(9) CH 6.3: Niyara Town (The Perishing Horizon)

71 10 0
                                    

Part IX.

Dayana's Pov.

Where am I?

Nakatulog ba ako? Pero bakit ako nakatayo? Nanghihina din ang aking katawan...

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ang madilim na paligid. Tanging ang isang kulay dilaw na lampara lamang ang nagbibigay liwanag sa labas ng bakal na rehas na kung saan ako naroroon.

Iginalaw ko ang aking kamay at paa at napakinggan ang tunog ng mga kadena. Sh!t, bakit nakagapos sa malalaking kadenang ito ang mga paa at kamay ko. Am I in an underground prison like in medieval times? Ano ba kasi ang panturok na yun at nanghina ako?

I hear a foot steps na papalapit sa pinagkukulungan ko at nang tumapat ito sa akin ay nasilayan ko ang pamilyar nyang muka at ibinaba ang lamparang hawak nya sabay upo sa isang upuan.

He is Rena's father.

" I look at my office and found out about your family. You are not really a Viscount's daughter right?" pauna nyang sambit ngunit hindi ako umiimik.

" So, who you really are?... I'm also surprise na gising kana. Labing limang minuto palang ang nakakalipas simula noong umapekto ang tranquilizer na iyon sa iyo. If you are normal, it will take a day or two before you wake up, or even a week, kaya nakakapagtaka." Napabuntong hininga na lamang sya at inayos muli ang upo.

" Pero wala naman akong pakialam dun. Ang ipinunta ko lang dito ay para itanong sa iyo kung alam mo ba ang naging sanhi ng ginawa mo?" mahina nyang sambit habang nakatingin sa akin. Hindi ako gumagalaw at nakatingin lang din sa kanya.

" Dahil sa kaganapan ngayong gabi, maaaring maputol ang koneksyon ko kay Marquess Glenmeur" he said in a low tone.

" Ganon nalang ba ang kagustuhan mong magkaroon ng mataas na kapangyarihan?" mahinahon kong sagot dito.

" You don't know anything Miss and I never seek for power. Kaya sana manlang Iha, naisip mo kung anong pinasok mo," ani nito sa mukang seryoso at di nagsisinungaling.

Mali ba na ipagtanggol ko ang kaibigan ko sa katulad nya na iniisang tabi ang damdamin ng kanyang anak?

" Alam mo ba kung bakit ko nagawa yun? It is because I am your daughter's friend at ayaw ko syang makikita na nalulungkot at nahihirapan,"saad ko sa kalmadong pananalita.

" I know naiisip mo na wala akong kwentang ama." Ayaw ko mang isipin pero iyon ang nakikita ko.

" Pero ikaw ang lumagay sa tayo ko at maiintindihan mo. Hindi ko naman gusto ang mga nangyayari but I have no choice. I love my daughter and there are no parents na gusto silang mapahamak. Ngunit naghihirap ang bayan ko, libo-libong tao ang naapektuhan. Marami nang namamatay because of this certain disease and this is the only way. I need their luxurious to buy an elixir na makakapagpagaling sa aking mamamayan at ang kundisyon lang na gusto ni Marquess Lastarios ay ang ikasal ang anak namin," seryoso nyang sabi at nakinig lang ako.

" Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang bigla nalang nagkaganito ang bayan namin, at ang Pamilya Lastarios ang tanging nagbibigay sa amin ng tulong para mapaganda ang kundisyon ng aming lugar kahit na hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagampanan ang aking pangako. At wari ko'y mapuputol na ang aming ugnayan dahil sa ginawa mo, salamat nalang at wala na dito si Marquess Glameur at hindi nya nasaksihan ang nangyari."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya.

" Ngayon sabihin mo, napakasama ko bang ama dahil mas inaalala ko ang libong buhay ng aking mamamayan kaysa sa nag-iisa kong anak?" mariin nyang tanong sa akin. Ngayon alam ko na, kahit ako ay maguguluhan at hindi alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Napakahirap mamili kung sino ang isasakripisyo.

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon