaya din naman iyong si Hiro, e." I remarked.

"Edi sunduin kita mamaya?" Aniya habang nakatingin saakin naparang nagungusap ang mga mata.

Hindi ko maibaling ng tingin sakaniya, kaya tumango na lang ako. "Sige, ikaw bahala."

Kahit pa na nakaalis na ang lalaki ay tulala pa din ako at nakangiti. I even totally forgot na nasa harap ko pa si Angel.

It's like everything stopped when Andre's eyes met mine. His eyes are telling me that there is more, pero hindi ko mapagtanto kung ano. Ang mga mata niya ay nangungusap, at sobrang nakakapang tibok ng puso.

"Tulala nanaman ang isang, Maxine Reyes!" Sigaw ni Angel, ngunit imbes na sungitan ko siya ay tumawa ako.

"Marami sa atin, o karamahian sa bansang pilipinas ang namomroblema dahil sa family matters. Family law in the Philippines is a specialized field of law that addresses legal matters related to families, marriages, and domestic relationships. It encompasses a wide range of issues, including marriage, annulment, child custody, adoption, property division, and more." Tuloy tuloy na pag-di-discuss ni G. Martin.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now