(18) CH 8.6: Mávri Agorá ( Fierce Battle has now Begun)

64 5 0
                                    

Part XVIII.

Dayana's Pov

Atake, atake sila ng atake habang ako ay dumedepensa. Hinugut ko ang aking sandata at pinuluputan ang paa nitong lalaking lumilipad ng makalapit sa akin. Sabay inihagis sya sa dalawa pang kalaban na ikinasalampak nila sa pader.

Walang mangyayari sa ganitong paglalaban. Kung patuloy silang tatayo sa bawat atakeng kanilang natatanggap galing sa akin. Kailangan ko ng mas malakas na pwersa. Pwersang hindi nila makakaya.

Tinanggal ko ang anim na bracelet ko sa mga kamay at bumaon ito sa kalsada dahil sa kabigatan. Ngayon ay mas magaan na ang aking pakiramdam. Parang nakahinga ng maluwag ang aking kalamnan sa kamay.

Dahil sa gaan ay mas lumakas ang pwersa ko, mas naiigalaw ko na ang aking katawan. Kung dati ay walang epekto ang mga suntok na pinapakawalan ko kay fitted, ngayon ay meron na, kaya naman naglalabas na ito ng dugo sa kanyang bibig. Ang daling gumalaw, mas lalo akong bumilis nang matanggal ang anim na daang kilong bakal na yaon.

Mas malakas at mabilis na paghamapas ng aking sandata kay black coat na ikinasugat ng buo nyang braso. Inatake ko din si fitted gamit ang sandatang ito ngunit nasalag nya ng kanyang kamay at ngayo'y hawak-hawak na niya ang aking sandata. Hinila ko ang sandata at sa pag-aakala ni fitted na hindi sya madadala ay hindi nya ito binitawan kaya naman napasalampak sya sa pader at nagiba ito.

Ngayo'y duguan narin sila tulad ko. Tumalon ako at sinuntok ng malakas sa muka si fitted na naging sanhi ng pagkahimatay niya.

Sunod ko namang inatake ay ang lalaking may asido. Napakagaling ng sandatang kapit ko. Hindi manlang ito nalulusaw ng asido nya. Talagang napakapulido at napakatibay.

"Bakit! Bakit hindi malusaw ang bagay na iyan!!" sigaw nya sa akin. Itinaas ko ito at inihampas sa tagiliran nya na naging sanhi ng malaking sugat.

"Gawa lang naman ito ng lalaking pinapahirapan nyo kanina." Saba'y isang sipa upang sya ay mawalan ng malay. At duo'y sumulpot ang lalaking lumilipad at muling bumangon ang lalaking may asido. May kinuha ito sa kanyang bulsa. Tatlong maliliit na itim na bilog.

" Marko!" sigaw nito sa lalaking lumilipad at inihagis ang dalawag bilog na iyon.

" HAHAHHAHA, ngayon ay wala kanang kawala babae! Dito rin sa lugar na ito! Babawian ka ng buhay!" saad naman ng lalaking lumilipad na si Marko. Pumunta sya sa tayo ng walang malay na si fitted at isinubo ito sa kanya.

Is that the rumored black pill? A pill that can give you unimaginable strength, but it can destroy their body once they are consumed-especially when the overwhelming energy surge in their kartel causes an explosion. Their white and black hiya will be fighting each other inside their body, potentially resulting in loss of life.

" Huwag, huwag nyong subukang kainin ang bagay na iyan!!" Gusto ko man silang matalo ngunit di io maatim na mawalan sila ng buhay sa harap ko.

" Bakit babae, nag-aalala ka bang kami ay mamatay. Hahahahahah!! " saad ng lalaking naka coat.

I run as much as I can to get those f^cking pills. But it's too late, they've already swallowed them. This feelings, the tremendous amount of killing intent-I feel shivers throughout my body. It seems like they are awakening themselves to a different level.

And now, they're like a beast that can devour me anytime. The hiya forming in their surroundings keeps getting bigger and bigger.

Medyo nag-iba narin ang itsura nila. They become more fierce at walang kinakatakutan.

They attack me, and I keep defending myself. At first, I thought I'm on par with them. Pero habang tumatagal, mas lalo silang bumibilis at mas lumalakas. Or maybe it's just my body that's becoming weaker?

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYWhere stories live. Discover now