CHAPTER 14; Jealous

32 1 0
                                    

Her Point Of View

(Typical errors and wrong grammar ahead.)

Usap-usapan ang nangyari sa'kin sa academy. Dahil sa nangyari sa'kin ay mas pinataasan pa ang security sa academia. Mas pinadali rin nila ang crowning event para hindi magka interes ang kalaban na dukutin ang mga tagapagmana at kapag naka-upo na ito ay magiging ligtas sila dahil sa mga bantay. Anong klaseng instinct 'yon?

"Princess Elizabeth! Nag-aalala ako sa'yo! Okay kalang ba? Sinaktan kaba nila? Ano! Sumagot ka at ako ang maghihiganti!" Natawa naman ako sa reaksiyon ni Shakira ng makita niya ako.

"I'm okay, ang lakas ko kaya!" But she just stared at me seriously at bigla akong niyakap. Bahagya akong nagulat pero natawa din, naaalala ko si Dani sa kanya.

"You made me worried, akala ko mawawalan na ako ng kaibigan." My heart melted, I'm glad because I have a friend here and it was Shakira. Pa'no nalang kaya kapag nandito rin si Dani?

Humiwalay ito ng yakap sa'kin.
"Marami kang ik-kwento sa'kin ngayon!"

Nag-usap kami ni Princess Shakira kahit ano-anong bagay tungkol sa nangyari sa'kin.

"That was amazing! Ang swerte mo, you have a knight in shining armor! That was my dream too!" Napatawa ako dahil sa kanyang reaksiyon.

"So what happened between you two?"

"Wala, just normal things." Pinigilan kong hindi mamula ng maalala ang nangyari. Normal paba 'yon?

"Talaga lang ha, eh bakit papunta sa puwesto natin ngayon si Prince Arzhel?" Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanyang tinutukoy ay halos matumba ako sa pagkakatayo ng makitang papalapit nga si Prince Arzhel sa direksiyon namin.

"Good morning, Prince Arzhel." Mapaglarong bati ni Princess Shakira dito habang ako ay nakatulala lang.

"Good morning too, Princess Shakira." Parang mawawalan ng hininga si Shakira ng batiin rin siya ni Arzhel kahit seryoso ang mukha nito. As always. . .

May mga royalties namang nagtataka at nagbulong-bulongan. Nagulat siguro sila sa inasta ni Arzhel, hindi naman talaga siya ganito kapag hindi pa niya close ang isang tao pero ngayon. . . .

"May I borrow your friend?" Biglang nagwindang ang puso ko dahil sa tanong niya. Bahagya naman akong kinurot ni Princess Shakira sa tagiliran.

"Ikaw ha, magpaliwanag ka mamaya." Bulong nito at bahagyang ngumiti sa kaharap.

"Oo naman, sige aalis na ako! Enjoy ka'yong dalawa!" Biglang nanlaki ang mga mata ko ng iwan niya nalang ako bigla. What the? Gano'n lang 'yon?

Tumingin naman ako kay Prince Arzhel na ngayo'y ay parang nakakita ng candy dahil sa tuwa. Mukha siyang adik diyan sa ngiti niya. . . Guwapo na adik.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Why, you don't miss me?" Parang nabilaukan ako sa sariling laway. Kailan pa siya naging ganito ka clingy? Parang sira. . . Pero gusto ko naman. Ang cute niya. . . .

"Aba malay ko."

"Is your lips okay?" Tanong niya kaya biglang naging sariwa sa'kin ang nangyari sa'ming dalawa. Nakakahiya pero kasalanan rin naman niya! Bakit niya kasi hinipan?

"Kasalanan mo 'yon, nawala tuloy first kiss ko!" I blurted out, naramdaman ko namang natigilan siya pati narin ang mga royalties na nakarinig. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Nakakarami na talaga sa'kin ang lalaking 'to

"So I'm really your first kiss?" Parang natutuwa pa siya sa nangyari.

"Oo, first kiss mo din 'yon naman diba?"

Taming The Second Male Lead(RS#3)Where stories live. Discover now