Hindi alam nina nanay na may tatlo-tatlo akong trabaho, ang tanging sinabi kong trabaho ko ay ang pagiging wedding organizer, it's just sideline though, hindi naman gaanong maraming nagpapakasal ngayon kaya hindi ko gaanong napagkakakitaan ang trabahong iyon, ang amo rin naman namin ay may ibang trabaho it's just hobby niya lang ang pag-aayos sa mga kasal at kumuha siya ng iilang tauhan.

Maliit lamang ang opisina namin at hindi ito malaki, hindi ko nga alam kung bakit sa amin nagpa-ayos  ng kasal ni Stefano, hindi kaya't dahil makakilala sila ni Ma'am Jasmine? Ang amo namin na pinagtatrabahuan ko as wedding organizer.

Nabanggit niya kase minsan na kailangan naming bonggahan ang pag-aayos dahil kilala niya at medyo kaclose niya yung nagpa-ayos ng kasal kaya hula ko ay si Stefano ang kilala niya.

Impossible namang si Gwyne diba? Tumakbo nga eh.

Naligo na ako agad at nagpalit na ng damit bago ako nagtungo sa ibaba para mag-almusal na. Of course ako ang maghahanda ng kakainin ko bakit may katulong ba ako?

Bakit aasahan ko ba na ihahanda ako ni Stefano ng agahan kahit na ginawa na niya yun noong unang araw ko palang dito?

Hindi rin ako pwedeng umasa nalang sakanya palagi dahil ang mga araw ay mabilis lumipas at parang walong linggo lang ang walong buwan. Hindi rin tatagal ay maghihiwalay kami at ayaw kong sanayin ang sarili ko na palagi siyang nandiyan kaya dapat huwag akong makipaglapit sakanya dahil baka hanaphanapin ko yung presensya niya pag natapos na yung kontrata.

Pero ano yung ginawa ko kahapon? Nakikipag-usap ako at nakikipagkwentuhan.

Tss, boring naman kase dahil ayaw ko lang matuyuan ng laway na walang kausap. Kung sana mayroon lang siyang maid edi sila siguro ngayon yung kausap ko at hindi siya.

Pagbungad ko palang sa kusina ay naamoy ko na agad ang mabangong amoy, at agad akong napatingin sa lalaking nakatalikod habang nagluluto. Napatingin ako sa suot niya at laglag ang aking panga.

N-Naka boxer shorts lang siya habang m-may suot siyang a-apron.

What the fuck?! Hindi ba nilalamigan ito? Ang lamig kaya ng umaga noh?! Tapos siya nakaganito lang?!

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang likuran dahil sobrang matipuno ito, may mga tubig pa na naglalandas pababa sa kanyang boxer shorts, hindi ko alam kung pawis ba iyon o kaliligo niya lamang. Napatingin ako sakanyang buhok at nakita ko na medyo basa ito.

So it means, kaliligo niya lang? Parang sabay narin kaming nagising kung ganon?

Agad na bumalik ang tingin ko sakanyang likuran at nakuha ng atensyon ko ang kanyang mga matitipunong mga kamay na gumagalaw habang nagpiprito. Masasabi kong hindi siya maputi at hindi rin siya maitim, sakto lang para sakanya...bumagay rin naman.

Nakatitig lang ako sakanyang likuran ng bigla siyang magsalita.

“Tsk, enjoying the view?” ramdam kong parang nakangisi siya ngayon kahit na hindi naman siya nakaharap sa akin.

Nagising ako sa pagpapantasya at napairap dahil sa sinabi niya “Tss, just complimenting your butt. Actually, you have a nice one too” panggaya ko sakanyang sinabi kahapon.

Narinig ko ang kanyang halakhak kaya napatigil ako sa sana pagtungo ko sa upuan.

D-Did he just laughed?

Pwede ba niyang ulitin at irerecord ko?

“I will just enjoy the view if I can totally see your whole body” dagdag ko ng tumigil na siya sa pagtawa at siya naman ngayon ang mukhang natigilan dahil sa katagang lumabas sa bunganga ko.

Married To A Monster Where stories live. Discover now