Chapter 21

453 36 11
                                    

Matapos naming asarin si Cedric kanina ay tahimik na itong nakasunod sa amin pero kahit tahimik na ito hindi parin nagbago ang mayabang nitong porma.

"Wag nyo na akung sundan sa loob. Pumunta na kayo kung saan nyo gusto", saad ko bago nagpaalam at pumasok sa loob ng parlor.

Yup! Parlor! Dahil may ipapabago ako sa sarili ko at ang pagbabago kung ito ay may malaking parte sa paghihiganti ko.

Hindi ko mapigilang mapangisi habang naglakad papunta sa upuang nasa harap ng salamin ng parlor.

Hindi na ako makapaghintay sa gulat at takot na makikita sa kanilang mukha.

*****

Paglabas ko mula sa loob ng parlor kung saan naghihintay na ang dalawa sa akin. Nagulantang pa sila ng makita ako pero isang ngiti lang ang binigay ko bago kami nagsaya sa buong mall.

Pag-uwi namin sa bahay ay nandoon na ang dalawa. Nakaupo ang mga ito sa sala. Agad namang tumakbo si Cedric papunta sa dalawa at mayabang nyang binahagi ang nangyari sa kanya at syempre si Art ang nagsabi sa mga parteng iniiwasang banggitin ni Cedric kaya naman hindi mapigilang habulin ni Cedric si Art na kinatawa lang namin.

Dumeretso ako sa kwarto at hinayaan sila sa baba. Kailagan ko pang paghandaan ang kailangan kung gawin bukas.

Pagkatapos kung mag plano sa gagawin ko ay deretso akung pumunta sa underground para tanungin ang aming kinulong.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko syang nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata.

"Hoy! Gising!", sabay sipa ko sa kanyang paa. Nang marinig nya ang sinabi ko at minulat nito ang kanyang mga mata at ng makita ako ay agad itong napasigaw na kinangisi ko.

"Sa tingin mo bagay ba? Maganda ba ako? Sumagot ka kung hindi malilintikan ka sa akin!", sigaw ko sa kanya habang nilapit ko ng kaunti sa kanya ang mukha ko.

"Hindi! Hindi ikaw si Emerald!Lumayo ka sa akin!", nahihintakutan nitong sigaw.

"Hindi naman talaga ako si Emerald dahil ako si Amethyst! At sinasabi ko sayo wag mong banggitin ang pangalan nya sa marurumi mong bibig!", sabay sampal ko sa kanyang bibig.

"You!! Sa tingin mo ang ginagawa mong ito ay hindi labag sa batas?!", sigaw nya na may galit.

"Ito naman ba ang pag-uusapan natin? Paulit-ulit O talagang bobo ka. Sa tingin mo makakalabas ka ng buhay dito?!", Binato ko sa pagmumukha nya ang larawan at nang makita nya ito ay nanginginig syang tumingin sa akin.

"Pareho lang tayong mga teenager But masyadong childish ang ginagawa nyo! Ang baba ng mga pag-iisip nyo! Kaya naman Mister kung pagbabantaan mo ako sana naman siguradong kakayanin mo ang conscience.", mahina kung paliwanag habang nakatingin rito.

"Conscience?! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo! Ikaw man si Emerald O hindi! Wala na akung pakialam! Ang gusto ko lang ay papatayin kita Oras na saktan mo sila!", banta nito habang mahigpit nyang hinawakan ang litrato ng anak nya kasama ang kanyang ina.

"Hinahamon mo talaga ako!", kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at may tinawagan. Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya.

"Hello, Amethyst..Long time no see..Kamusta?", masayang sabi ng nasa kabilang linya.

"I'm fine but pwede bang humingi ng favor sayo.", sagot ko kaagad.

"Anong sinasabi mong favor. Hindi mo na kailangang humingi ng favor sa akin dahil sa totoo lang sa ating dalawa ikaw lang yung tumulong sa akin para lumago ang negosyo ko.", masaya nitong sabi. "Teka-Ano palang kailangan mo? Gagawin ko kaagad sa makakaya ko",

"May ipapadala akung information sayo and in 3 days dapat ibalita sa buong bansa ang pagkawasak nito",

"Wow! I can't believe someone had the guts to be angry with you and remember you still gave three days notice. I can't wait to find out the unlucky person you're going to destroy", nito bago pinatay ang tawag.

Napatitig muna ako sa screen ng cellphone bago ko nilipat ang tingin ko sa kaharap. Ngumisi ako ng malademonyo sa kanya.

"Let's see how you can handle it. I am kind to people who are also kind to me. I feel indebted to the people I owe But I am cruel if I take revenge. You know what I need from you. You have two days to give your answer. The fate of your company and the life of your child are in your hands", babala ko bago ako tumalikod sa kanya.

Naglakad ako palabas ng underground habang may seryosong mukha. Deretso akung pumasok sa aking kwarto at nagbihis para ngayong gabi.

Nakasuot ako ng sleeveless fitted black dress. 4 inches red heels. Then silver accessories. Pagkatapos kung maglagay ng kunting make-up at pabango ay kinuha ko na ang pouch ko at bumaba ng hagdan.

"Saan ang lakad natin, Boss?", tanong ni Yuan ng makita akung nakaayos.

"Bar.Walang susunod sa akin. Kaya ko ang sarili ko", mahina kung sabi.

Nakita ko ang pagtango ni Yuan at nagpatuloy sa panonood. Naramdaman siguro nitong wala ako sa kondisyong makipagbiruan.

Sumakay ako ng Lamborghini at mabilis ko itong minaneho palabas ng compound.

.......

Pinarada ko sa garahe ang Lamborghini habang nakatingin sa entrance ng bar. Hindi ako lumabas ng kotse at naghintay sa loob habang hinihintay ang taong hinahanap ko.

"Nandito na sila", mahina kung saad at tiningnan ang relo kung suot. Napatango ako ng makitang lumabas na sila sa sinasakyan nilang kotse.

Pagpasok nila sa entrance ng bar ay agad akung sumunod sa kanila. Maingay ang loob ng bar na pinaghalong music at tawanan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hindi inaalis ang paningin sa kanila. Pumasok sila sa isa sa private room sa pangalawang palapag.

Agad akung umakyat sa pangalawang palapag at bago pa nila maisarado ang pinto ay hinarangan ko na ito ng aking mga paa.

Nakita kung paano sya nagulat ng makita ang binti ko sa pinto. Mula sa paa kung nakaharang ay unti-unting pumaitaas ang tingin nito hanggang sa makita niya ang mukha ko.

Kalmado akung ngumiti dito habang masaya kung tinitingnan ng mabuti ang bawat reaksyon nito.

"Darius! Ano pa bang ginagawa mo dyan?",

"Hahaha..Tingnan mo nga ang gagong ito, nanigas pa sa kinatayuan nya..",

"Wag kang mag-tatangkang tumakas, Darius! Nangako kang ikaw ang magbabayad ngayon", banta pa ng isa.

Narinig ko ang tawanan at ang pagtawag nila sa namumutlang si Darius sa harap ko. Hindi nila ako nakita ng mga kasama nya dahil sa bukod na hindi kalakihan ang nakabukas na pinto ay nahaharangan pa ito ni Darius.

Lumingon si Darius sa mga kasama nyang nakaupo sa loob. Nagtawanan pa ito ng  makita ang mukha nyang namumutla.

"Si-Si E-Emerald", nanginginig ang labi nitong sambit.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now