CHAPTER 3; New Operation Unlocked

55 3 0
                                    

Her Point Of View


"I heard the news, what did you do to your sister?"I mentally close my eyes. 'Yan agad ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa palasyo. Nakakainis, ayaw ko ng ganitong scenario. Baka may magawa akong mali. . .

Kaharap ko ngayon ang hari habang nasa tabi niya si P-Eliana at ang babae nito. Idagdag mo pa ang mga kapatid kong nasa di kalayuan lang at pinapanuod kami.

"I didn't do anything."I answered honestly. Wala naman talaga? Hindi naman siya ang kaaway ko kundi ang prinsesang Helena na'yon.

"Your Majesty, it's true. Wala namang ginawa si Elizabeth. We already clarify something on the Royal School that what happened is just an accident."paliwanag nito with her two fucking face.

Ang sarap umirap, mas gusto ko pang maging villain kaysa sa maging bida. Hindi ko kayang maging mabait. At buti alam niya na accident lang 'yon? O baka set up?

"I know that Elizabeth can't do that but. . . Your bruise. Sabi nila nag-away daw ka'yo."biglang nanlaki ang mga mata ko. What the heck? Anong bruise? I hindi ko nga siya nahawakan kahit isang kititing lang ng katawan niya?

"Your Majesty, Elizabeth didn't do it. Pagkakadapa ko'to kanina."sabi nito. Buti nga nagsasabi 'yan ng tutuo.

"So your trying to say, that Princess of the west kingdom do that?"the mistress asked. Bigla akong naintriga, aba't sinali pa talaga niya si Shakira?

"As what Princess Eliana said, it was just an accident kaya hindi kasalanan 'yon ni Princess Shakira."natoptop naman ang bibig ng babae dahil sa sinabi ko.

Parang tuta si Eliana para sumang-ayon sa'kin. Hindi ko alam kong nagpapa inosente ba siya o baliw talaga siya? Psh. Nevermind.

Dumating ang panibagong araw at patok sa Royal School ang nangyari. Para akong artista kapag naglalakad ako sa corridor dahil pinagtitinginan nila ako.

"You know, Princess. Hindi bagay sa'yo ang prinsesa, you looked like a defender!"I smiled on what Princess Shakira said. Yeah, it's my dream too.

"And thank you for defending me, yesterday."

"No, dapat ako ang magpa salamat dahil tinulongan mo ako."I said.

Umalis si Shakira dahil nagsisimula na ang Royal Lesson niya. Wala akong magawa kundi tumingin lang sa paligid at pagmasdan 'to.

"You heard the news right? Prince Arzhel is already the crown prince on the north kingdom."

"Pero hindi pa fully, may kondisyon."

"You attend last night?"

"Yes, and north kingdom. . .Ang daming attractive!"

Nangyayari din pala 'to? Mga chismosa rin pala ang mga prinsesa?

And Prince Arzhel is the crown prince? Katulad rin ni Prince Lazaren? So it means that. . . . HOLLY CRAP! Papalapit na ang araw ng decision making ng hari! Kailangan ko ng plano!

I know that Eliana is the one to be selected kaya nga mas naging mesirable ang buhay ni Elizabeth dahil sa nangyari. Wala ng kapangyarihan si Elizabeth para guluhin 'to. Patago lang ang plano niya at ang susunod na magiging hari naman ay nasa dalawa kong kapatid na lalaki. Wtf? Kawawa ako for sure? Tudo bantay pa naman si Lazaren at Arzhel sa kanya. But. . . I'm not Elizabeth. Yes hindi ko gustong makuha ang truno dahil problema na naman ang pagdada-anan ko but. . .

I don't have any power? What would I do? And especially Princess Eliana is acting weird lately. Parang hindi siya 'yong female lead. Mas bagay panga niya ang role ko na pagiging kontrabida?

Taming The Second Male Lead(RS#3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum