Chapter 29 - Coming

6.5K 161 56
                                    

See Dani above ⬆️⬆️⬆️

---

I woke up with a throbbing head. Nasa condo pala ako ni Emery. For sure nasukahan ko na naman siya. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng malamig na tubig nang madatnan ko siyang nagluluto ng almusal.


"Gising na pala ang lasenggera." sarkastiko niyang bati sa akin.


Ngumuso lang ako at uminom ng tubig. Pagkatapos ay para akong zombie na naglakad palapit sa kanya. I hugged her from the back at saka pumikit muli nang mailapat ko ang mukha ko sa likod niya.


"My head hurts, Mer. 'Wag ka malikot." utos ko dahil para siyang kiti-kiti na hindi mapakali.


"Danielle! Nakadikit ang dede mo sakin! Get off!" maarte niyang sabi. Tss.


"Napakaarte mo! Iba na ang damit ko ngayon kaya for sure binihisan mo ako kagabi at tinanggalan ng bra!" I yelled back at saka umupo sa lamesa at pinanood siya. Sinimangutan lang ako ng gaga. "What are you cooking?"


"Corned beef at bacon." simple niyang sagot.


"Okie. Hmm, pareho tayong evening class later. Sasabay na akong pumasok. Ikaw nalang mag drive, iiwan ko kotse ko." sambit ko at saka siya tinulungang mag hain sa mesa.



"Ginawa mo akong driver. Mag ambag ka rin pang gasolina! Ang mahal na non ngayon, aba." I rolled my eyes at her.


"Ang yaman yaman mo tapos wala kang pambili ng gasolina? Fine. Ako na bahala. Kuripot." biro ko sa kanya.


She mimicked me bago siya maupo sa tabi ko. Abnormal siya.


Emery is one of the most generous person I know. She once donated 10 million pesos sa isang LGU para lang ma-shelter ang mga bata at abused women sa lugar. Bukod sa investments niya, napakayaman din talaga ng pamilya nila.


"Do you remember what you did last night?" she asked me.


"I'll buy you another carpet, Mer. Hehe sorry."


"Tss. Not that."


"Eh, ano?" tanong ko.


"You stripped. And then nag lap dance ka sa'kin." sambit niya kaya natawa ako nang malakas.


"HAHAHAHAHAHA! Pwede na ba akong sexy dancer?" tanong ko. Nagkunwari lang siyang nasusuka kaya binatukan ko.


"Sana ay hindi malaman ng mga estudyante mo na macho dancer ka." she said.


"Ikaw lang naman ang nakakaalam." sabi ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero biglang namula ang mukha niya.



Kung ako ay medyo hindi straight, well, noon naman ay kay Anthea lang talaga ako attracted. What does that make me? Antheasexual siguro? May ganun ba? Ah, I don't know!


Pero my point is, Emery is straight, I think? She had ex-boyfriends but never a girlfriend- not that I know of. I'm comfortable with her. I can just be me and let loose.


After eating, binigyan niya ako ng paracetamol para sa sakit ng ulo. Ininom ko iyon at sinundan siya sa balcony.


I saw her busy with her laptop. Nakita kong nagmomonitor siya ng mga investments niya.


"Doing good?" I asked.


"Yeah. Yours are doing good too. You wanna see?"


Tumango ako at dumungaw mula sa likuran niya. "Hmm, kapag nagbigay na ng dividends, pagagawan ko na ng education funds si Damon. Kahit plano na 'yon ni Kuya ay sisiguraduhin kong hindi mahihirapan ang pamangkin ko sa pag-aaral kagaya naming dalawa."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now