Chapter 18 - Tears

9.5K 256 90
                                    

"Ay gurl, bongga!" sambit ni Alexis nang makita ako. I decided to wear a turtleneck sweater dahil sa kagagawan ng magaling kong propesor. I hate her!

"Medyo nilalamig kasi ako." palusot ko. I tried na tanggalin ito kagabi pero mas lalong namula. Nakakainis.

"Bagay na bagay sayo, Dani. Kahit ano naman sigurong isuot mo. With a body and face like that, nako kahit basahan magmumukhang mamahalin." pambobola niya pa.

"Ano ka ba, Lex. Nahihiya ako, 'wag mo na akong asarin." sambit ko sa kanya.

"Okay, fiiiine." she said at hinila na ako papasok ng room.

After a few minutes ay dumating na si Miss Vergara. She's wearing a pencil cut skirt and a long-sleeve ruffled blouse na beige ang kulay. Gorgeous as always. Pero no, may kasalanan siya sakin!

After she greeted us ay tinapunan niya ako ng tingin. She smirked when she saw what I am wearing. Nasty woman, this is all your fault!

She gave us an activity kaya naging busy kami sa pagsulat sa worksheet. Thank God at madami ang aircon dito kaya hindi ako pagpapawisan. 2 hours and 30 minutes ang time namin sa kanya pero usually ay inaabot ng 3 hours dahil sa mga dapat naming sagutan.

I finished mine earlier kaya nagdoodle nalang ako. Napansin niya 'yon saka siya lumapit sakin. She stood behind me at pumalad sa gilid ko. I have her my paper at naghintay sa susunod niyang galaw.

Her hand landed on my nape at minasahe ito. It felt good at nakakarelax. Her hot palm gave my skin an extreme heat.

"You look good in turtleneck. You should wear that often." inikutan ko siya nang mata dahil hindi niya naman makikita. Nagpatuloy lang siya sa pagmamasahe ng batok ko.

Kung hindi lang naman dahil sa kanya ay hindi ko ito susuotin. Though, comfortable ako today. Less skin ang exposed.

"Meet me ng lunch sa office later. I'll wait for you." she said at saka na bumalik sa harapan to collect the papers.

Maaga kaming na dismiss sa subject niya today kaya nag-aya si Alexis na pumunta saglit sa CASS building para i-meet ang isa niyang friend.

"Oh my! You're Danielle, right?" sambit ng kaibigan ni Alexis nang makita niya ako.

"Hi. Yes, I am." sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Lexie! You didn't tell me na you're friends with her! Omg, she's so pretty!" bulong nito kay Alexis pero narinig ko naman.

"Kalma, Pat. You can't flirt with her. She's straight."

"Hi, Dani. My name's Patricia. You can call me Pat, Tricia, or much better if you will call me yours." sambit niya at saka ako kinindatan kasabay nang paglahad niya ng kamay.

Kinuha ko naman ito at ngumiti din sa kanya. She's so cute. Chinita siya at may katangkaran din.

"Kakasabi ko lang, Patricia! Pagpasensiyan mo na 'to, Dani gurl. Sadyang maharot." hingi niya ng tawad sa akin.

"I am bisexual, by the way. I hope na hindi ka maka-feel ng uncomfort sa akin." sambit naman ni Pat.

"No, no. I'm good with it, don't worry." I assured her.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now