Chapter 10 - Why?

8.2K 281 89
                                    

"Ma, papasok na po ako. Ayos lang po ba kayong mag-isa dito?" tanong ko kay Mama.



Pag-uwi ko kagabi ay dinatnan ko na siya dito. Akala ko pa ay nanakawan ako dahil bukas ang pinto. 'Yon pala ay siya ang salarin.



Nag-alala daw siya dahil napanaginipan niya daw akong nahulog sa hagdan. Nang makita niya ang sugat ko ay nasapok pa ako. Hindi daw kasi ako nagsabi at kung hindi dahil sa panaginip niya ay hindi niya malalaman ang nangyari sakin.



"Pumasok ka na at baka mahuli ka. Susunduin ako ng Kuya mo mamaya. Abala ang Tatay mo sa bukid kaya ang Kuya mo muna ang susundo sa akin." sagot niya at saka nagpatuloy sa pag plantsa ng iilan kong damit.



Pumara ako agad ang tricycle at dumiretso sa library pag dating ng university. Ibabalik ko na ang mga librong hiniram ko nung nakaraan.



"Danielle!" rinig kong tawag sakin. Pagharap ko ay si Devin pala. Siguro ay nasa room na si Alexis kasi andito na din si Devin.



"Hi, Devin. Kumusta ka?" tanong ko sa kanya. Bigla naman itong yumuko at nagkamot ng batok.



"I'm doing good. Medyo busy lang." nakangiti niyang sagot sa akin. "Kumusta pala ang sugat mo?"



"Naghilom na sa wakas. Hindi na rin masakit." sagot ko.



"Mabuti naman kung ganun. I was so worried about you- I mean, kami ni Lexie. Akala niya pa ay hindi mo na kami maaalala." sambit niya na nagpatawa sakin.



"Hindi naman malala ang naging sugat. Mababaw lang din. Thank you sa concern. Pabalik ka na ba sa building niyo?" tanong ko at tumango naman ito.



"Hatid na kita sa room mo. Madadaanan ko din naman. May ibibigay din ako kay Alexis." turan niya at saka nagsimula nang maglakad.


Devin looks like a sweet brother. Kahit ang strong ng features niya ay ramdam kong soft siya sa kapatid niya. Nakaka-inggit tuloy. Ang Kuya ko kasi ay kadalasang inaasar ako at binubwisit kapag may time siya.



"Thank you, Dev. Dito nalang ako." paalam ko sa kanya. Sakto namang papasok din ng room si Miss Vergara kaya nataranta ako.



"Get in, Cortez. We have a class." strikta niyang utos kaya umalis na din si Devin at naupo na ako.



"Class, it's been only two weeks since we started our lessons. I understand that you are still in the process of adjusting to college but your scores are inherently low. I know you know that half the number of my students last school year failed. What should we do about this?" I can see disappointment in her eyes habang sinasabi 'yon.



Walang nagsalita sa amin. Lahat ay tahimik dahil anytime, mukhang sasabog si Miss Vergara sa inis.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now