Chapter 2

4 1 0
                                    

Sinundan ko lang kung saan siya papunta. Alam ko na galit siya sa akin, madali lang naman siyang suyuin. Alam ko kung paano siya ipa-tiklop at isa 'yon sa ipinagmamalaki ko.

No way other people won't find him intimidating at first glance. Mukha siyang tigre kung makatingin, kahit na bilugan ang mata niya ay nakakatakot pa rin siya kung tumingin minsan. No wonder why Alex told me before "Swerte ka diyan kay Tim. Maaasahan 'yan sa lahat ng bagay."

"Timothy!" Sigaw ko.

"Tim!"

"Tim...pagod na ako tumakbo." Sabi ko atsaka tumigil. I looked down to catch my breath.

I saw a pair of shoes, it was owned by him. Mas matangkad siya sa akin kaya naman kinailangan ko pang tumingala ng kaunti. I looked straight into his eyes and it gives no emotion.

"Galit ka pa rin?"

"What do you think?"

I sigh. "I'm sorry na nga, Tim. Nabigla lang ako kay Cody."

"Tingin ng paa mo, masakit ba?" Tanong niya pero umiling ako.

"Don't worry about me. Sagutin mo na muna ako, galit ka pa?" Tanong ko ulit pero hindi siya sumagot.

"Timothy."

"Hindi naman ako galit. Ang akin lang, hindi mo naman ako kailangang iwan ng ganon dahil nag-message si Cody sayo. You could have told me, para hindi ako nabibigla ng gano'n." Sagot niya.

Hindi ako nakasagot dahil doon. He has a point, I am at fault. Sa ilang beses naming nag-aaway at nagkakatampuhan, ito lang ata ang kaya kong tanggapin na mali ako. Alam ko na palagi niya lang akong hinahayaan sa mga gusto ko kahit na minsan sobra na, para lang maiwasan namin ang magkatampuhan, but this time, hindi niya na ako hinayaan pa.

I know sometimes I am so grumpy but only Timothy can handle that side of me.

"Sorry Tim." I said. Gusto ko pa sana siya tanungin kung anong gusto niya para matapos na ang suyuan na 'to pero paniguradong pagagalitan niya lang ako kapag nabanggit ko na naman ang salitang suyo.

"Alright, let's go."

"Okay na tayo?" Tanong ko habang nakangiti.

"Let's go."

Pinigilan ko siyang mag-lakad. "Wait, so are we good na? You're not mad at me na?" Tanong ko habang nakangiti pa rin.

He looked away, trying to avoid my eyes. "Yeah. Tara na, Theo." Sagot niya.

"Look at me muna and confirm it. Okay na tayo?" Tanong ko ulit.

He looked at me, since I am shorter than him he needs to look down to see me straight. "Yes, Theodore. Okay na tayo." Sagot niya atsaka ngumiti.

"Yay!" Sabi ko sabay akbay sa kaniya.

Sabay na kaming nag-lakad pabalik sa canteen, bumili muna ako ng maiinom dahil napagod ako sa kakatakbo kanina. Timothy told me Alex wants to see him, kahit na sobrang busy ni Alex kapag kailangan niyang makita si Tim ay hahanap talaga siya ng paraan para makita 'to, he just loves his little brother so much.

"Wala ka ng class?" Tanong niya.

"Wala na. All done for today."

"Alright. Uuwi ka na ba agad o hihintayin mo din si Alex?"

I chugged my drink first. "I'll wait for him, sabihan ko siya na nandito na si Cody." Sagot ko at tumango-tango naman siya.

A few minutes later Alex came. They excused themselves so I let them. From here I can see their buff backs. Kung hindi ko sila kilala, pagkakamalan ko silang totoong mag-kapatid. Alex and I have the same surname but we're not related, however Timothy and Alex are not related at all but they tell people they're siblings. That's how they love each other.

Standing Next To You (BL)Where stories live. Discover now