Chapter 25

118 7 0
                                    

Pagkaupo ko sa sariling upuan kasama si Anthony ay walang akung kibo at hindi pinansin ang mga tiningin ng karamihan sa loob ng classroom kasama na ang gurong nasa harapan. At about naman roon sa paglilinis ng C.R. ay may binayaran na akung maglinis. Syempre matatagalan ako sa pag-uwi para kunwari ako talaga yung mag-lilinis.

"Ms. Amethyst Chavez! Nakikinig ka ba?",

Mabilis ako napaangat ng tingin ng marinig ang sigaw na iyon mula sa guro.

"No ma'am", mabilis at walang pagdadalawang isip na sinagot ko ang guro. Wala akung ganang makinig lalo pa't marami akung iniisip ngayon.

"What! Nasa paaralan tayo para matuto ng leksyon! At kung hindi ka nakikinig anong matutunan mo! At kapag walang kang matutunan, walang maiisagot at babagsak ka tapos kaming mga guro ang sisihin nyo kung hindi kayo papasa! Dahil hindi kayo nakapasa anong gagawin nyo sa future nyo?! Sabagay sa ganda at mukha mong yan makakahanap ka ng sugar daddy--", Bago pa makapagpatuloy sa pagsasalita ang guro ay malakas kung hinapas ang makapal na aklat sa mesa.

Umingay sa buong sulok ang hampas ko sa mesa. Natigilan ang lahat. Tumayo ako sa upuan ko at matalim na nakatitig sa guro.

"Ma'am! Kung ano man ang future ko problema ko na iyon! Pero tama naman kayo Ma'am kasi kung wala kaming matuutunan hindi kami aangat sa buhay pero nakalimutan mo ba Ma'am? Na halos lahat ng nag-aaral dito ay galing sa mayayamang pamilya. At bakit ma'am? Nagagalit ba kayo sa ganda ko kaya naman sa lahat ng mga estudyante sa classroom ay ako lang ang nakikita mong pagbuntunan ng galit mo kahit karamihan ay hindi nakikinig sa iyo",  Naglakad ako sa lalaking natutulog habang nakatalukbong ng aklat.

Hinawing ko ang aklat at nang makita ng lahat ang natutulog habang naka headphones ito. Kahit sa malakas na tunog na nilikha ko ay nanatiling tulog ito.

"Anong masasabi nyo, Ma'am?!", inis kung sabi at naglakad papunta sa guro.

"You Bitch! Get Out!", Sigaw nito habang umatras palayo sa akin.

"I remember this!", sagot ko sa sigaw nya. Mabilis kung kinuha ang bag at lumabas. Sumunod naman si Anthony sa akin.

Kahit malayo na kami sa classroom ay naroon parin ang inis ko sa guro. Dahil sa inis ko ay walang pasabing nireklamo ko sya sa dean.

"Nag text kanina si Art. Sabi nya tatlo sa shareholders ng paaralan ang pumayag na ibenta ang shares nila sa school na ito", Saad ni Anthony sa tabi ko nang makaupo kami sa upuan dito sa canteen.

"Ang isang shareholders ay hindi pumayag dahil may semental value sa kanya ang paaralang ito at ang isa naman ay alam mo na kung sino ang may hawak..", dagdag pa nito.

Nanatili akung nakatawa sa malayo habang nakikinig sa report sa akin ni Anthony. Gusto ko ng umuwi sa italy at sana matapos na lahat ng ito. Once I know the culprit dahilan para mapilitang mag-suicide ang kambal ko. Ano ba talaga ang pinagdadaanan ng kapatid ko?

"Boss..We have a big problem",  Tarantang umupo si Cedric sa gilid namin kasunod ang dalawang may gulat ring ekspresyon.

"Anong problema?", Nabigla rin ako dahil ang palabirong ugali ni Cedric ay napalitan ng pagiging seryoso.

"Boss..Your GrandFather..", utal na sabi ni Cedric.

Napatayo ako hindi dahil sa reaksyon nilang apat kundi sa binanggit nyang pangalan at sa kasunod nitong sinabi..

My Grandpa...

Is Coming....

Shit!...

***

Ako at si Anthony ang naghintay kay Grandpa sa airport. Kaba ang naramdaman ko sa muli naming pagkikita ni Grandpa. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyari kay emerald. Alam ko ang pakiramdam ng nawalan ng malaman ko ang lahat tungkol kay Emerald pero kahit anong tago ko sa nangyari kay emerald. Malalaman at malalaman ito ni Grandpa.

"Relax, It's not your Fault. Wag mong sisihin ang sarili mo. Sisihin mo ang mga taong nagtulak sa kapatid mo para gawin ang bagay na iyon", komento ni Anthony sa gilid ko.

Pero kahit anong sasabihin nya sinisi ko parin ang sarili ko. Kung sana maaga akung dumating. Sana nakasama parin namin si Emerald ngayon.

"Amethyst! My Granddaughter!", Napapitlag ako ng marinig si Grandpa.

Hindi ko namalayang nasa tagiliran ko na sya. Napatitig ako sa mukha ni Grandpa. May masaya syang ngiti at makikita ang mapagmahal bilang lolo sa kanyang apo.

"Grandpa~", garalgal ang boses ko ng tawagin ko sya. Pilit kung hindi maiyak ng magtama ang aming mga mata. "Kamusta po kayo?", sabay buntong hininga ko at inalalayan sya.

"Mabuti naman ako kahit masakit ang likod ko sa kakaupo. Matanda na talaga ang lolo nyo", iling nito habang nakatingin sa akin.

Napatawa ako at nagsimulang alalayan sya sa paglalakad palabas ng airport. Nakasunod sa amin si Anthony at ang apat rin nyang bodyguard na may mga bitbit na kunting bagahe.

"Ikaw? Kayo? Kamusta na?", Masiglang tanong ni Grandpa ng makaabot kami sa sasakyang naghihintay sa amin. Nandoon sila Cedric, Art at Yuan.

Parehong nakangiti ang tatlo bago pinagbuksan ng pinto si Grandpa. Sumakay kaming dalawa ni Grandpa sa likuran habang si Anthony ang driver kasama nya sa front seat ang isang bodyguard ni Grandpa.

Sila Yuan naman at ang iba pa ay sa pangalawang kotse. Nakasunod ang sasakyan nila sa amin.

"Amethyst apo, bakit hindi ata sumundo ang kakambal mo? Gusto ko na syang makita. Bata kapa ng huling ko syang makita pagkatapos nun ay wala na tayong balita sa kanila dahil sa walang kwenta mong ama. Hindi man lang ako pinayagang kausapin ang isa kung apo", Nang mabangit ang salitang ama ay pareho kami ni Grandpa ng mukhang di pagkagusto.

"Grandpa sa mansion nalang tayo mag-usap", mahina kung sabi. Mahina man ang pagkasabi ay alam kung narinig iyon ni Grandpa.

Tumango si Grandpa ng mahalata nya ang kakaibang paligid. Pagkarating namin sa bahay ay hinila ko si Grandpa sa kwarto nya para pahingain sya mula sa byahe ngunit tumanggi sya ng makitang kahit anino ni Emerald ay hindi nya nakita sa mansion.

"Mag-usap tayo Amethyst.. Nasaan kapatid mo? Ayaw nya ba tayong makasama kaya wala sya rito?", tanong ni Grandpa ng makaupo kami sa couch sa sala ng mansion.

Umiling ako bilang tugon sa tanong ni Grandpa. Napaiyak ako habang nakatingin kay Grandpa.

"Teka Amethyst apo. Wag kang umiyak. Nag-away ba kayo ng kapatid mo kaya wala sya dito at kung bakit ka umiiyak?",

"Hindi po, Grandpa", Iyak kasabay ng pag-iling. Gaya nga naisip kung itago ang nangyari kay Emerald pero hindi ko iyon magawa sa kay Grandpa.

"Si- Eme-rald po ay w-ala na sya!", pumiyok ang boses ko dahil sa pag-iyak ko.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Mar 20 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

The Angel is Down  The Devil will RiseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum