Ang masamang diwata Ng buwan

19 0 0
                                    

           Unang kabanata

"Saraya dito!" Agad kong sinundan si Thamara papasok ng gubat, siya ang nakakaalam sa mga pasikot sikot sa kagubatang ito dahil dito ang kaniyang tirahan.

"Thamara, baka tayo'y pagagalitan ng makapangyarihang pinuno kong tayo'y aalis sa ating tirahan." Pangangamba kong saad. Tumingin siya sa akin at umiling.

"Saraya, hindi niya malalaman kung hindi tayo mag susumbong. Pwera na lang kung mag susumbong ka." Hindi ko ugaling mag sumbong kahit kanino, kahit labag sa utos ng kataas-taasan hindi ko kayang isumbong ang aking kaibigan.

"Hindi ko magagawa iyon." Mahinang sambit ko. Kinikilala si Thamara'ng isang makulit at matigas na diwata, palagi  siyang pinapagalitan ng aming Reyna na baka tanggalan siya ng kapangyarihan ng nasa itaas ngunit ngiti lang ang kaniyang sukli.

"Halika na! May pagdiriwang magaganap sa mundo ng mga tao. Diba pangarap natin iyon noon na makita?" May kagalakan sa boses niyang tanong.

Naiilang ako bawat tingin ng mga tao sa amin, may suot kaming balabal para hindi nila makikita ang aming matangos na tenga. Maraming taong nagsasayawan at nagkakantahan, makikita sa kanilang mukha ang saya't galak.

"Bilisan mo, Saraya. Tayo'y mahuhuli na  sa ating pupuntahan." Hinigit niya ako kaya nakasabay ko siyang mag lakad.

"Thamara, sigurado ka ba sa ating gagawin?" Kinakabahan kong tanong, ngayon lang ako naka apak sa mundo ng mga tao, dahil kailanman hindi ko kayang labagin ang batas ng aming nakataas taasang pinuno.

"Saraya, nandito na tayo, malayo na ang ating lalakbayin kung babalik tayo sa ating tirahan."

"Ngunit may kapangyarihan naman tayo, maari nating gamitin iyon para mapabilis ang ating paglalakbay." Paghahanap ko ng paraan, dahil hindi pwedeng malaman ng aming Reyna na lumabas kami at ayaw kong mapahamak si Thamara sa ginagawa niya.

"Saraya! Naghahanap ka lang ng paraan para tayo'y hindi matuloy. Kung hindi mo ibig sumama sa akin, lakbayin mo pabalik ang gubat." Pagkatapos nun tinalikuran niya ako at tumakbo siya ng mabilis.

"Thamara! Bumalik ka dito." Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid at may ibang taong nakatingin sa akin at sinuri akong mabuti. May isang ale na lumapit sa akin kaya napa atras ako.

"Ija, bakit ka naka gown? May event kabang pupuntahan?" Agad kumunot ang noo ko ng hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Ebent? Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi, paumanhin, ngunit ako'y aalis na." Lalagpasan ko na sana ang ale ng hawakan niya ang aking kamay.

"Hindi mo alam ano ang event? Saan kabang kabukiran naka tira? Kahit event hindi mo mabigkas ng tama." Natatawa niyang wika, ngunit hindi ko talaga maintindihan.

"S—sa malayo, aalis na ako." Ngunit mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa aking mga kamay.

"Bitawan mo ako kung hindi mo ibig parusahan kita!" Agad na may humawak na dalawang lalaking estrangherong sa bawat kamay ko.

"Kung hindi niyo ibig mag kasala ako, bitawan niyo ang kamay ko!" Nanlaki ang aking mata ng kinuha niya ang suot kong balabal sa ulo, lantad ang aking tenga dahil wala akong bulaklak na inilagay duon.

"Engkanto!" Sabi ng isang estrangherong naka hawak sa akin.

"Hala! Ang haba ng tenga niya."

"Engkanto ba 'yan? San galing ang engkanto na iyan?"

Nagpumiglas ako para ako'y kanilang mabitawan, ginamit ko ang kapangyarihan ko upang sila'y tumalsik papalayo sa kin. Napasinghap lahat ng taong nakakita sa ginawa ko. Tiningnan ko ang mga taong pumapalibot sa amin at naka hawak ng sandata laban sa akin.

Ang masamang diwata Ng buwanWhere stories live. Discover now