Dahil sa inis ay mabilis akong tumayo para sugurin sya. "Ikaw!" sigaw ko at malakas syang sinuntok. Malakas na sumigaw sina loki at zero sa ginawa ko. "Hayup ka! Paalisin mo ako dito! Kung hindi dahil sa inyo wala ako dito!".








"Ma'am Zen!" mabilis na lumapit ang ilang lalaking nakaitim at inilayo ako, inalalayan nina loki si dita na napaupo sa dalawang suntok ko sa mukha nya, ako naman itong hawak ng dalawang lalaki.






"Bitawan nyo ako!" sigaw ko. "Pag ako hindi nyo binitawan, kayo susuntukin ko katulad ng ginawa ko sa lintik na yan!"








Hindi sila nag paawat, nang nakatayo si dita ay nakita kong namula ang pisngi mya ng dahil sa ginawa ko. Kulang pa yan!.








"Let her go" utos nya at seryoso akong tiningnan. "Lumabas kayong lahat" dagdag pa nya.






"But sir--"







"I said!, Lumabas kayong lahat!"
Maotoridad nyang utos ng aayaw sana sina loki at zero.






Nag aalalang tumingin sakin si loki, ayaw pa akong bitawan ng dalawang lalaki kaya inutusan sila ni loki na bitawan ako. Hindi ako makatingin sa kanya dahil masama kong pinag mamasdan si dita na inaayos ang namumula nyang pisngi.







Nang masarado nila ang pinto, Doon sya nag salita. "You punch me so hard--Hey!easy"






Hindi ko pinatuloy ang sasabihin nya ng kwelyuhan ko sya, mahigpit ang hawak ko doon at halos maluha luha na ako sa kanya.






"A-ano bang kailangan nyo at nandito ako?... Pauwiin nyo n-nalang ako" ang boses ko nadudurog ng mag salita ako.
"D-dalawang araw na ako dito! Papatayin nyo ba ako sa pag kulong lang dito ha?!"





"Hindi ka aabot ng dalawang araw dito kung hinahanap ka nila".





Natigilan ako sa sinabi nya. Nag tataka ko syang tiningnan bago dahan dahang lumayo.



"A-ano?".

Bumuntong hininga sya bago lumapit sakin, ako naman itong agad na umatras.




"Hindi ka mag tatagal dito kung hinahanap ka nila...bakit? Anong sa tingin mong pati magulang mo hahanapin ka?.. No, wala silang pake sayo"







"Fuck you! Stop!" sigaw ko sa sinabi nya.





"Kung may pake sila sayo, dapat gumagawa sila ng paraan! Pero abo itong nalalaman kong wala naman silang ginagawa?..... At tinatanong mo sakin kung bakit ka nandito zendaya?,well..." isang ngising nakaka asar ang nakita ko sa labi nya, nag lakad sya papalapit sakin hanggang sa likod ko. "We will use you".






Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now