(4) CH 3 : Admission; The Kartelless Woman

105 15 0
                                    

Part IV.

The image above is Aquiron Fonston

Dayana's Pov.

Maaga akong nagising. Nasanay na ako sa ganito simula noong napunta ako sa pangangalaga ni Master Morie. Lumabas ako ng kwarto upang maghilamos at magmumog.

Nag-imis lang ako ng higaan ko at ng buong bahay. Pagkatapos ay wala na akong magawa kaya napagpasyahan ko nalang magbasa sa mga libro dito sa may bookshelves. Collection ito ni Ginang Merna noong sya ay bata pa. Namili lang ako ng ilan at sa pagbabasa ko ay inabot na ako ng pagsikat ng araw.

Nakita kong bumukas ang pinto ni Rena at iniluwal nito ang babaeng nangangamot pa sa tiyan na gulong-gulo ang mapupulang buhok. Humihikab pa ito na tila gusto pang matulog.

Tago akong napatawa dahil sa itsura nya. Walang pakealam na pumasok sya sa banyo at duon ay lumabas ng nakapagsuklay na.

" Kanina ka pa bang gising?" tanong nya sa akin.

" Hindi naman."

" Ilang libro na ba iyang natapos mo?" Napatingin ako sa librong nakapatong sa lamesa ko.

" Hindi ko pa iyan nababasa. Hahahhaha, namimili palang ako," saad ko dito.

" Sige, diyan ka muna at magluluto lang ako." Umalis na sya at pumuntang kusina.

Sa paghahanap ko ng libro ay napansin ng mga mata ko ang isang kakaibang pabalat ng lumang aklat. Gawa ito sa balat ng hayop na may nakaukit na isang pamilyar na litrato.

Ang dyosa, kamuka nya ang dyosa. Ang kasuutan ng nakaukit na babaeng ito, ang mahahaba nyang buhok at bibig na kapansin-pansin. Ang pinagkaiba nga lang ay makikita mo ang kasiyahan dahil sa mga nagniningning nyang mga mata na walang benda. Ngunit kamuka nya talaga.

Binuklat ko ang libro ngunit ni isa ay walang nakasulat dito. Pinakatitigan ko pang maigi, itinapat ko na sa ilaw ang bawat pahina ngunit ni pinagbakatan manlang ay wala. Ano bang libro ito at nandito ang larawan ng dyosang iyon?

Lumabas si Rena na may hawak na sandok habang naka apron.

" Yana, handa na ang pagkain." Iniwan ko ang libro at tinulungan syang maghanda ng pagkain naming dalawa. Napakadami nito at ang sasarap. Buti at sya ang naging kasama ko dito, tiyak na magugutom ako kung wala sya.

Natapos na kami at bumalik muli ako sa pagsisiyasat ng librong ito. Pumunta sya sa tabi ko at nagtaka sa aking ginagawa.

" Nako, yang librong yan, sadyang wala yang laman. Di ko rin alam kung bakit, kaya wag mo nang pag-interesan pang buklatin " saad nya.

" Pwede ko kaya itong hingin kay Ginang Merna?"

" Yang librong yan? Ano bang maganda d'yan. Patingin nga!" Kinuha nya ang libro ngunit napailing nalang sya at ibinalik sa akin.

" Itanong mo muna kay Ginang Merna, pero mabait naman si Ginang Merna kaya tiyak na ibibigay yan sa iyo dahil wala namang nilalaman ang librong iyan."

Agad kong pinuntahan si Ginang Merna sa ibaba upang ipag-paalam ang libro. Ikinuwento pa nya sa akin kung paano nya nakuha ito.

Bata sya nung napasyal sila sa isang baryo na kagagaling lang sa digmaan apatnapong taon na ang tatlompo't anim na taon na ang nakakalipas. Nakita ang librong ito na nababalutan ng dugo. Ngunit nakakapagtaka dahil ni isang dugo ay wala manlang ang mga pahina at wala ring kahit na anumang nakasulat dito. Sa pagkakaalam nya ay ang tanging pinahihintulutan lang na makapagbasa nito ang syang makakakita ng mga letra.

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYWhere stories live. Discover now