Tipid akong ngumiti ng mapagdesisyunan kong hindi ko muna sasabihin sakanila ni papa yung mga nangyari dahil baka makadagdag pa ako sa mga papasanin nila kahit na ginawa ko lang naman yun para sakanila, alam kong masamang magsinungaling at alam kong masama ang ginawa ko.

Na nagpakasal ako agad ng hindi manlang pinag-iisipan.

Mahirap.

Mahirap itong itago sakanila dahil hindi ako sanay na may itinatago akong sekreto na alam kong makakasakit sa damdamin nila sa huli pagnatuklasan nila. Ang hirap aminin sakanila na may asawa na ako at mayaman pa pero kung baka aaminin ko man sakanila ay, masabihan lamang ako ni mama na parang ibinenta ko narin ang kaluluwa ko sa isang demonyo dahil sa padalos-dalos kong desisyon.

"Ah ma, masyado po kaseng madaming pinaasikaso sa kasal atsaka po inayos pa po namin yung mga gamit kaya po naabutan na po kami ng gabi kaya kina Marvie po muna ako nagpalipas ng gabi dahil malapit lang doon yung bahay nila"

Napalunok ako ng malalim dahil sa matindi kong pagsisinungaling, para akong lumunok ng isang damakmak na ampalaya dahil sa sobrang pait.

"Bakit po ma?" dagdag na tanong ko.

Huminga siya ng malalim at pagod na tinapunan niya ako ng tingin "Malala na kase yung sakit ni Zori, kailangan na niyang maoperahan pero wala tayong ipambabayad kaya hindi pa siya inooperahan ng mga doktor" pagod, lungkot at inis na halo-halong emosyon na sambit niya. Alam kong naghihirapan na siya pero kinakaya niya lamang para sa aming magkakapatid, kahit na alam kong ilang beses ay pwede siyang sumuko pero hindi niya ginawa bagkus patuloy parin siyang lumalaban sila ni papa para sa aming tatlo, para mabigyan kami ng maganda at simpleng buhay.

Agad kong kinuha sa aking shoulder bag ang tseke na kabibigay lamang ni Stefano sakin kahapon medyo nalula pa ako dahil sa laki ng halaga nito may pag-aalangan pa nga na kung kukunin ko ba ito o hindi pero naalala ko na iyon naman ang talagang rason ko kung bakit ako pumayag na magpakasal sakanya, in the first place.

Pumayag akong magpakasal para sa pera...oo...para sa pera.

Naputol lahat ng iniisip ko ng biglang nagsalita si mama "Ano toh anak?" naguguluhang tanong niya ng iabot ko sakanya yung buong-buo yung tseke.

"Naghahalaga po iyan ng tatlong milyon, pwede niyo na pong gamitin yan para sa pampaopera kay Zori" nang-aalanganing ngiting sambit ko.

Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya dahil sa gulat, pero napaghandaan ko na ito at alam kong kahit anong mangyari, magiging kapanipaniwala ang magiging dahilan ko.

"S-Saan ka kumuha ng ganitong kalaking p-pera?"

Ngumiti ako at pilit itinago ang kabang nararamdaman ko dahil alam ko mahirap sabihin ang isang bagay na wala namang katotohanan.

"Matagal ko na pong inipon yan, at yung iba, bayad po sa amin kahapon dahil po sobrang yaman yung nagpakasal at dahil maganda naman po daw yung wedding venue at nagustuhan ng magpapakasal at ng mga bisita yung pagkakadisenyo sa simbahan at sa reception, atsaka malaki rin po yung nagastos doon kaya malaki rin yung binayad sa amin" pagsisinungaling ko, at nababatid kong sinusunog na ngayon yung kaluluwa ko.

Namuo ang mga luha sa mata ni mama "Alam mo anak, malaking tulong na ito para sa pampaopera ni Zori" halos maiyak na si mama dahil sa sobrang galak, alam ko na malaking tulong iyon para mabawasan lahat ng gagastusin dito sa bahay. Bigla naman niya akong niyakap "Salamat, anak. Salamat at kahit papaano ay hindi mo parin kami kinakalimutan kahit na sa tutuusin ay pwede mo na kaming iwanan dahil nasa tamang edad kana para magkaroon ng sariling pamilya pero nandito ka parin at sinusuportahan kami. Salamat, Joelorie. Salamat" patuloy na binanggit niya habang naglalandas ang mga luha mula sakanyang mata.

Married To A Monster Where stories live. Discover now