Ang masmang diwata Ng buwan

2 0 0
                                    


         Ika–sampong kabanata

"S‐saraya! Ang sanggol na iyong sinumpa ay namatay na." Agad akong na bato sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ng aking ina, isang buwan na ang nakalipas mag mula nung malaman ko ang totoo.

"Kailan lang?" Kasing lamig ng hangin ang boses ko, mag mula ng manyari ang eksinang iyon hindi na ako masyadong nakakausap nila ina.

"Ngayon lang." Hindi ko na siya sinagot ay mabilis na umalis. Kukunin ko ang sanggol at bubuhaying muli, ako ang mag papalaki at ako ang kilalaning ina ng anak nila. Ipararanas ko sa kanila bawat sakit ng aking tinamo.

Pagkarating ko sa tirahan nila, madaming tao ang nasa labas. Maririnig dito sa labas ang iyakan na nagmumula sa loob, rinig na rinig ko ang lakas na iyak ni Thamara.

"Monica, gumising ka, anak! Gumising ka!" Humihikbing sigaw niya. Hindi na ako nagpadaloy–daloy pumasok ako gamit ang aking kapangyarihan. At duon ko nakita ang sanggol na wala ng buhay, sobrang putla nito ngunit ang sumpang aking ginawa ay nanatili padin sa katawan niya.

"Nandiyan na ang kukuha kay, Monica. Dadalhin na siya sa morgue. " Anunsyo ng isang ali. Lumakas na naman ng iyak ni Thamara, inalalayan na siya ni Kirozz dahil ilang segundo ay matutumba na ito.

"Ahhhh! Monica, huwag mong iwan si mama! Monica!" Napakagat ako ng labi, naawa ako kay Thamara. Gustong–gusto ko ng buhayin ang kaniyang anak ngunit wala sa planong ibibigay ko sa kaniya ang niños.

"Magbibihis na mo na kami, litlit, batayin mo muna si Monica." Habilin ni Kirozz, ang batang si litlit ay umiiyak din pula ang mga mata nito sa kakaiyak.

Humanap ako ng paraan para makuha ang atensyon ni litlit sa ibang bagay. Gamit ang aking kapangyarihan nagpalabas ako ng isang kasangkapan na nagmumula sa mga tao, pinalitaw ko ito at hinulog nang biglaan. Nakuha ang atensyon ni litlit duon, agad siyang tumayo at nilapitan ang kasangkapan.

Wala na akong sinayang na oras, agad kong kinuha ang sanggol at mabilis na naglaho.

Pagkarating ko sa batis nandon si Ada sa batis, mukhang hinihintay akong makabalik. Alam niya kasi kung ano ang aking gagawin sa mundo ng mga tao, pinigilan niya ako ngunit hindi ako nagpatinag sa kaniya. Walang kahit sinong makakapagpigil sa akin sa anong gagawin ko!

"Ikaw ba ay sigurado sa iyong gagawin, Saraya? Kaya mo bang buhayin ang batang iyan? Mawawalan ka ng lakas kong bibigyan mo siya ng mahiwaga mong dugo." Nag‐alalang tanong ni Ada sa akin. Minana ko ang mahiwagang dugo sa aking Bathalang ama, kaya niyang makabuhay ng  patay na nilalang.

"Sigurado ako, Ada. Kaya't tulongan mo na lamang ako sa  kagamitang aking kakailanganin upang siya ay muling mabuhay."

Mabilis siyang tumango at umalis sa aking harapan, pinahiga ko sa lupa ang sanggol. Putlang putla na ito at matigas tigas na ang kaniyang katawan.

Pagkarating ni Ada, sinimulan ko na ang aking orasyon para sa sanggol. Sinugatan ko ang aking pulsohan at pinabuka ko ang kaniyang bibig.

––

Nasa aking tirahan na ako at hinintay na magising ang sanggol. Napatayo ako agad ng umiyak ito ng umiyak, agad ko siyang binuhat at pinatahan.

"Hindi na ikaw si Monica, kakalimutan na nating ikaw si Monica at anak ng taong nagtaksil sa akin. Ngayon ikaw na si Selene, a moon goddess." Nakangiti kong pakikipag-usap sa kaniya, nakatigtig lang ito sa akin at unti-unting sumilay ang kaniyang ngiti sa labi.

——

        10 years later

"Ina, gusto ko ulit maligo sa batis. Ngunit kailan ba sisikat ang kabilugan ng buwan? Ako'y nagagalak na makita ulit si Ada." Masayang sabi niya, ilang taon ang lumipas ako na ang kinikilalang ina ni Selene. Si selene ay isang masunorin at mabait na niños.

Ang masamang diwata Ng buwanWhere stories live. Discover now