Chapter 16

446 32 0
                                    


It's Saturday kaya walang pasok at sa Monday mag-sisimula ang punishment ko. 3 days suspension at 1 week mag lilinis sa CR. Mabuti nalang talaga sa palikuran ng mga babae lang ako pinalinis.

At dahil Saturday ngayon, hinayaan ko ang sarili kung matulog at hindi gumising ng maaga. 9:00 AM na akung gumising kung hindi pa siguro ako nakaramdam ng gutom hindi pa ako tatayo mula sa pagkakahiga sa kama.

Pagkatapos kung maglinis sa katawan ko ay simpleng damit lang sinuot ko. Big shirt na pinaresan ko ng white short. Hinayaan ko lang na matabunan ng malaking damit ang short na suot ko.

Bumaba na ako matapos mag-ayos. Nakita ko si Art at Anthony sa couch. Seryoso ang mga mukha habang naglalaro ng Chess. Hindi ko na sila pinakailaman.

Hinanap ko naman sila Cedric at Yuan. Nakita ko naman sa labas si Yuan. May kausap sa sariling cellphone. May pangiti ngiti pa ito habang nakatingin sa screen ng Cellphone nya. Baka tumawag girlfriend nya kasi ang ganda ng mga ngiti.

Hinayaan ko narin si Yuan sa labas. Hinanap ko naman ang pinakakulit sa lahat si Cedric. Hindi ko sya makita sa labas. Wala rin sa sala. Saan kaya yun?

Napakamot nalang ako sa ulo bago nagtungo sa kusina. Pagpasok ko palang sa kusina ay agad nagsalubong ang kilay ko ng makita si Cedric doon. Nakatingin narin ito sa akin habang nabitin sa ere ang kamay nyang may hawak na hotdog.

Lumapit ako sa mesa at nakitang papaubos na ang almusal. Isang hotdog nalang ang natira. Inubos nya na ang friend rice, friend egg at bacon.

"Ang takaw mo talaga", saad ko at tiningnan sya habang sinusubo ang hotdog nasa kamay nya. Pagkatapos nyang kainin iyon ay agad kaming nagkatinginan at sabay napatingin sa isang hotdog na naiwan sa plato.

Nagkatinginan kami muli at ilang segundo lang ay naging mabilis ang aming kilos. Nahawakan ko ang plato at ganun rin sya. Pareho kaming nakahawak sa magkabilaang plato. Hinila nya ito papunta sa kanya kaya hinila ko rin ito pabalik sa akin. Naghilaan kami ng platong may hatdog.

"Boss, Akin nalang to! Magluto ka nalang", sabi nito at tumayo narin sa kinauupuan.

"No way! Gutom na ako, Cedric kaya hindi ko ibibigay ang isang pirasong to", sagot ko rin at muling hinila palapit sa akin ang plato.

Nagkainitan na kami sa isang pirasong hotdog. Walang gustong bumitaw O magpaubaya sa amin.

"Bitaw!", malakas kong sabi sa kanya.

"Ayaw!", sagot rin nya.

"Bitiwan mo na kasi! That's an order!",

"Hindi mo ako mauutusan ngayon, Boss. Pagkain ang pinag-uusapan natin dito",

Kung kanina nasa lamesa pa ang plato habang hilahila naming dalawa. Ngayon, umabot nasa ere ang hilahan namin ng plato.

Dahil sa hilahan namin sa plato ay tumilapon ang isang pirasong hotdog sa ere papunta sa kabilang side ng table kaya mabilis at magkasabay naming hinagis ang plato padausdos sa mesa kaya nasalo ang isang piraso ng hotdog.

Nagkatinginan kaming muli ni Cedric at mabilis ang hakbang at gaya rin kanina ay muli kaming naghilahan.

Nagkatinginan kami habang ang isa naming kamay nakahawak parin sa plato. Mahigpit ang pagkahawak namin sa plato at dahil nakatingin ako sa kanya ay ginawa nya iyong advantage at malakas na hinila ang plato.

Nabitawan ko ang plato. Napangiti si Cedric dahil akala nya na mananalo sya kaya lang ginamit ko ang isang binti ko at inabot ang dalawang kutsilyo mula sa lalagyan nito. Lumipad ang mga kutsilyong panghiwa sa ere. Mabilis kung sinalo ito at bago pa makuha ni Cedric ang hotdog ay mabilis  kung binato sa kamay nyang nakahawak sa plato ang kutsilyo.

Agad umurong ang dalawa nyang kamay palayo sa plato at tumusok naman ang kutsilyong binato ko sa lamesa.

Third Person POV

Nakataas ang kamay ni Cedric sa ere habang ang mga mata nya ay nakatingin sa kutsilyong nakatusok sa mesa. Ilang segundo ang lumipas bago magkasabay muli ang kilos nilang dalawa.

Mabilis ang kamay ni Amethyst sa pagbato ng kutsilyo kay Cedric habang si Cedric naman mabilis rin ang kamay na kinuha ang kutsilyong nakatusok sa mesa.

Sinangga ni Cedric gamit ang kutsilyong hawak ang tatlong kutsilyong binato sa kanya ng dalaga. Nagliparan ang tatlong kutsilyo sa iba't-ibang direksyon.

Napatingin si Cedric kay Amethyst na ngayo'y ang mga prutas sa tray nakalagay sa gitna ng mesa ang pinagbabato na sa kanya. Iniwasan ni Cedric ang iba at ang iba ay hiniwa nya.

Matapos maubos ang prutas na binato ni Amethyst  ay muli na namang kutsilyo ang binato nito. Gaya parin kanina ay pinagsasangga ito ni Cedric. Nagliliparan na kung saan-saan ang mga kutsilyo.

"Dios ko!", tili ni Manang Delia na kakapasok lang. Nabigla sya sa nakitang away ng dalawa. Mabilis nakabalik ang matandang katulong sa kanyang dinaanan. Para na itong aatakihin sa puso ng makita ang nagliliparang kutsilyo.

Dahil sa malakas na tili ni Manang Delia ay naalerto narin sina Anthony,Yuan at Art sa pag-aakalang pinasok sila. Mabilis ang mga paa nilang pumunta sa kusina. Nakita nila si Manang Delia na nakahawak sa may bandang dibdib nya.

"Anong nangyayari manang?", tanong ni Yuan pero tinuro lang ng katulong ang loob ng kusina. Agad humakbang papasok silang tatlo at napabuntong hininga sa nakita habang iniiwasan ang mga kutsilyong papunta rin sa kanila.

"Itigil nyo nayan mga baliw!", sigaw ni Art kaya napatingin sa kanya ang dalawa. Napatigil ang pagbato ni Amethyst ng kutsilyo. Ngayon lang napansin ng dalawa ang nangyari sa paligid.

"Ano bang pinag-aawayan nyo?", tanong ni Yuan.

"Hotdog!", sabay na sabi ng dalawa at tinuro ng sabay ang isang pirasong hotdog sa platong nakapatong sa mesa.

"Ano?! Iyan lang pinag-aawayan nyo?!", napapasigaw na tanong ni Yuan.

"E ikaw kaya ang nagugutom?!", sigaw rin sa kanya pabalik ng dalawa.

"Pwede naman kayong magluto. Nag-aaway pa kayo na parang nasa Life and Death situation kayo.", advice ni Anthony sa kanilang dalawa.

"Iyan nga ang sabi ko kay Boss kaya lang nagugutom na kami", wika ni Cedric.

"Sana sinabi nyong naubos na ang pagkaing niluto ni Manang Delia. Wag na kayong mag-away ako na magluluto", presenta ni Art pero bago pa sya tumalikod para magluto ay sinabihan nya munang maglinis ang dalawa sa ginawa nilang kalat.

Ayaw sana syang sundin nito pero tinakot sila ni Art na hindi sya magluluto hanggang hindi maglilinis ang dalawa kaya walang nagawa ang dalawa kundi ligpitin ang kalat nila.


The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now