(19) CH 8.7: Mávri Agorá ( Slave in the Dark Prison)

101 5 2
                                    

Part XIX.

Dayana's Pov:

Pumasok kami sa loob na ikinabigla ko dahil sa nakita. Bakit? Bakit ganito dito? Anong klaseng lugar ba ito?

Madilim ang loob at animo'y preso dahil sa napakadaming kwarto nitong may rehas. Sinilip ko ang isa at duon nakita ang isang hengsan na nakakadena ang paa at leeg. Lahat ba ng kwartong ito ay may isang nilalang?

" Ni-nicko, anong klaseng lugar ito?" tanong ko ngunit wala na ang kausap ko. Malayo na sya sa amin at isa-isang tinitingnan ang mga kulungan.

Naglakad ako at tiningnan ang bawat kwarto. Ni wala na silang lakas para magsalita. Tanging nagmamakaawang pagtitig na lamang ang naiipakita nila sa akin.

" Bibilhin nyo po ba kami tulad ng iba?" saad ng batang duwar ng mapatapat ako sa kanya.

Napakadami kong katanungan na hindi ko alam ang mga sagot. Kailangan naming iligtas ang lahat ng naririto. Ngunit napakadami nila at sigurado akong hindi lang sa establishimentong ito meron, kundi sa bawat panig ng lugar na ito.

Naramdaman ko ang pag dais sa akin ni Lloyd. " Alam ko'y ipinatigil na ng hari ang lahat ng ganitong klaseng bentahan, hindi ko lubos akalaing meron parin palang gumagawa ng transaksyong katulad nito, " saad nya.

" Anong klaseng transaksyon? "

"This is a slave market, kung saan maaari mong bilhin ang kahit na anong magugustuhan mo. Ang mga nilalang na iyan ay ipinagpapalit sa ilang treya."

Napataklob nalang ako sa aking bibig ng makita ang isang bangkay sa kulungan.

" Ina!" Napatingin ako sa sumigaw na si Nicko. Nakaluhod sya sa tapat ng isang kwarto ng rehas at duon ay niyakap ang isang babae na mahihinuha kong nanay nya.

" Anong nangyari sa iyo? Dapat hindi kana pumunta dito," malungkot na ani nito sa sugatang si Nicko.

" Ngunit Ina, hindi sila sumunod sa kasunduan. Isang buwan nalang at mapupunan ko na ang isan daang libong treya na kanilang hinihingi. At maiialis ko na kayo sa lugar na ito. Subalit nabalitaan kong kayo ay kanilang ipagbebenta at dadalhin sa ibang lugar," saad naman ni Nicko habang tumutulo ang luha. Ito ang dahilan kung bakit nila kinakailangan ng maliking pera. Ang maibalik muli ang kanilang pamilya sa kanilang tahanan.

" Dapat hinayaan mo nalang kami ng ama mo dito, kung hindi dahil sa pagbili nila sa amin. Hindi kayo gagaling ng kapatid mo," dagdag pa ng nanay nya na ngayo'y tumutulo narin ang luha.

"Ina, hindi namin kaya ni Nicka na wala kayo ni Ama. At ngayon, ligtas na kayo. Makakaalis na tayo dito."

"Lloyd, pakawalan mo lahat ng dunong nakakulong. It's time for their freedom," ani ko naman sa katabi ko.

" Masusunod aking binibini." Agad namang umalis si Lloyd at binuksan ang mga rehas.

Pilit na binuksan ni Nicko ang rehas kung saan naroroon ang kanyang mga magulang. His mother is a duwar, while his father is a hengsan. At duo'y mataimtim nilang niyakap ang isa't isa.

Nang mabuksan ni Lloyd ang ilan sa mga rehas ay inutusan nya ang mga ito na magform lang ng isang linya at huwag lalabas hanggat di nya sinasabi. Dahil hindi parin namin alam kung ligtas naba sa labas.

" Huwag kayong mag-alala, makakaalis na kayo dito," saad nito.

Tumulong narin ako at sinira ang ibang rehas. Naramdaman ko ang isang kamay na humihila sa aking damit at nakita ang isang duno na hindi ko matukoy kung ano.

Ito yun, yung batang babae na kumuha ng pocket ko kaninang madaling araw ng pumunta ako dito. Malamya ang kanyang mga mata at makikita mo ang kalungkutan. Subalit bigla syang ngumiti at umagos ang kanyang luha. Tumungo ako para maging magkasing pantay kami. Napansin ko ang puro pasa at payat nyang katawan. Niyakap ko sya at hinagod ang likod.

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon