Chapter 1: Moke Alexandria Tavarious

6 1 0
                                    

Chapter 1:
Moke Alexandria Tavarious

"Students, please proceed to the Academy's Grand Hall."

Naibaba ko ang hawak hawak kong picture frame nang marinig ang announcement na iyon. Galing iyon sa hallway, sa labas ng kwarto ko. Kanina ko pa iyon hinihintay kaya naman kanina pa rin ako nakabihis.

Sa dami ba naman kasi ng layer ng damit ko ay hindi pwedeng ilang minuto bago umalis iyon suotin. I have my inner garments na strapless. Sa taas noon ay long sleeved na v-neck tulle dress na hanggang sahig at ang haba ng tulle na manggas ay halos matakluban na pati ang mga kamay ko. Ang last na layer ay belt lang. My outfit was all black.

Para akong may lamay na dadaluhan.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang itsura ko bago lumabas ng kwarto. Buti na lang at mayroong mga kawal sa labas ng bawat kwarto kaya may napagtanungan ako ng direksyon papunta sa Grand Hall.

I suddenly felt nervous nang makapasok ako sa hall. Everyone's staring at me, which slightly scared me.

Nanatili lang ako sa tabi habang inoobserbahan sila. I've only been awake for 2 months, kaya naninibago pa rin ako sa paligid ko.

Papa Damien told me that I got injured in an incident sa mortal realm a year ago and was in a state of coma after that. They even thought I wouldn't survive dahil super damaged daw ang immortal core ko which made me die for a moment.

I don't have any recollection of that incident kaya hanggang ngayon misteryo pa rin iyon sa akin. But still, it dwells inside my heart dahil sabi ni Papa Damien, that incident killed my biological father, Peter Tavarious.

For a few days ay hindi ko siya naalala. But once fragments of my memories came back, I felt guilty and started crying.

Tinanong ko si Papa Damien kung pano siya namatay, hindi rin daw niya alam. He sent someone to help us pero nabigo sila, resulting in our death.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung paano ako nabuhay ulit. But I believe that there's a reason behind it.

For Papa.

"Tavarious?"

Napalingon ako sa likod ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. My forehead creased when a guy in a bloody red silk organza robe with a maroon vest approached me.

"How...?"

Tinuro niya ang suot kong black silk organza dress na halos kagaya lang din ng kaniya pero pang babae. I also have a black embroidered vest.

"Only the Tavarious clan wears that color," aniya.

Tumango na lang ako sa kaniya at tinalikuran siya. Imbes na umalis ay tumayo lang siya sa tabi ko saka kinuha ang isang wine glass sa table na nasa harap namin.

The event was very formal. Nasa gilid ang mga pagkain at snacks. Sinadya rin na walang mga upuan dahil matataas ang table na naroon.

Is she human?

Napalingon ako sa kanya nangmarinig ko ang tanong na yon. Surely hindi siya ang nagsalita noon dahil boses babae pero walang ibang malapit sa akin kundi siya lang.

Bigla rin akong nakarinig ng matinis na tunog dahilan para sumakit ang ulo ko. Tinakpan ko ang kaliwang tenga ko hoping na mawala ang tunog pero bigo ko.

"Are you okay?" tanong ng lalaki siguro'y nakita ang ginawa ko.

Hindi ko siya sinagot. Masyadong masakit ang ulo ko para gawin yon kaya bahagya akong napaatras napaatras.

I can't sense her energy.
Is she from here?

Lalo akong nanghihina dahil sa mga boses na naririnig ko. Tumingin ako sa paligid. People are too far from me para marinig ko ang sinasabi nila.

Bigla akong nanlambot. Napakapit agad ako sa table dahilan para maalarma ang kasama ko at malaglag ang mga baso na nakapatong doon. Nahihilo na rin ako at nanlalabo ang paningin.

It hurts!

"What hurts?"

Napatingin ako sa lalaki.

"Ha?" Paano niya nalaman yun?

The lights suddenly went off dahil siguro magsisimula na ang event. I took it as a chance para makaalis.

Pagewang gewang akong maglakad dahil sa sobrang pagkahilo. Dumagdag pa ang mga nakikita kong tila bolang kristal na magkakaiba ang kulay na nakalutang lang sa paligid.


What the hell is happening?

"Hey, Tavarious!" the guy called again pero di ko siya pinakinggan.

I just wanna get out of here. Nanghihina na ako. I don't want to cause a scene tas mapunta sa akin ang atensyon ng lahat.

Medyo nakahinga ako ang maluwa nang makita ang dalawang malaking pinto na pinasukan ko kanina. I rushed towards it kahit pa pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. Para akong na-drain bigla.

Hindi pa rin nawawala ang matinis na tunog na siyang dahilan kung bakit nararamdaman ko to.

Before I could even get out, my legs already gave up. I fell down and with my blurry eyes, I saw the guy swiftly try to catch my head before it bumps into the floor.

Buti na lang.

After that, everything went black. Hindi ko na namalayan kung ilang oras akong walang malay.

Nang magising ako, it was already dark outside. Nasa loob din ako ng isang hindi pamilyar na kwarto.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I feel a lot better than earlier. Hindi na masakit ang ulo ko. Wala na rin akong naririnig na matinis na tunog. It's as if nagdahilan lang ako.

I tried to remember what happened at the opening ceremony.


"Bakit kaya ako sinama?"

Plus, what were those colorful crystal balls?

They lighted up the moment na namatay ang mga ilaw. Still, they looked pretty kahit na malabo na ang paningin ko non. Para silang may apoy sa loob.

realdeal_a

Beyond the Seals of HeavenWhere stories live. Discover now