(1) Prologue

258 12 0
                                    

Part I.

The image above is Kiethlyne Empyera

Kiethlyne's Pov.

Takbo ako ng takbo, gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Lalo na dahil sa mga nalaman ko.

Earlier ay masaya kaming namimigay ng mga pagkain para sa charity event ng bigla nalang akong dinukot ng pinagkakatiwalaan kong tao-- si Hannah na kaibigan ko, at nalamang magulang ko ang may pakana nito.

" Mom, Dad, bakit nyo nagawa sa akin ito?" patuloy sa pag-agus ang aking mga luha ko.

Pinalaki lang nila ako para makuha ang kapangyarihan ko.

Ngunit nasira ang mga plano nila. Dahil sa mga taong tumatawag sa aking Prinsesa ng kaharian ng Allenia-- ang misteryosong si Aquiron Fonston na kaklase ko. Si Aquiron na hindi rin nabibilang sa mundong ito.

Kaya ba wala ang mga ala-ala ko noong ako ay bata pa? Kasi hindi naman talaga sila ang mga magulang ko at iba ang aking mundo.

Naguguluhan na ako. Ang dami ko nang sekretong nalalaman.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Dahil sa kagustuhan kong makaalis sa mundong ito ay di ko namalayang nakagawa na ako ng isang lagusan papunta sa ibang daigdig.

Isang portal ang lumitaw sa harap ko. Two black and white striped tree na may makukulay na alitaptap.

Sa pagkkaamangha ay pumasok ako dito at naramdaman ang kakaibang hangin sa paligid. Pakiramdam ko ay pinapalakas ako nito.

Nasa ibang mundo na nga ba ako?

Madilim ang paligid. Tanging ang dalawang bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran at ang mga kakaibang hayop na may iba't ibang kulay ang nagliliwanag.

Ano bang mundo ito?

Naghikap-hikap pa ako at namangha sa mga nakikita. Tila ba nawala sa aking isipan ang mga nalaman at nangyari kanina.

Patuloy akong naglakad sa kakaibang kagubatan ng biglang may kumaluskos di kalayuan sa akin.

A wild boar?

Napatakbo ako dahil sa takot. Kakaibang hayop, it is so large compared to a normal wild boar sa kagubatan. Meron din itong mahahabang dalawang pangil at mapupulang mga mata.

Dito pa ata ako mamamatay. Mas gugustuhin ko nalang na kuhanin nila ang aking kapangyarihan kaysa lapain ng halimaw na ito.

Tumakbo ako hanggat kaya ko ngunit ako ay natalisod. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot, takot na baka kainin nitong nasa harapan ko.

" Please God save me," nanalangin ako at napapikit. Iminulat ko ang aking mga mata at patuloy parin sa paglapit sa akin ang halimaw na ito.

The wild boar start roaring while pointing his large mouth on me. Tumutulo ang malagkit na likidong nagmumula sa bibig nya sa aking mukha.

No, no, di pa ako mamatay dito.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at gusto ko nalang mawala ang halimaw na sa harap ko.

Nang-akma nya akong lalapain ay napasigaw ako ng pagkakalakas-lakas at bigla nalang sumabog ang mga kalamnan nya.

Wala na, patay na ang halimaw at tanging mga pirapirasong dugo at kalamnan nalang nito ang natira.

"Wha-what happened?" Nakakapagtaka, a-ako ba ang may gawa nito?

Is this the power they want Tinitingnan ko ang mga laman ay kinikilabutan na ako, feeling ko ay madudual ako sa nasaksihan.

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu