Ang masamang diwata Ng buwan

2 0 0
                                    


         Ikaanim na kabanata

"Anong nais mo, sugo?"

"Gusto ng Mahal na Reyna na ikaw ay tumungo sa kaniyang palasyo mamayang pagsapit ng kabilugan ng buwan, hindi na niya naiibigan ang iyong mga ginagawa." Nakayukong sabi nito. Hindi na ako pumapasyal sa palasyo dahil iyon kay Kirozz, at hindi nadin nagpakita sa akin si Ada simula noong araw na iyon.

"Ako ay may pupuntahan mamaya, sugo. Pakisabi nalang sa inang Reyna na ito'y napaka-importante...."

"Ngunit, palagi mo na iyang inirarason sa tuwing ika'y pupuntahan ko dito, mahal na diwata." Depensa niya.

"Importante ito, sugo. Ako ay pupunta sa palasyo pag wala na akong pupuntahan." Agad ko siyang tinalikuran at naglaho sa harap niya.

"Bakit ang tagal mo, mahal ko? Ako'y nag-alala baka may nangyaring masama sayo." Bungad sa akin ng taong mahal ko, nilapitan ko siya at niyakap.

"Patawad, mahal ko, kung ika'y aking pinag-alala. Ngunit may ginawa lamang ako kaya't ako'y nahuli." Ngitian niya ako at hinalikan ang aking ulo.

"Okay lang, mahal ko. Ahm...mahal ko, maari ko bang makita ang iyong tirahan?" Agad lumaki ang aking mata dahil sa tanong niya, matagal na kaming nag sasama ngunit hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang tungkol kung saan ako naninirahan. Alam niya na ako ay isang diwata ngunit hindi kung saan ako nakatira.

"Ngunit ito ay napakamalayo kung ito'y ating lalakbayin, mahal ko." Mahinang wika ko, may pangaba parin akong nararamdaman. Kauna unahang utos ng bathala na walang diwatang magpapapasok ng tao sa tirahan namin.

"Makapangyarihan ka diba? Bakit hindi lang natin gamitin ang kapangyarihan mo, para mas madali tayong makarating duon?" Pagalit niyang sabi. Naghahanap siya ng paraan para ako ay mapapayag! Ngunit hindi ko kayang labagin ang kauna-unahang utos ng bathala, ngunit ayaw ko ding magalit si Kirozz dahil sa hindi ko pag payag. Ngunit ayaw kong matulad kay Thamara!

"M–mahal ko, sinabi ko naman sa'yo ang rason, ngu–"

"Sabihin mo na lang na ayaw mong makita ko ang tirahan mo!" Sabay talikod sa akin.

"Kirozz! Mali ang iyong iniisip." Huminto siya sa paglalakad at hinirap ako.

"Saraya, matagal na tayong nag iibigan, ayaw mo parin ba akong pagkatiwalaan?" Nasasaktang sabi niya.

"May dahilan ako, Kirozz, diba? Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo dahil ayaw kong matulad sa aking kaibigan na tinanggalan ng kapangyarihan dahil lamang lumabag siya sa aming batas." Nahihirapang pagpaliwanag ko.

"Huwag kang mag-alala, mahal ko. Hindi mangyayari sayo ang sinapit ng iyong kaibigan." Malambing na sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Paano siya nakakasigurado?

"Magtiwala ka lang sa akin."

Hindi ko siya maayawan, mahal ko si Kirozz at gusto kong iparamdam iyon sa kaniya. Ngayon ko lang naramdaman ito, itong ibang pakiramdam na may nagmamahal sa'yo, na handa mong labagin ang pinuno niyo dahil lang sa isang lalaki. At ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Thamara na umibig siya sa isang taga lupa.

Ganito pala ang pakiramdam ni Thamara noon, kaya pala nilabag niya ang kaniyang tungkolin para lang sa taong iniibig niya. Ako ba, kaya ko din bang labagin ang aking tungkolin para kay Kirozz?

"Papayag na ako!" Agad sumilay ang ngiti sa labi ni Kirozz dahil sa sinabi ko, muntikan na kaming matumba dahil sa bigla-bigla niyang pagyakap sa akin.

"Hindi mo ako binugo, mahal ko! Sobrang saya-saya ko." Hinalikan niya ulit ang aking ulo, mahal kita kaya ginagawa ko 'to.

——

"Wow! Sa buwan ka nakatira, mahal ko? Kaya pala ayaw mo akong isama dito kasi malayo ang tinitirhan mo." Inilibot niya ang kaniyang paningin sa tirahan ko.

"Ang laki naman ng tirahan mo, mahal ko, hindi kaba nababagot dito at ikaw lang mag-isa? Ang dami mong ginto!" Agad siyang tumakbo palapit sa mga gintong aking nilikha.

"Saan mo nakuha ang mga ito, mahal ko?" May ngiti sa labi habang hinahawakan niya bawat gintong nasa tirahan ko.

"Dahil sa aking makapangyarihang tungkod, ang ina't ama ko ay dito nakatira, ang tungkod na ito ay pagmamay-ari ng aking mga magulang. Ito ay pamana mula sa akin bago sila mamatay dahil sa isang labanan." Mahaba kong paliwanag sa kaniya.

"Ang galing! Napaka-makapangyarihan pala ang mga magulang mo't may ganiyan silang tungkod."

"Mahal ko, magliliwanag na ayaw mo pa bang umuwi sa iyong tirahan? Baka ika'y hanapin ng mga magulang mo." Ayaw niyang umuwi dahil gusto niya daw munang pumarito.

"Ako ba ay pinapauwi mo na, mahal ko?" Nalulungkot na sambit niya. "Ilang buwan ay hindi din tayo magkikita dahil huling kabilugan na ito."

"H–hindi sa ganon, mahal ko. Ngunit ika'y hindi makakaalis sa akog tirahan kung hindi sasapit ang kabilugan ng buwan, kaya kung ako'y lalabas ay kabilugan ng buwan dahil hindi ako makakaalis pag ordinaryong buwan lang." Mahaba kong paliwanag sakaniya, dahil ito ang totoo. Hindi ko alam kung anong rason bakit kabilugan lang ng buwan ako makakalabas, ngunit ang sabi saakin ni Thamara ay isinumpa daw ito ng masamang diwata.

"Bakit hindi ko alam ang bagay na'yon?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ka naman nag tanong, mahal ko." Natatawa kong sagot, napakamot siya sa buhok niya dahil dun.

"Bago ako umalis, mahal ko, maari ba akong manghingi kahit dalawang ginto saiyo?" Nahihiya niyang wika. Ngunit hindi ko pinapamigay iyan!

"Ngunit, mahal ko, hindi ko pinapamigay ang mga bagay na iyan. Paumanhin." Buo kong sabi.

"Kahit isa lang, mahal ko. Natanggal ako sa aking trabaho at wala akong maipapakain sa pamilya ko."  Nagmamakaawa niyang sambit. Dahil ako ay may puso na pinalaki ng inang Reyna, hindi ako nakatanggi kay Kirozz.

"Salamat, mahal ko. Hindi mo talaga ako binibigo." May ngiti sa kaniyang labi habang yakap ako.

"Dalhin mo itong aking makapangyarihang tungkod, ito'y gamitin mo paakyat dito sa aking tirahan pagkasapit ng unang kabilugan ng buwan. Sa susunod nating pagkikita mahal ko." Sambit ko at ibinigay sa kaniya ang aking tungkod.

"Pangako, mahal ko, iingatan ko 'to. Babalik ako." Buhat buhat niya ang ibinigay kong maraming ginto.

Maghihintay ako sa pagbabalik mo mahal ko.....sana hindi mo ako bibiguin..

Abangan.....

Note:

          This story might have typographical and grammatical errors. Update, once a day.

DON'T COPY MY WORK WITHOUT MY PERMISSION.

📌Do add me for more chapters/stories to come.

Ang masamang diwata Ng buwanWhere stories live. Discover now