Chapter 17 - Bliss

10K 290 154
                                    

⚠️


"Let's clap our hands for Miss Danielle Nichole Cortez, from College of Business and Accountancy! Wow, that was a wonderful presentation." the emcee said as I walk down the stage. Hindi natigil ang palakpakan hanggang sa makababa ako.


Kakatapos lang ng presentation ko at maganda naman ang kinalabasan. I was so nervous kanina dahil sobrang daming tao ngayon pero thank God, nakaya ko.


"Daniiii, ang galing mo talaga!" salubong sa akin ni Alexis at niyakap ako.

"Kinakabahan nga ako kanina. Mabuti nalang medyo kumalma ako bago ako sumalang." sambit ko.


"You were born to slay, gurl." komento niya pa.


"Bolera! Bumalik ka muna sa upuan mo. Mag c-cr lang ako."

Bumalik siya sa upuan niya at ako naman ay tumungo sa comfort room. I peed and washed my hands. Nag ayos din ako ng buhok at nag punas ng wipes sa mukha when Miss Vergara entered. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagpupunas.

"Nice presentation, Cortez. Naturuan ka nang maayos ni Lavinia." sambit niya.

Wala namang kinalaman si Miss Lavinia sa talk ko kanina. OTG lang ang binigay niya sa akin, nothing more. Hindi ako sumagot sa kanya. I continued with what I'm doing. Siya naman ay naghuhugas ng kamay.


"Should I make her your mentor again? Tutal mukha namang mas gusto mo siya." lintaya niyang muli. Hindi parin ako sumagot. Hahayaan ko nalang siya para walang gulo. Besides, ako lang din ang naiipit. Gusto ko ng payapang college life, please lang.


Kumuha ako ng another piece ng wet wipes at ipinahid 'yon sa noo ko. I can feel her sharp stares at me pero hindi ko na pinansin.

"You want her so bad na hindi ka na makasagot sa akin." sambit niya at saka umismid.


Hindi ko talaga siya maintindihan. Napaka reckless niya. Ginagawa niya ang gusto niyang gawin, sinasabi ang mga bagay na gusto niyang sabihin at palaging dapat siya ang masusunod.


"Cortez! I am talking to you!" pasinghal niyang sambit sa akin. Bahala siya! Ang dami dami dami na niyang kasalanan sa akin! Para siyang ulan na bumubuhos habang mainit ang araw, at kahit ibaligtad ko ang utak ko ay hindi ko maintindihan.


"Don't be disobedient. You are still my student. You should focus more on your values other than anything else-" habang nagsasalita siya ay iniwan ko na siya roon.

Bahala na. I have no time para sa tantrums niya. Tss, at anong karapatan niyang pagsabihan ako about sa values? Nakikita niya ba ang pag-uugali niya? The audacity. Gosh.


Umupo ako sa tabi ni Alexis at pinatapos ang lahat ng speakers na in-invite for today's assembly. Pagkatapos ay dumiretso kami sa cafeteria para kumain. Nafu-frustrate ako kay Miss Vergara pero hindi ko masabi kay Alexis. Baka magtaka siya na may ganun na kaming moments.


"Kanina ka pa nakasimangot diyan. Ang perfect nga ng speech mo kanina!" sambit niya at mahina akong hinampas sa braso.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now