Kabanata 28

210 11 0
                                    


Enjoy reading!

"I know you have a problem. You can tell it to me." Biglang sabi ni Jack Jendrick habang bumabiyahe kami patungo sa bahay.

Hindi ko kayang tumingin sa kaniya. Baka ano mang sandali ay tutulo na ang luha ko.

"Wala. Guni-guni mo lang 'yan." Pagbibiro ko ngunit nanatili siyang seryoso habang nakatingin sa akin.

"Ki." Tawag niya sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung ngayon ba ang tamang oras upang sabihin sa kaniya na ihinto niya na lang ang panliligaw niya sa akin.

"Gusto kong sabihin na kung pwede ay huwag mo na lang ituloy ang panliligaw mo sa 'kin," diretso kong sabi. Biglang nag dahan-dahan ang takbo ng kotse niya at huminto kami sa gilid ng daan.

"Why?" Kunot -noong tanong niya.

"W-wala lang. Siguro kasi medyo matanda ka na rin sa 'kin. Mas okay siguro kung 'yong kasing edad mo 'yong ligawan mo." Wika ko.

"Anong klaseng sagot 'yan, Ki? Are you serious about it, Kiera?" Tanong niya.

"Mukha ba akong nagbibiro, Jack Jendrick? Seryoso ako sa sinabi ko. Stop courting me and find someone that you deserve." Seryoso kong sabi.

"Is it because of Chelzey?" Napatingin ako sa kaniya. Pero bakit ko naman sasabihin sa kaniya ang totoo?

"Nakita ko siyang lumabas ng kuwarto mo kanina. Tell me, what she told you? Ito ba? 'Yong patigilin ako sa panliligaw sa 'yo?" Tanong niya muli. Alam niya nga.

"Mahal ka niya, Jendrick. Ayokong saktan siya dahil lang sa iisang lalaki. Mas mabuti nang ako ang masaktan kaysa makasakit ako ng iba." Paliwanag ko.

"Fuck that explanation of yours, Ki. Sa tingin mo magiging masaya ba siya kung ipauubaya mo ako sa kaniya? No, Ki. It will never going to happen. Mas lalo mo lang siyang sasaktan sa gagawin mo. I will never love her. And that's gonna hurt her." Seryoso niyang sabi habang diretsong nakatingin sa akin.

"Pero kung gusto mong pahintuin pa rin ako sa panliligaw sa 'yo? Hindi ako nangangakong matutupad ko iyon. I'm very serious about this, Ki. Kung kinakailangang magpaalam ako sa mga magulang mo at kay Edward ay gagawin ko. Please, stop this nonsense and I'll drive you home." Wika niya at muling binuhay ang makina ng sasakyan.

Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ay nanatili akong tahimik. Walang nagsasalita at nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse.

"Free ka ba next day?" Basag niya sa katahimikan.

"Siguro? Hindi ko lang alam. Bakit?" Turan ko.

"Puntahan na lang kita sa bahay niyo. May pupuntahan lang tayo." Wika niya. Tumango lang ako.

Hanggang sa makarating kami sa bahay nanatili akong tahimik. Minsan ay meron siyang itinatanong kaya doon lang din ako nagsasalita.

"Salamat sa paghatid." Wika ko pagkatapos kong kunin ang aking gamit sa likod ng kotse. Ngunit nagulat ako nang kinuha niya iyon sa akin at siya na ang nagdala.

"Let's go." Tanging sinabi niya at naunang naglakad papasok ng gate. At dahil sa gulat ay hindi ako agad nakalakad at tiningnan lang siya na patuloy pa rin sa paglalakad.

Ang suwerte ko na sa lalaking 'to ngunit may balak pa rin akong iwasan siya dahil lang kay Chelzey.

Nang mapagtanto kong medyo malayo na siya sa akin ay agad akong naglakad nang mabilis upang maabutan siya sa pagpasok sa loob ng bahay.

"Jack!" Masayang tawag ni Mama sa pangalan niya at niyakap pa siya nito.

"Magandang hapon po, Tita." Magalang na bati ni Jendrick.

Be My Endgame Where stories live. Discover now