Chapter 14 - Towel

8K 275 51
                                    

"Cortez, what's taking you so long?" rinig kong tawag niya mula sa labas habang kumakatok.

Mag iisang oras na yata ako sa loob ng cr niya. I don't have enough courage to face her after what I discovered. Kahit hindi niya alam ay nahihiya ako sa naging reaksyon ng katawan ko sa ginawa niya sa akin.


I took a few more deep breaths bago ko buksan ang pinto. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Dumiretso ako sa malaking kama at doon muna umupo dahil nangangatog pa ang mga tuhod ko. Yumuko lang ako at nilaro ang mga daliri habang nagpapahinga.


"Hey." she said shortly.


Hindi ako bumaling sa tawag niya. I stayed silent hanggang sa maramdaman ko na ang pag-upo niya sa gilid ko. She reached for my shoulder and I flinched nang dahil sa gulat kaya napalayo ako ng konti.


"Oh. Sorry." sambit niya na para bang nagulat din at dismayado sa naging reaksyon ko.


"Sige. You can stay here. I'll stay on the other room. Meet me sa living room ng 5 pm. May microwavable food sa ref at may mailuluto kung may gusto ka. I'm sorry." sambit niya at saka na lumabas ng kwarto.


Paglabas niya ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Hindi parin maka move-on ang utak ko sa nangyari. There is so much going on right now and I can't handle them all.


Pumikit ako ng mariin at inisip ang mga susunod na pwedeng mangyari pero nagkakanda buhol buhol lang ang utak ko dahil siya lang ang naiimagine ko. Am I sexually attracted to her? Does that make me a...lesbian?

Binalot ko ang sarili ko sa kumot at nagpa gulong-gulong sa malaking kama. I don't know what I feel anymore. It is so strong and powerful that I can't fight it. I cannot comprehend what is coming to me. I'm scared as hell to want it. But here I am, wanting it anyway.


Hanggang maghapon ay hindi ako lumabas ng kwarto. Hindi din ako kumain ng lunch kaya gutom ako. Mamaya nalang ako lalabas kapag mag re-review na kami dahil wala naman akong choice.


Muli akong naghilamos ng mukha bago ako lumabas. I saw her reading a book sa living room. Her legs are crossed and she's wearing an eyeglass. It's my first time seeing her wear one and it made her look a lot hotter.


Kinuha ko ang mga libro na gagamitin namin, pati na rin ang ledger at worksheet ko. Inilapag ko 'yon sa table na nasa harapan niya dahil doon kami mag re-review. Hindi niya ako ni minsan nilingon at nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.


Umupo nalang ako sa isa sa mga upuan at hinintay siyang lumapit. Kalaunan ay tumayo siya at dumiretso ng kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang mga pagkain na inilapag niya sa harapan ko.


"Eat before we start." walang emosyon niyang sabi at nagbasa ulit.


Sinunod ko naman ang gusto niya. Besides, I am really so hungry right now. Naubos ko ang pagkaing nakahanda. Tumayo ako para sana hugasan ang mga pinagkainan ko nang magsalita siya.

Chasing StarsWhere stories live. Discover now