Chapter 3

4 1 0
                                    

"Ano kaya magandang i-gift kay Alex pati sa boyfriend niya?" Tanong ko kay Tim, kanina pa siya tahimik kaya kinukuha ko na lang ang atensyon niya.

"Maybe a towel or something?" He answered.

Nasa bus kami ngayon, gabi na rin kaya wala na masiyadong tao, hindi punuan ang bus at tahimik lang ang byahe. Pero mas tahimik si Timothy. I don't want to jump in conclusion but maybe they talked about something that still lingers in his mind now.

I know my boundaries.

Ayaw ko rin masiyadong manghimasok sa mga bagay sa buhay ni Tim, mahirap na, ayokong masiyadong madaming malaman sa kaniya.

I was always curious about him, about his life, kahit na marami na siyang na-share sa akin ay hindi pa iyon sapat para sa akin, dahil sa tingin ko marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya na gusto kong isa-isa na malaman, but I am holding back myself because I am scared to know him deeply. I'm scared that something will happen once I discover the other side of him.

Kahit na gusto kong tanungin siya ng kung ano-ano ay pinipigilan ko na lang ang sarili ko. I'm scared that he'll get mad at me because of boundaries.

"Are you okay? Ang tahimik mo bigla." Bulong niya sa akin.

"I'm fine, pagod lang. Bili ako towel bukas, sama ka?" Tanong ko sa kaniya at tumango lang siya.

"Get in. Aalis na rin agad ako." Sabi niya.

"Hindi ka muna ba papasok?"

Umiling siya sa akin. "I'm fine, sige na pumasok ka na. Sunduin na lang kita bukas." Sabi niya kaya tumango ako.

"Thank you sa pag-hatid." Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay ko.

I have a spare room and it was empty, I can give it to him but obviously he won't accept it. Knowing Jeon, he's not an easy target.

I shook my head. Puro siya na naman ang nasa isip ko, minsan iniisip ko kung masiyado na ba kaming close para siya lagi ang maisip ko. Minsan napapansin ko na rin sa sarili ko na palagi kong iniisip ang mga bagay-bagay at si Timothy lagi ang kasama ko, madalas ko ng iniisip ang opinyon niya kahit na mas madalas akong mag-sungit sa kaniya. Of course, I care for his opinion. As I should, right?

Since I am still full, nag-luto na lang ako ng toasted bread at mabilis ko na rin na tinapos ang ilang paperworks ko. Ayaw kong matambakan ng gawain dahil patong-patong na ang mga 'to, gusto ko rin na makapag-pahinga agad.

The next morning Timothy called me, he told me he was outside of my house and he wanted me to open the door for him. Inaway ko pa siya dahil may susi naman siya ng bahay pero gusto niya pang bumaba ako.

I groaned while walking downstairs. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nakita ko na mayroon siyang hawak na dalawang box ng krispy kreme at iced coffee naman sa kabilang kamay niya. Nanlaki ang mata ko doon.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

He placed the food on the table. "Breakfast mo. Tara, eat."

"Breakfast?"

"Just eat, Theo. May classes ka pa diba?"

I felt so guilty. Inaway ko siya sa call dahil akala ko ay ginagago niya lang ako kanina dahil may susi naman siya pero gusto niya pa akong pababain, akala ko ay gusto niya lang akong inisin pero hindi ko naisip na may dala siya para sa akin.

"Sorry, Tim. For almost cursing to you earlier. Akala ko kasi iniinis mo lang ako." Sabi ko habang kumakagat ng donut.

"Don't think about it. Kumain ka na." Sabi niya lang at inom ng iced coffee niya.

Standing Next To You (BL)Where stories live. Discover now