Chapter 18

429 28 1
                                    

Confidence akung naglakad papasok sa building ni Mr. Peterson. Tinanggal ko agad ang suot kung sunglasses at diretso akung pumunta sa front desk. Yumuko ang babaeng kaharap ko sa akin at bago pa sya makapagtanong ay naunahan ko na syang magsalita.

"I already have a meeting schedule with Mr. Peterson", tumingin ako sa relo kung suot. It's 9:30 am.

"Ikaw po ba si Ms. Amethyst Chavez?", tumango ako." Sumunod po kayo sa akin Ms. Chavez", tumango lang ulit ako at agad sumunod sa kanya.

Sumakay kami ng elevator at huminto ito sa labing isang palapag. Pagkatapos ay may isang babaeng lumapit sa akin habang naka formal dress.

"Ako po ang secretary ni Mr. Peterson. Ako yung nakausap nyo kagabi, Ms. Chavez.", saad ng babaeng sumundo sa akin sa elevator. Tumango lang ako sa kanya at sumunod ng maglakad ito. Naiwan naman sa loob ng elevator ang babaeng naghatid sa akin dito.

"This way, Ms. Chavez", binuksan nya ang pinto ng meeting room at pinaupo nya ako sa gilid ng upuang nasa gitna ng mahabang mesa. "Let's just wait for Mr. Peterson. He is coming", magalang nitong saad bago tumayo sa gilid ng swivel chair.

Mayamaya pa ay bumukas ang pintuan at nakita ko mula doon ang hindi katandaang lalaki. Nakasuot sya ng formal attire at basi sa mukha nito sigurado akung sya si Mr. Peterson.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ng makita nya ako. Sinuri nya ang buo kung kabuuhan. Pagkatapos ay hinarap nya ako.

"I am Gerald Peterson and you are Ms. Amethyst, Right", sabay lahad ng kamay nya sa akin.

"Yes, I am Amethyst", Tinanggap ko agad ang kamay nya at nakipagkamay sa kanya.

"Sit down", turo nya sa upuang inupuan ko kanina. Umupo ako at ganun rin sya. "I thought I was meeting a married woman. I never thought you were this young", saad nito. Halata sa boses nyang wala syang tiwalang makikisosyo sa akin. Tama naman sya.
Even I wouldn't do business with a kid like me but my talent when it comes to managing a company is higher than he thinks.

"I see. So? Ibig sabihin ba nun ay ayaw mong maging bahagi ng kompanya ko?", tanong ko sa kanya. Kailangan ko muna syang pahabulin bago ko ilabas ang mga alas ko.

"Yes. My company is one of the most famous here in the whole country and I don't want my fellow entrepreneurs to talk about that my company is hiring a kid. This is not a playground for a child like you", mapang-uyam nitong sabi.

Nanatili akung nakatingin sa kanya. Hindi pa nga ako nakahain sa negosyong aming pag-uusapan ay halatang pinapaalis nya na ako.

"Mr. Peterson. Anong gusto nyo mangyari ngayon? ", tumayo ako mula sa kinauupuan at tumingin sa kanya. "Hindi ko ibaba ang sarili ko sa isang pipitsuging kompanya nyo. Minsan lang makikipag sosyo ang tulad ko Mr. Petterson.", I said and waited for his reaction.

"Anong ibig mong sabihin? Ang lakas ng loob sabihin sa akin yan. Sino ka ba?!", galit nitong turan kaya hindi ko mapigilang mapangisi.

"Kung gayon magpapakilala akung muli Mr. Peterson.", ngiti kung sabi sa kanyang harapan. "I am Amethyst Chaviz. The CEO of Royal family Construction Firm.", mayabang kung saad sa kanyang pagmumukha.

"Wag mong sabihing---", naputol ang dapat nyang sabihin ng magsalita ako.

"You are right Mr. Peterson. I am the number one ranked youngest CEO in the world I am the only one and nothing else.", malakas kung pinamukha sa kanya kung sino ang taong nasa harapan nya.

"No way! Nagsisinungaling ka lang! Hindi ikaw iyon. Walang nakakilala sa tinaguriang pinakabatang CEO ng mundo.", hindi makapaniwala nitong rason sa akin. Napatingin naman ako sa sekretarya nyang nakanganga.

"What do you think? Why I don't show my face in the news, newspaper article and at any celebration OR awarding? The answer is simple Mr. Peterson and that answer is right in front of you ", I smiled as he stared at me.

Makikita ang gulat sa kanyang mata ng ibagsak ko ang isa sa mga alas ko. Yup! Ang pagkakakilanlan ko ang isa sa mga alas ko. At ang sinumang nakakaalam ng tunay kung pagkatao ay alam rin ang tunay kung abilidad pagdating sa negosyo.

Nakita kung paano napalunok si Mr.Peterson at hindi ko mapigilang matawa habang nakaturo ang hintuturo nya sa akin.

"Bingo! You're right again Mr. Peterson. You won't really know me and you won't know my real face because I'm always in disguise", nginisihan ko sya. "So? Ngayong alam mo na kung sino ako. Siguro naman mag-usap na tayo ng matino ngayon kagaya ng Isang propesyonal na negosyante.", ngumiti muli ako ng makita ang pawis nitong noo habang tumango sa akin.

*********

Malaki ang ngiti sa aking labi ng makalabas ako sa building ni Mr. Peterson at syempre napapayag ko sya. Hindi ako uuwi sa mansion kung hindi ako magtatagumpay.

Masaya akung pumasok sa dalang kotse at bago pa ako umalis sa parking lot ay nakita ko si Mond. Hindi ko mapigilang matawa ng makita ang galit nyang mukha.

Kita ang pagod sa mukha nito na para bang pinag-aralan nya ng mabuti ang kanyang takdang-aralin at alam ko kung bakit sya galit at iyon ay hindi nya nakuha ang partnership na gustong-gusto ng kompanya nila.

Bumaba akung muli sa kotse at nilapitan sya habang galit na galit nyang pinagsisipa ang gulong ng kotse. Nang makalapit na ako ay doon pa nya ako napansin.

"May maitutulong ba ako sa inyo, Sir?", tanong ko agad sa kanya. Nagkasalubong ang kilay nyang tiningnan ako. Napangisi naman ako sa aking isipan ng makita ng malapitan ang mukha nitong puno ng galit.

"Wala kang maitutulong! Umalis ka na nga!", inis nitong turan na parang susugod na sa akin.

"Ako na nga itong nagpakabait tapos ako pa yong sinisigawan. You deserve it",Muling nagkasalubong ang kanyang kilay at napakuyom sya ng kamao ng marinig ang sinabi ko.

"Anong sabi mo?! Ulitin mo nga!", humakbang sya palapit sa akin at bigla akung kinuwelyuhan.

"Ang sabi ko 'You really deserve what's happening to you right now ", sabay ngisi ko sa kanya. Humigpit agad ang kamay nyang nasa kwelyo ko habang masamang nakatingin sa akin.

"Hayop ka!", nangigil nyang saad sa akin.

"Wala nga kayong sinasanto kahit babae pa!", saad ko sa kanya at mabilis lumipad ang binti ko sa ari nya kaya naman napasigaw sya sa sakit.

Mabilis ko namang tinanggal ang kamay nyang nasa kwelyo ko at inayos ko ang damit kung nagusot nya bago sya tiningnan na hanggang ngayon ay namimilipit sa sakit.

"You bitch!", galit itong nakatingin sa akin habang namimilipit sa sakit.

"Don't touch me without my permission, especially with your dirty hands", banta ko at muling sumakay sa kotse ko at umalis sa parking lot.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now