Chapter 4

1 1 0
                                    

"I'll kill you Cody." I whispered to him but he just laughed.

"You can't. I'm your favorite friend." He answered.

Kung wala lang kaming teacher ngayon ay baka nabatukan ko na talaga siya. Ipinakita niya sa akin ang post niya tungkol sa aming dalawa ni Timothy, dinadagdagan niya pa lalo ang fake news na pinakakalat niya.

Hinihintay pa man din ako ni Timothy, paano ko na lang siya haharapin mamaya? It's not like I can't explain, it's just that I feel embarrassed to face him, knowing Cody's the one who started this all.

Time passed by, last class ko na at sakto pa na walang professor kaya pwedeng-pwede na agad akong umuwi ngayon.

"Hi Theodore. By any chance, can I ask you?"

I looked at him. Hindi ko siya kilala kaya nakakagulat na alam niya ang pangalan ko. "What is it?" I asked.

"You're Theodore Kim right? Yung friend ni Alex?"

Tumango ako sa kaniya. He's probably one of Alex's friends. "Yes, bakit?"

"So it was you. I'm looking up to you, ang gwapo-"

"Theo."

Napatigil ako sa pag-hinga nang bigla akong akbayan ni Timothy. He came out from nowhere.

"Tim."

"Oh. Ikaw ba yung boyfriend? Sorry, akala ko rumors lang-"

"You can go now." Sabi ni Tim sabay tango sa kaniya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Timothy?"

"Don't look at me like that, Theo. Sinagip lang kita doon, parang trip ka ata e."

"You don't even know that guy?"

He stopped from walking. "Why? Gusto mo ba kausapin ka niya? Gwapo ba?" Tanong niya sa akin.

"Ano bang ugali 'yan, ang rude ha?" Sabi ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim bago ako harapin ulit. "Ang akin lang naman, sinagip lang kita doon, hindi mo naman kailangan magalit sa akin. Hindi naman bago na inaakbayan kita-"

Kumunot ang noo ko. "Ano? Binibigyan mo lang ako ng rason para magalit sayo, Tim. May sinasabi yung tao, anong sinagip-sagip? Hindi ko nga naintindihan yung sinasabi nung tao, pinutol mo agad." Sabi ko sa kaniya.

"Let's not fight here."

"About the rumors, alam ko nakarating na agad sayo 'yan, Cody's the mastermind, wag ka mag-alala, lilinisin ko 'yang pangalan mo para hindi nakadikit sa pangalan ko. Okay?" Sabi ko at iniwan ko na siya.

He's so rude. Ano bang akala niya sa akin, porket normal lang sa kaniya na inaakbayan niya ako ay okay na lang 'yon? I'm so annoyed. Kailangan niya ba talagang tanungin ako kung gusto ko ba 'yon o kung gwapo ba 'yon, ni hindi ko nga kilala kung sino yung tao na 'yon. I never thought he would be this rude.

Dumiretso ako sa mall para bumili ng towel. Dinagdagan ko na rin 'yon ng shirt at short, just in case na kailanganin nila Alex. Pag-tapos kong mamili ay bumili na lang muna ako ng ice-cream para na rin mapakalma ko ang sarili ko, I am still annoyed.

Come home. Let's talk.

Hindi ko pinansin ang text message niya. Hihintayin ko na lang munang lumipas ang dalawang oras bago ako umuwi, for sure hindi siya maghihintay sa akin ng ganon katagal. Inubos ko na ang kinakain ko at muli akong nag-ikot para mamili ng gamit para sa sarili ko.

"Wow, parang bagay 'to sa kusina ko."

"Right. Bagay sa vibes mo."

Napatingin ako sa kaniya. I gave him an awkward look but he smirked at me. "Ah. Wag mo na lang ako pansinin. I'm just a nobody." Sagot niya sa akin.

Standing Next To You (BL)Where stories live. Discover now