CHAPTER 2; Daughter Of A Dragon

59 4 1
                                    

Her Point Of View

Yes I believe in destiny pero hindi naman sana ganito!

"Princess Eliana and Prince Lazaren."

"Prince Kleo and Princess Claire."

"Princess Elizabeth and Prince Arzhel."

Napasimangot ako dahil sa narinig. Hindi ko na alam, pero parang pinaglalaruan na talaga ako ng tadhana. Naaawa na'ko sa sarili ko. Hindi ko manlang magawa 'yong avoiding operation.

Tumingin naman ako sa aking tabi at nandon nga siya naka tayo habang nasa ibang direksiyon ang tingin. Dumapo naman ang mga mata ko do'n at mas lalo akong napa simangot dahil sa nakita. Hanggang dito pa talaga?

I can't believe this! Nakikita ko ngayon kong pa'no mag selos ang isang fictional character? Galit na galit, gustong manakit?

"Let's start now!"sigaw ng instructor. Mukhang nagka-malay naman ang lalaki at agad na humarap sa'kin. Hindi ko alam pero ang awkward naman nito.

Nag bow naman ang mga prinsepe na nagpapakita nang paggalang pero ang isang 'to wala manlang ginawa. I ignored his attitude at dahan-dahang lumapit sa kanya, wala akong choice para gawin 'to. Dapat umac-ting tayo na parang normal.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko kaya wala akong choice kundi humawak rin sa balikat niya habang magkahawak ang isa naming kamay. Pinipigilan ko ang aking pag-hinga dahil isang dangkal nalang ang layo namin at baka may magan- masamang mangyari.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya at ang mabango niyang hininga. Ang sarap mag tanong kong anong gamit niyang toothpaste at ma share ko kay Nash.

And his scent. . . Ang bango!

"Stop day dreaming."nabalik naman ako sa ulirat. Nakakahiya nakita niya akong nakatulala, baka anong isipin niya.

Tumunog naman ang musical instruments kaya nagsimula na kaming sumayaw at kaiisang hakbang ko palang ay agad akong napapikit. This is not happening. Hindi pala ako marunong sumayaw! Naramdaman ko namang napatigil siya at alam kong nagtataka siyang nakatingin sa'kin ngayon.

Alam ko okay? Elizabeth can dance but ako si Eliz! Magandang anak ni Ariella at Eros at may dalawang kapatid, panganay, at future attorney katulad ng papa niya at isang attorney ay hindi kailan man sumayaw ng ganito. I'm not a princess . .I'm a student!

Agad kong kinuha ang paang naka apak sa papa niya, alam kong masakit 'yon dahil naka heels ako pero mukhang hindi naman siya nasaktan. Parang kinakain ako ng kahihiyan. Nakita ko namang komorba ang mga labi niya at natutuwang naka-tingin sa'kin.

Anong nakakatuwa?

"I think you lost your memory at pati pag sayaw ay nakalimutan mo na. I heard a news that you are the queen of royal dance in the kingdom."

29 words and 107 letters at 'yon tinablan ang kahihiyan ko. I'm not Elizabeth okay?

"I can't dance. . . ."I said almost whisper.

Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya pero napalitan rin ng isang ngisi. Ang yabang nang porma niya ngayon. Para talagang si Azrchel.

Napaigtad naman ako ng mas lalo niyang idikit ang katawan ko sa kanya. This is harassing!

"Then. . . I teach you."he whispered. Halos manghina ako pero nandiyan siya at hinahawakan ako nang mahigpit. Ayaw yata akong bitawan.

Yeah. . .I get it now. Baka ginagawa niya 'to dahil nandiyan si Princess Eliana. Nakita ko pa naman kanina ang selos niya. Gustong manakit. . . . 

Taming The Second Male Lead(RS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon