Ang masmang diwata Ng buwan

2 0 0
                                    

(THE LAST CHAPTER)

     Ika-labing isang kabanata

"Sino ang hindi niyo anak, ina?" Naguguluhang tanong ni Selene, palipat lipat din ang kaniyang tingin sa amin ng inang Reyna.

"M–mali ang iyong narinig—"

"Narinig ko ng malinaw, ina. Malinaw na malinaw. Sino ang hindi mo anak? Ako ba? Ako lang naman ang iyong anak." Mapaklang sabi nito, may luha ng namuo sa kaniyang mga mata.

"S–selene, hindi mo naiintindihan—"

"Kung ganon ipaintindi mo sa akin! Sino ang hindi mo anak? Asan ako galing?" Sunod sunod niyang tanong habang ang kaniyang mga luha ay nagsidaluyan na sa kaniyang mga mata.

"Panahon na para malaman niya ang katotohanan, Saraya. Kailanman ay walang sekretong hindi nabubunyag, kaya panahon na para malaman ni Selene kung asan siya nanggaling." Singit ni ina sa aming usapan, sinamaan ko siya ng tingin.

Siya ang may kasalanan nito!

"Sumagot ka, ina!" Hikbing sigaw niya. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang maiyak.

"S–sa ating tirahan na tayo mag usap." Pigil hininga kong sabi, una na akong naglaho sa kanilang harapan.

Baka oras na para malaman ni Selene ang tunay niyang mga magulang at kung saan siya nanggaling. Ngunit baka kamohian niya ako, baka siya ay magalit sa akin at hindi na ako papansinin pa.

Pagkarating ko sa aming tirahan, hinanda ko na ang aking sarili sa ano‐mang hinanakit ni Selene.

"Ipaliwanag mo ang aking narinig, ina." Agad akong napalingon, kita ko sa mukha niya ang sakit at mga katanongan.

"H–hindi ka magagalit sa akin pag nalaman mo ang katotohanan?" Tanong ko sa kaniya.

"Sabihin mo na lamang sa akin, nabuhay ako sa kasinongaligan. Kaya maging totoo ka ngayon." May bakas na hinanakit sa boses nito.

Nagsidaluyan ang aking mga luha habang kinukuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari noon, noong paano kami nagkaibigan ni Thamra at bakit siya pinarusahan at tinapon sa mundo ng mga tao. At sa kung paano kami nagkakilala ng kaniyang ama.

Inilahad ko lahat pati narin iyong panloloko ni Kirozz sa akin, iyong panggamit niya sa akin para makuha lahat ng aking yaman. Umiiyak na din siya habang isinalaysay ko sa kaniya bawat detalye.

"H-hanggang sa malaman kong ikaw ay namatay dahil sa aking sumpang ginawa, kinuha kita sa kanila para ikaw ay buhaying muli. At ako ang kilalanin mong ina at hindi ang taong nanakit sa akin." Humihikbi kong salaysay sa kaniya, napatakip siya sa kaniyang bibig habang umiiyak. Inilingan niya ako, may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi.

"K–kinamumuhian mo na ba ako ngayon, Selene?" Umiiyak kong tanong. Umiiling-iling siya habang dahan-dahang lumapit sa akin, napaiyak ako ng husto nang yakapin niya ako.

"K–kailanma'y hinding-hindi ako magagalit sayo, ina. I–ikaw ang nagbigay ng pangalawang buhay ko, utang ko sayo ang pangalawang buhay ko." Nakayakap pa din siya habang sinasabi iyon, napakaswerte ko kay Selene napalaki ko siya ng mabait at maunawaing bata.

"Galit ako sa totoo kong mga magulang, n–napakabait mo upang saktan ka lang nila." Pinakawalan niya ako at hinawakan ang aking pisgi.

"Ikaw lang ang kikilanin kong ina, ikaw ang gusto kong maging ina."

––

"Pinatawag ang mahal na Princesa sa palasyo ng Reyna." Anunsyo ng sugo.

"At bakit daw?" Nagtataka kong tanong, hindi ito sumagot hudyat na hindi niya alam kung anong pakay.

Ang masamang diwata Ng buwanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant