Ang masamang diwata Ng buwan

6 0 0
                                    


          Ikalawang Kabanata

Sa unang araw ng aking parusa, hindi ako sanay na palaging nasa aking tirahan lang dahil sasapit ang kabilugan ng buwan ako'y  bababa para maligo sa batis na pagmamay-ari ni Thamara.

Ngunit dahil sa aming kataksilan at paglabag sa sugo ng makapangyarihang bathala nandito ako sa buwan kung saan napaka tahimik at ako lang mag isang naka tira.

Wala akong ginawa sa loob ng aking tirahan kundi mag labas ng mga ginto at pilak at ito'y aking pinaglalaruan. Palagi akong dinadalhan ng mga pagkain ng sugo ng aking ina. Ang higpit ng bantay sa aking tirahan, nilagyan ng salamangka ng makapangyarihang bathala ang aking tirahan at may naka bantay pa sa labas nito kaya't mahirap makatakas. Ngunit wala akong plano.

Ano na kaya ang kalagayan ni Thamara sa mundo ng mga tao? Nakakatulog ba siya ng maayos? May maayos ba siyang tirahan? Hindi ba siya sinasaktan o tinangkaang paslangin ng mga tao?

Agad akong napatayo ng dumalaw sa akin ang inang Reyna. Tumakbo ako palapit sa kaniya at nag bigay galang.

"Ano't napadalaw kayo, ina?" Nakangiti kong tanong, matagal tagal na rin noong hindi niya ako dinalaw dahil utos ng bathala.

"Kamusta ang iyong kalagayan dito? Bakit andami mo namang mga ginto at pilak? Anong gagawin mo sa mga iyan?" Agad niyang tanong ng makita ang mga ginto na aking pinaglalaruan.

"Ahm...ako'y nababagot dito kaya 'yan lamang ang aking pinaglipasan ng oras, ina. Pwede ba akong bumaba mamaya sa b–batis? Gusto ko lamang maligo doon dahil unang kabilugan ng buwan mamaya."  Nakayuko ako habang pinaglaruan ko ang aking mga daliri.

"Hindi mo pa kalayaan, Saraya. Kaya at, bakit kita papayagan?" Napa buntong hininga na lamang ako dahil sa kaniyang tugon.

"Saraya, malapit ka ng makalaya kaya't tiis-tiisin mo na lamang. Dahil hindi mag tatagal ika'y makakabalik na sa dati mong gawain." Matagal pa! Mag hintay pa ako ng apat na kabilugan ng buwan at ako ay makakalaya na.

"Ina, si Thamara. Maayos ba ang kaniyang kalagayan sa mundo ng mga tao?" Pag iba ko sa aming usapan.

"Siya ay nahihirapang maka hanap ng pagkain kasama ang kaniyang iniibig." Agad nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ng Reyna.

"Ina! Kasama ni Thamara ang kaniyang napupusuan doon? Ngunit ayos lang ba iyon sa makapangyarihang bathala?"

"Hindi ibig ng bathala na mag isa lang si Thamara sa mundo ng mga tao gayong hindi niya alam ang pamamalakad nito. Kaya't pinayagan niyang makasama ni Thamara ang kaniyang iniibig ng sa gayon ay hindi siya nag iisa." Mahabang paliwanag ni ina kaya napangiti ako, hindi ko alam kung anong pakiramdam ng may mapupusuan dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakaranas ng ganuon.

"Ina, anong pakiramdam na may mapupusuan kang isang diwata o tao?" Nasasabik kong tanong, tiningnan niya ako ng mariin kaya ako'y napanguso ako. "Ako'y nag tatanong lang." Agap ko agad kahit hindi pa siya nag sasalita.

"Bawal ka pang umibig, Saraya. At lalong lalo na bawal kang umibig sa mga taga lupa, dahil hindi nababagay ang ating kauri sa kanila. Huwag mong tularan ang iyong kaibigan na si Thamara."

"Ina! Ako'y nag tatanong lamang. At tsaka bakit si Thamara ay pinayagan ng bathalang umibig ng taga lupa? Gayong pinagbabawal pala ito ng batas?"

"Hindi pinayagan si Thamara na umibig ng taga lupa, matigas ang ulo ng diwata kaya lumabag siya sa sugo ng bathala. Ngunit hindi na siya makakabalik sa atin kahit kailan, iyon ang kaniyang kaparusahan dahil sa kaniyang katigasan." Mabaha niyang salaysay kaya ikinagulat ko.

"Hindi niyo iyan magagawa sa kaniya! Isa siyang diwata, isa siyang kauri natin. Dapat katulad ko may taon din ang pagpaparusa niyo sa kaniya, ina."

"Tinanggap niya ang kaniyang parusa, mas ibig niyang tumira kung saan nandun ang kaniyang kabiyak. Hindi niya pinasabi sayo dahil ayaw niyang magalit ka sa kaniya." Tumalikod ako kay ina at humakbang ng dalawang beses.

Ang masamang diwata Ng buwanWhere stories live. Discover now