Ang masamang diwata Ng buwan

1 0 0
                                    


          Ikapitong kabanata

"Paalam, mahal ko, hanggang sa muli nating pagkikita." Agad niyang ginamit ang aking tungkod upang siya ay makababa sa aking tirahan. Paulit-ulit na siyang dumadalaw sa akin at ito ang kahuli-hulihan dahil sisikat ulit ang ordinaryong buwan.

Masarap ang aking mga tulog sa nagdaang araw dahil sa taong mahal ko, si Kirozz, siya lang ang taong pinaparamdam saakin ng ganito. Hindi si Thamara o ang aking inang Reyna, pati na ang bathala. Si Kirozz lang, at wala ng iba pa!

"Saraya! Ang tigas talaga ng iyong ulo!" Napaatras ako ng biglang bumungad ang inang Reyna sa aking harapan, at ito'y galit na galit.

"I–ina, ano ang iyong nais?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi mo ba alam ang batas, Saraya? Ang batas ay batas! Ano ang iyong ginagawa? Ikaw ay sumuway na naman, at hindi lang isa o pangalawa, lahat ng batas sinuway mo dahil lang sa taga lupa na iyon!" Napintig ag aking tinga sa kaniyang sigaw.

"Ina! Hindi lang siya taga lupa, siya ang taong mahal ko—"

"Na kaya kang dalhin sa kapahamakan. Ika'y hindi na nag-iisip, Saraya. Pinanganak kang matalino at masunuring bata ngunit ano ang iyong pinakita ngayon?"

"Ina! Mahal ko siya, katulad ni Thamara umiibig din ako sa taga lupa. Labag man sa batas ng bathala ngunit, ina! Siya lang ang nag paparamdam saakin ng ganito. Hayaan niyo na ako kung sino ang taong mamahalin ko!" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Natawa siya ng pagak at tiningnan ako ng hindi makapaniwala.

"Sisirain niya lang ang iyong buhay, Saraya. Kaya binabalaan kita, iwan mo na siya! Sisirain niya ang pagiging diwata mo!—"

"Tama na ina!"

"Tama na, Saraya! Gumising ka sa iyong katangahan! Diwata sa diwata, Saraya, hindi pwedeng malagyan ng ibang lahi ang mga diwata, umibig ka ng diwata. Batas ay batas!" Sigaw niya pa.

"A–akala ko suportado ka sa anong gusto ko, ina. Bata pa lang ako sinabi mo na iyan. Ngayon! Gusto kong umiibig ng isang tao, ako ay napamahal sa hindi natin kauri, dapat suportado ka pa din sa akin! Dahil iyan ang palaging mong sinasabi—"

"Pero hindi ko sinabing susuportahan kita na umibig ng isang tao, Saraya! Batas ang sundin mo at huwag iyang puso mo. Hindi ka ba nag iisip na baka ginamit ka lang ng lalaking iyon para sa kaniyang mga nais na hindi niya nakuha sa iba? Katulad na lamang ng iyong mga ginto, araw-araw mo siyang pinadalhan ng gintong pagmamay-ari mo! Saraya, ika'y nababaliw na sa lalaking iyon!"

"Huwag kang mambintang, ina! Mahal ako ni Kirozz at hinding hindi niya ako lolokohin."

"Sana nga, Saraya. Sana nga." Huling sabi niya bago naglaho sa harapan ko.

Napaluhod ako habang humihikbi, hindi ko akalaing labag sa kalooban ng aking ina na umiibig nang taga lupa. Akala ko ay suportado niya ako sa lahat, pero hindi pala. Gusto niyang maghiwalay kami ni Kirozz, ngunit si Kirozz lang ang nagparamdam saakin ng ganito e!

——

Nasa palasyo ako ngayon, hindi para puntahan si ina kundi pupuntahan ang aking kaibigan na si Hariya. Siya ang naging kaibigan ko dito sa palasyo noong pinarusahan si Thamara, magkaiba sila ng ugali ni Thamara kung si Thamara ay makulit at matigas ang ulo, siya naman ay mabait at masunurin sa lahat.

"Saraya! Nagagalak akong makita kitang muli dito sa palasyo, ang Reyna ba iyong pakay dito?"bungad niya sa akin na may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ako din, Hariya. Ngunit hindi ang aking ina ang pinuntahan ko dito kundi ikaw. Nais ko lamang mag pa sama saiyo at may katanongan akong gusto kung masagot mo ng mabuti. Ito'y gumagabag sa aking isipan kamakailan lang." Nalulungkot kong pahiwatig.

"May gagawin pa ako ngayon, Saraya. Mauna kana muna sa ating tagpuan." Masayang sabi nito at nag paalam sa akin.

Si Hariya ay napakamasayahing diwata, kahit sa maliliit na bagay ay masaya at kuntento na siya. Kahit ang kaniyang mga magulang ay alipin lang sa palasyo, hindi padin hadlang ito sa kaniya.

"Ano pala ang iyong mga katanongan?" Bungad niya sa akin, tinanaw ko ang labas ng mga nasasakupan ni ina, bago binaling ang aking tingin kay Hariya.

"Gusto ni ina na iwan ko ang lalaking mahal ko." Mahinang sabi ko sapat na upang marinig niya. Kumunot ang kaniyang noo at nagtataka akong tiningnan. Hindi alam ni Hariya na isang tao ang napupusuan ko, hindi ko sinabi sa kaniya at baka kung ano pa ang kaniyang masabi tungkol sa taong iniibig ko.

"Ika'y malaki na at pwede ng umibig, bakit naman labag ng Reyna na umibig ka? Gayong tama naman ang iyong edad upang mag simulang bumuo ng pamilya." May punto siya roon ngunit hindi diwata si Kirozz. Siya ay isang normal na tao at labag din sa aming batas ang umibig ng hindi namin kauri.

"Katulad ni Thamara—"

"Bakit napunta si Thamara sa usapan natin?" Putol niya sa sasabihin ko, napatampal nalang ako sa aking noo.

"Pataposin mo muna ako sa aking sasabihin. Katulad ni Thamara ako ay umibig din ng isang taga lupa." Agad nanlaki ang kaniyang mga mata.

"ANO?" Tinakpan ko ang kaniyang bibig dahil sa lakas ng kaniyang boses.

"Shh....huwag kang maingay." Tinanggal niya ang aking kamay sa kaniyang bibig at tiningnan niya parin ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"Saraya! Huwag mo akong binibiro, hindi oobra saakin iyan." Masungit niyang saad.

"Hariya, totoo ang aking mga tinuran. Ano ang aking gagawin? Ikaw lang ang makakasagot sa akin ng tama, kaya tulongan mo ako." Pagsumama ko sa kaniya.

"Saraya, huwag mong hayaang mas lumalim ang iyong pagtingin sa mortal na iyan. Isipin mo ang ating batas, huwag kang tumulad sa kaibigan mong si Thamara."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong.

"Iwan mo siya, tama ang iyong ina hindi siya makakabuti para saiyo. Sundin mo ang ating kinakaharap na batas, Saraya." Kita ko sa kaniyang mga mukha ang awa sa akin. Ayaw ko ng kaawan ako!

"Hindi! Hindi ko iyan magagawa, Hariya. Mahal ko si Kirozz at gusto ko siya ang makasama ko hanggang sa aking ikalawang buhay!"

"Hindi mo matatakasan ang ating batas, Saraya."

Abangan.....

Notes:

           This story might have typographical and grammatical errors.

And...Maybe i can't update tomorrow and the other day because that's my schedule of my examination. Hope you understand  (Baka nagtataka kayo na bakit maaga ang examination ko, it's because, i'm in private school and you know every month ang exam duon kaya...no choice. )

DONT COPY MY WORK WITHOUT MY PERMISSION

📌DO ADD ME FOR MORE CHAPTERS/STORIES TO COME.

Ang masamang diwata Ng buwanWhere stories live. Discover now