Chapter 27 - Note

8.9K 201 99
                                    

"Are you nervous?" Miss Lavinia asked. Papunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang competition. Ito ay parang quiz bee lang. Tatlo ang levels, easy, average, at difficult.


"Medyo po." sagot ko at muling nanahimik na. Kaya ko 'to. I worked too hard for this.


When we got to the venue, marami na ang tao. Eyes were on us the moment we stepped out of the van. Siguro ay dahil kay Miss Lavinia. She looks so classy and sophisticated with her formal attire. Ako naman ay naka school uniform lang.


"That's her, Danielle Nichole Cortez. She's pretty nga!" rinig kong bulong ng isang babaeng nadaanan namin. I ignored them at diretso lang na naglakad.


"Don't mind them, dear. Focus ka lang and we'll deal with your fans later." bulong niya sa tenga ko and even chuckled a little. Fans who?


Sa isang classroom gaganapin ang contest. 16 ang participants. The mentors are seated beside the jury. Kabado ako pero at the same time ay naeexcite. I hope na magbunga lahat nang pinaghirapan ko.


Hindi namin alam ang mga tamang sagot dahil hindi chineck before mag proceed sa next question. They collected all our answers.


The last question is equivalent to 15 points. So ang makatama, maaring manalo. It can also be a tie breaker. Kinakabahan ako habang binabasa ang papel na may lamang tanong. Auditing ito at alam kong inaral ko 'yon ng mabuti.


I analyzed the question thoroughly. Hindi ako nagmadali sa pagsagot. Nang malaman ko na ang gagawin ay nagsimula na akong magsulat sa aking worksheet. I need to get this right. I have to. I must.


5 seconds before the clock ay itinaas ko na ang white board ko. My answer is 35,000. Ako lang ang naiiba sa sa lahat. I really hope I am right. Gosh, please.


Pagkatapos ng quiz ay madami ang nakipagkamay sa akin. May iilan din ang nagpakilala pero hinila na ako doon ni Miss Lavinia.

"Are you confident?" she asked.

"Medyo po. Mahirap ang mga tanong, eh." I said.

We had lunch sa isang restaurant na napakagara. Syempre siya ang nagbayad kahit mag insist ako. I have extra money pero hindi ako pinapagastos ni Miss Lavinia. Pati water at snacks ay meron kami.


"I heard you had your first heartbreak weeks before?" she said habang nakangisi.


3 weeks na. Tatlong linggo magmula nang muli niyang pinaguho ang mundo ko. Hindi ko na din siya kinausap magmula noon. I don't participate in her class too. I blocked her in all my social media accounts. Hindi din siya nagtangkang kausapin ako. Siguro mas mabuti na rin ito para sa amin. She has a boyfriend now. Wala naman ding kami after all.


"Yep. She has a boyfriend now. I'm happy for her." I said without showing any remorse.

"Yeah. Mukha ka. I've never seen you smile ever since makita kita ulit." komento niya.


I'm trying to be happy. I'm really trying kaso, walang ibang pumapasok sa isip ko kundi siya. Hindi maganda ang dulot niya sakin. Puro pag o-overthink at sakit sa puso ang nakukuha ko sa kanya. Kaya nagtataka ako kung bakit gustong gusto ko ang babaeng 'yon. Nabobobo ako!


"I wanna forget everything that has happened to us, miss."


"Date someone. Entertain suitors. You never know kung sino ang para sa'yo. You're pretty, dear. Marami ang handang pumila." she said pero I just shrugged my shoulders.


Chasing StarsWhere stories live. Discover now