Chapter 9

533 33 0
                                    


Dumeretso ako sa office ko dito sa mansion ng makauwi kami. Pagod ako sa maghapon naming klase lalo pa't nakita ko ang mga pesteng mga mukha na iyon. Agad kung tinignan ang cellphone ko ng makatanggap ako ng video mula kay Yuan.

Umupo agad ako sa swivel chair ko at binuksan ang video. Nanginig ang kamay ko ng mabasa ang text ni Yuan kung tungkol saan ang video. Ito yung sex video ng kakambal ko at ng boyfriend nitong si Enzo.

Binuksan ko ang video. Kitang-kita sa video na pumasok sil sa isang hotel room pagkatapos doon na nagsimulang halikan ni Enzo si Emerald.

"Babe, Hindi ko kaya.", pagpigil ni Emerald ng aakma syang halikan ni Enzo sa pangalawang beses.

"Babe naman, napag-usapan na natin to diba? Pumayag kana diba?", malambing nitong pahayag kay Emerald at hahalikan na sana nya ang kakambal ko ng umiwas muli si Emerald.

"Pasensya na babe pero talagang hindi ko kaya", sabay upo nito sa kama kaharap si Enzo.

"Babe! Sabihin mo nga sa akin, MAHAL MO BA AKO?", tumaas ang boses ni Enzo.

"Babe, Mahal kita", tumayo si Emerald at aakmang hawakan ang kamay ni Enzo ng mabilis itong tumalikod sa kanya.

"Kung mahal mo talaga ako, Emerald. Ibigay mo sa akin ang hinihingi ko", nakatalikod parin ito kay Emerald. Niyakap ng kakambal ko si Enzo.

"Mahal na Mahal kita, Babe pero masyado pa tayong bata para sa bagay na ito", tugon naman ni Emerald.

Nakita kung tinanggal ni Enzo ang mga braso ni Emerald na nakayakap sa kanya.

"Ibig sabihin lang nyan ay hindi mo talaga ako mahal", inis na turan ni Enzo sa kapatid ko. "Kung hindi mo kayang ibigay ang hinihingi ko mas mabuti pang maghiwalay na tayo", pahayag nito.

"Babe, Wag naman ganyan", naiiyak na ang kakambal ko sa video at hinarangan si Enzo sa pag-alis nito.

"Umalis ka sa daan ko, Emerald. Naghiwalay na tayo. Wala ng namamagitan sa atin.", deklarasyon ni Enzo.

"Sige. Pap-payag na ako sa gusto mo. Ibibigay ko na ang hinihingi mo basta wag mo lang akung iwan",

Agad umagos ang luha ko ng makita ang paghalik ni Enzo sa kakambal ko. Nakita ko ang isang butil ng luha mula sa mata ni Emerald ng sinimulang tanggalin ni Enzo ang suot nyang damit. Gusto kung sumigaw na wag ituloy ng kambal ko ang gagawin. Gustong-gusto kung pumasok sa loob ng video para hilahin si Emerald palayo sa lugar na iyon.

Napahawak ako sa mesa habang lumuluha at habang walang habas na binababoy sya ni Enzo. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Emerald habang hinahayaan ang sariling galawin sya ni Enzo. Kitang-kita sa pinapanood kung video ang hubad na katawan ni Emerald.

Emerald!!!!

Hindi ko tinapos ang video at mabilis na binura ito sa cellphone ko. Tahimik akung umiiyak sa loob ng opisina ko. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil sa naramdamang sakit sa nakita. Paano? Paano to nangyari? Bakit? Bakit wala ako doon para ilayo ka sa kanila? Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil huli ang pagdating ko. Kung sana inagahan ko ang pag-uwi, sana nandito pa ang kapatid ko. Buhay at nakangiti kasama ko. Ang bobo ko rin kasi hindi man lang ako naghanap ng paraan, hindi man lang ako nag-iisip. Sana man lang naitanong ko sa kanya kung 'okay lang ba sya?' Pero wala ako sa tabi nya noong kailangan nya ako. Wala akung kwentang kakambal nya!. Niiyak kung sinisi ang sarili ko.

Sa simpleng video na iyon. Nakita ko ang pag-uugali nito. Isa lamang syang simpleng babae na may malambot na puso. Ibang-iba sa ugali kung palaban at mapagmalaki . Mapait akung napangiti bago ako lumabas ng opisina at nagtungo sa kwarto ko at pinagpatuloy ang pag-iyak doon habang nakayakap sa unan.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now