Chapter 5

2 0 0
                                    

"Are you ready to see Cody?" I asked him.

Kanina pa kami naka-ayos dalawa at handa na rin kaming pumunta sa apartment ni Alex, dala-dala ko na ang regalo ko pati na rin ang pagkain na niluto ko kaninang umaga. Hindi ko alam kung may dala ba na kahit na ano si Tim dahil hanggang ngayon ay wala man lang akong nakikita sa kaniya.

"Yeah."

"Wala kang dala for them? Like anything?" Tanong ko sabay tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa.

Umiling siya sa akin. "Hindi naman na kailangan ng regalo." Sagot niya sa akin.

"Timothy." I called him.

"I gave them money instead. Hindi ko kasi alam ang ibibigay ko, alam ko naman gagamitin lang nila 'yon pang-date."

Napanganga ako dahil doon. "Pera? Buti di na-offend si Alex sayo?"

Umiling ulit siya. "Hindi. Natuwa pa nga e, dagdagan ko pa daw. Alam mo naman si Alex." Sabi niya.

I double checked our things before I asked him to go. "Okay na, tara na?" Tanong ko at agad niya namang kinuha sa mga kamay ko ang paperbags na dala ko.

"Ako na, diretso ka na sa sasakyan."

While in the car, we remained silent. Hindi naman bago sa amin ang maging tahimik kaya ayos lang para sa akin.

"By the way..." Pag-umpisa niya. "Kamusta pala klase mo these days? Busy? Stressed?" Tanong niya.

"Normal lang pero mas sumisipag lang ako kasi ayaw ko na matambakan ng gawain kaya kapag may activity agad ako, tinatapos ko na agad sa gabi. Di bali nang walang tulog, basta maka-graduate." Sabi ko sabay tawa.

He took a glance at me. "Tell me if you need some help, Theo."

I laugh a little. "Parang hindi ka graduating ah? Ano ka ba, ayos lang kaya ko naman sarili ko." Sagot ko sa kaniya.

"Anong silbi ko sayo? Nandito naman ako, pwede naman kitang tulungan."

"Kaya ko naman sarili ko Tim, atsaka graduating ka din katulad ko, parang ang dami mong time ah?" Biro ko sa kaniya.

"I can make time for you, Theo. You know that." Sagot niya.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya, minsan gusto ko na lang umiling sa lahat ng mga sinasagot niya sa akin. Minsan hindi ko kasi alam kung friendly answer pa rin ba yung mga sinasagot niya sa akin o may ibig sabihin na.

But no, he's Timothy Jeon. Imposible 'yon.

Wala sa isip niya ang mga ganong bagay.

"Okay thanks sa offer, pero unahin mo na muna sarili mo. Huwag mo ako masiyado isipin ano ka ba, ulit-ulit ako dito, graduating ka din." Sabi ko.

Gusto ko lang na ipaalala sa kaniya na graduating siya at kailangan niyang mas pagtuunan nang pansin ang sarili niya ngayon. Minsan nga kapag nahihirapan ako sa school ay iniisip ko kung paano rin siya nahihirapan, tapos dagdag pa itong sitwasyon namin.

Hindi ko naman masabi na pabigat siya sa akin, but in fact, sobrang helpful niya sa mental health ko. Halos siya na nga sumasalo lahat ng rants ko sa buhay, palagi siyang nakikinig sa akin, pero hindi naman iyon ganoon ka-special dahil parte 'yon ng agreement namin.

"I know. I can handle myself. I just want to help." He said.

Hindi na ako sumagot. Kahit yata itaboy ko siya ng sobra ay hindi siya aalis sa tabi ko hanggat hindi natatapos ang contract naming dalawa, ang maganda din kasi sa kaniya ay totoo siya sa mga sinasabi niya. Kaya mas lumago ang tiwala ko sa kaniya dahil hindi pa niya ako binibigo sa mga pangako at salita niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Standing Next To You (BL)Where stories live. Discover now