Ang masmang diwata Ng buwan

2 0 0
                                    

     Ika–siyam na kabanata

Kahuli-hulihang pasikat ng kabilugan buwan mamaya at hanggang ngayon ay hindi ako pinuntahan ni Kirozz kaya labis ang aking tampo sa kaniya.

"Saraya! H-huwang kang aalis, hindi ka pwedeng umalis sa iyong tirahan." Sigaw ni Ada ng talikuran ko siya at magsimulang lumakad paalis ng batis.

"Huwag mo na lamang akong isipin, Ada. Madali lang ako, sisilipin ko lamang si Kirozz, babalik ako bago sumikat ang araw." Sabi ko sa kaniya para hindi siya mag-alala sa akin.

"Saraya, hayaan mo na lamang siya." Hindi ko na siya pinansin at nagsimula ng lumakbay, ginamit ko ang aking kapangyarihan para madaling makapunta sa mundo ng mga tao.

Pagkarating ko sa mundo nila, agad kong ginamit ang aking kapangyarihan upang maramdaman ko ang aking makapangyarihang tungkod. Nasa kaniya parin ito hangga ngayon, agad kong naramdaman ang aking tungkod malayo–layo kung asan ako ngayon.

Hindi ko na ginamit ang aking kapangyarihan, naglakad na lamang ako at masayang tinanaw ang mga taong nagtitinda sa may tabi–tabi. Hindi katulad noon na nahihirapan silang humanap ng makakain dahil sa aking sumpa. Tama lang ang ginawa ko na tanggalin ang sumpa ng mga taong walang ginawang masama sa akin.

Hanggang sa makita ko ang pamilyar na lugar, dito rin nakatira ang batang tumulong sa akin upang makatakas ako sa mga taong gusto akong paslangin.

Mas binilisan ko ang aking paglalakad dahil nararamdaman ko na ang aking tungkod malapit dito. Madaming niños ang masayang naglalaro sa labas, may mga taong nagtitinda din sa tabi–tabi.

Hanggang nasa harap ako ng isang malaking tirahan. Ito na ba ang tirahan ng taong iniibig ko? Agad akong napangiti dahil sa aking naisip, makikita ko na si Kirozz.

"Ate, bakit mo tiningnan ang bahay ng kuya ko? Maganda 'no?" Agad akong napalingon sa aking likuran dahil sa isang boses ng bata doon. Agad nanlaki ang aking mga mata ng mamukhaan ko kung sino siya.

"Lilit." Mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan.

"Ganda!" Gulat din niyang wila sa pangalan ko, sinunggaban niya ako ng yakap ng ikahagikgik ko. Hindi pa din siya nagbabago, siya pa din ang lilit na nakilala ko at tumulong sa akin sa mga masasamang tao.

"Ano ang ginagawa mo dito, diwata ganda?" Tanong niya habang nakayakap parin sa akin.

"May pinuntahan ako ditong importanteng tao." Nakangiti kong sagot sa kaniya. Napangiti ako ng pumasok sa isip ko si Kirozz, ang lalaking mahal ko.

"Sino po?" Pinaupo niya ako sa may upuan sa gilid ng bahay na kaharap ko kanina.

"Kirozz, baka kilala mo ang nag ngangalang Kirozz, lilit?" Agad nanlaki ang kaniyang mata at tumango ng dalawang beses.

"Opo! Opo! Siya ang kuya ko. Anong kailangan mo sa kuya ko, Ganda?" Pati ako nagulat din sa nalaman, kuya niya ang taong mahal ko?

"Kapatid mo si Kirozz? Siya ang taong iniibig ko. Ako'y nagtataka kong bakit hindi na siya pumupunta sa aking tirahan gayong nasa kaniya ang tungkod ko. At ako'y nasasabik na makita siya."

"Iniibig? Diba po mahal 'yon?" Napakamot pa siya sa kaniyang buhok. Tumango ako sa kaniya.

"Hala! May mahal na si kuya dito, may asawa na siya, Ganda. Kapanganak nga ng asawa niya, e." Agad akong na bato sa aking kinatatayuan dahil sa narinig.

Asawa? May iniibig na si Kirozz dito? Kaya ba hindi na niya ako pinuntahan sa aking tirahan? Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Tama nga si ina ako'y ginamit niya lang!

"Ganda, bakit ka po umiiyak?" Agad akong tumingin kay lilit na kasalukuyang inaalis ang aking mga luhang patuloy padin sa pagtulo. Ang niños na sa harap ko ay ang kapatid ng taong maha ko na niloko't ginamit lang ako!

Ang masamang diwata Ng buwanजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें