Chapter 1 - First Encounter

32.7K 446 154
                                    

Halos takbuhin ko na ang daan pauwi sa bahay dahil ngayon ko malalaman kung nakapasa ba ako sa college entrance exam na gusto kong pasukan.


I just finished my shift sa pinag ta-trabahuhan kong fast food chain at saka naman ako naka receive ng email about sa results ng exam. Pwede ko namang tignan nalang sa computer shop na malapit pero mas gusto kong makita kasama ang pamilya ko.


Pag-uwi ay agad akong nag-mano kay Mama at binuksan ang computer na naluma na rin sa tagal na naming ginagamit ng Kuya ko. Hindi pa namin afford ang laptop kaya 'eto muna ang pinag tya-tyagaan naming dalawa.


"Ma, halika rito. Ngayon na ang labas ng result sa pinag-enrollan kong unibersidad!!!" Excited kong sabi.


"O siya, tignan na natin nang malaman na ang resulta." Imik niya.


Naglakad na rin palapit ang Kuya ko at dumungaw sa computer. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang tina-type ang email at password na kailangan i-tipa para makapag-login at makita ang mga pangalan ng pumasa.


Dahil naka arrange ito alphabetically, I slowly scrolled down nung nasa C na ang mga nakikita kong apelyido.


Halos malagutan na ako ng hininga sa kaba. Sa mga nakaraang exam kasi ay 7% percent lang ang nakakapasa. 'Lord, please ibalato niyo na ho ito sa akin.' dasal ko habang hinahanap ang pangalan ko sa listahan.


Cambronero, Josephine V.
Capili, Monica D.
Cariño, Anne P.
Corpuz, Diego M.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"CORTEZ, DANIELLE NICHOLE T.!!!" sigaw ng Kuya ko nung makita ang pangalan ko sa mga listahan. Lahat kami ay napatalon sa tuwa.


Ang Mama ko naman ay nagpupunas na ng luha nung siya ay tignan ko ulit kaya naluha na rin ako. Isa ito sa mga pangarap nila sakin ni Papa, ang makatungtong ng kolehiyo at makapag tapos ng pag-aaral.


"Anak, sa wakas ay makakahinga na kami ng Papa mo nang maluwag. Sana ay 'wag kang pababayaan ng Panginoon roon."


Niyakap ko lang si Mama nang mahigpit pagkatapos kong punasan ang luha niya. "Hindi ko kayo bibiguin, Ma."

Chasing StarsWhere stories live. Discover now