(6) CH 5: Duwar

83 11 0
                                    

Part VI.

The picture above is Nika in a Duwar traditional dress.

Dayana's Pov.:

Ang ganda talaga ng Dining Hall. Ang sarap linisan kung magiging ganito lagi kakintab.

Nagmomop ako ng sahig habang nakatingin ang nakataas na paa na si Aqui. Tumayo sya at lumabas ng Dining Hall.

Buti naman at wala nang magkakalat dito.

"Hmm, hmm,hmm,hmmmm," himig ko habang pinupunasan ang sahig.

Hayst... Patapos na ako ng dumating itong bwe&!t na lalaking ito. Napakaputik baga naman ng sapatos at iniapak sa kamomop ko palang na sahig.

Hmmp!! Kagigil. Walang reklamo na pinunasan ko ang putik na nanggagaling sa mga sapatos nito ngunit naglibot pa sya sa buong Dining Hall.

Anong trip mo ul•\. Ha!! Anong trip mooooo....

Parang t4ngang sinusundan ko ang mga bakas ng paa nya at pinunasan ito.

Napagod din sya at umopo. Hilig talaga nyang ipatong ang mga paa nya sa lamesa.

Pinuntahan ko sya at piniga ang hawak kong basahan para punasan ang mga sapatos nya upang di narin madumihan ang lamesa.

" Ang sipag talaga ng alila ko." Mapang-asar ang kumag, nakuha pang ngumiti ng nakakapangloko at tuwang tuwa sa ginagawa nya.

Hindi ko na sya pinansin at pumasok na ako sa loob ng kusina upang ibalik ang mop at basahang ginamit ko.

"Binibini, maaari mo bang itapon ang mga basurang iyon?" turo nitong si Chef Arnold sa isang basurahan.

" Saan po ba ang tapunan niyan?" tugon ko at sinabi nya naman kung saan ito maaring itapon.

Sa pagtatapon ko ng basura dito sa may bandang likuran ng Academy ay may napakinggan akong ingay sa likod ng pader na hindi tataas sa dalawang metro ang tangkad.

" Babae ka, nagmamagalinggalingan ka kanina, palibhasa napakataas ng daloy ng 'Hiya' mo sa Kartel," sambit ng isang babae sa likod at nakarinig ako na animo'y may sinisipa ito.

Tumuntong ako sa basurahan para makita ang pangyayari. May dalawang Hengsan na babae na sinasaktan ang isang Duwar na babae rin.

" Psst," sitsit ko sa kanila at tumingin sa gawi ko ang mga hengsang ito.

" Tsk, tsk, tsk, tsk..." ani ko at sumama ang muka nilang dalawa.

" Hayst, mga bata kayo, di nyo ba alam na mali ang ginagawa nyo?" Mukang nagiging si Master Morie na ako kung umasta. Nakalimutan ko atang kasing edad ko lang ang mga babaeng ito.

" Woahhhh, I didn't know that you are here karterless, wanna join us. It's so much fun," ani nung isang babae.

" Ohhh, hindi mo ba naintindihan, pwes ipapaintindi ko sa iyo," dagdag pa nya.

"Nah, no need," walang emosyon kong sabi sa kanya at bumaba na ng pader. Makikita mo sa pagmumuka nya ang kalituhan. Sino nga naman ako para malaman ang lenggwahe na ito dahil isa lang naman akong hamak na mahirap.

" And I can join if you want," ani ko pa habang hinahawakan ang muka nya.

May humawak ng paa ko at ito yung Duwar na nakahiga sa semento.

" Umalis kana, hayaan mo na ako dito," saad nya.

" You know, she's right. Ano ba ang kayang gawin ng katulad mong walang Kartel?" ani nitong isang babae sa likod ko kaya hinarap ko sya.

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYWhere stories live. Discover now