Chapter 17

437 27 0
                                    

Naka-upo ako sa swivel chair habang tinitingnan ang files ng mga stockholders/ Shareholders, mga Investor at mga Partnership ng company nila. Nasa limang stockholders or shareholders ang laman ng files lalong lalo na ang gusto nilang ma meet at maging partnership nila sa kanilang company. Pinag-aralan ko ng mabuti ang information ng bawat-isa sa kanila para madali ko silang mapapayag.

Hindi lang simpleng information ang makikita sa files kundi pati ang mga secreto nila at mga personal issues. Hindi nga ako nagkamaling kunin si Detective Fred kahit isa syang detective at hindi imbestigador ay nakuha nya parin ang mga importanteng bagay na gusto ko tungkol sa mga ito.

Humikab ako habang nakatingin sa isang files. Agad kung kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang number ng opisina ng taong gusto kung unahin.

"Hello.. This is the office of Mr. Peterson. Who are they?", saad nito sa kabilang linya.

"I am Amethyest Chavez", sagot ko naman.

"Ms. Chavez..  Anong maitutulong ko?", mabilis rin nyang tanong pabalik sa akin.

"Can I have a meeting tomorrow with Mr. Peterson?", pinag-cross ko ang binti ko habang nakahilig ang ulo ko sa swivel chair na inuupuan ko.

"Tamang-tama po at wala syang ibang meeting bukas kaya pwede nyong puntahan si Mr. Peterson bukas ng 10:00 o'clock. Nagawa ko na pong mailagay ang schedule nyo para bukas", sagot ng kausap ko.

"Okay..Thanks", hinintay ko muna ang pasasalamat nito bago ko pinatay ang tawag.

"Sa wakas masisimulan ko na bukas ang unti-unti nyong pagbagsak kaya naman maghanda kayo pamilyang Greyson", saad ko sa aking sarili at hindi ko mapigilang mapangisi.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinag-iisipan ang hakbang ko bukas. Kailangan kung mapapayag si Mr. Peterson bukas na sa akin sya makikipagsosyo.

Nanatili ako ng ilang oras sa opisina ko bago ako lumabas. Napahikab akong muli kaya nagpasyahan kung matulog ng maaga dahil gagawin ko bukas ang planong nabuo sa utak ko. Oras na para kumilos.

It was '7:00 am' when I woke up. After I washed, I went downstairs.

Nakita ko sila Anthony sa sala. Nakasuot na sila ng kanilang uniform. Handang-handa na sila sa pagpasok. Ayaw sana nilang pumasok ngayon dahil sasamahan daw nila ako sa gagawin ko pero hindi ako pumayag. Dapat may mga mata ako sa loob ng school habang wala ako ng tatlong araw doon. Ngayon na kasi magsisimula ang 3 days suspension ko.

"Sana pala nakibugbog narin ako kay Ruby para magkasama tayo ngayon boss", Natawa naman ako sa sinabi ni Cedric kahit kaylan talaga to galing magpatawa.

"We can beat her boyfriend Enz ", suggestion rin ni Art.

"Oo nga no..Hindi na masama ang naiisip mo", sang-ayon agad ni Cedric.

"Hoy! Kayong dalawa wag kayong gagawa ng pagkakamali dahil baka kayo ang mabugbog ko", paalala ko.

"Sorry, boss pero alam mo boss dapat talaga sinama mo kaming bugbugin si Ruby", Napatampal ako sa noo ko dahil sa kay Cedric. Kung ano nalang ang naiisip. Hindi ko na talaga alam kung anong role ko. Minsan kasi maging boss nila ako, pwede ring maging ina nila at syempre pwedeng utusan nila sadyang ganito lang talaga kami. Sobrang close namin sa isa't- isa.

"Tama na nga yan. Mag Almusal na tayo",

Pagkatapos naming mag-almusal ay naghanda na sila para umalis. Sumakay na sila sa kotse nila.

"Boss?", tawag pansin sa akin ni Cedric. Nakalabas ang ulo nya sa nakabukas na bintana ng kotse. Lumapit naman ako doon sa kanya.

"Ano?", tanong ko kaagad.

"Dapat talaga sinama mo kami para bugbugin si Ruby", Muli akung napatampal ng noo. Pigilan nyo ako baka mabugbog ko to. "O sige boss. Aalis na kami. Sana sa susunod marunong kanang tumawag ng back up", nag wave sya ng kamay at ganun rin ako. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala ang kotseng sinasakyan nila sa aking paningin.

After they got out of the gate, I went back inside so that I could prepare

Nag muni-muni muna ako sa terrace bago nagtungo sa shower. Matapos kung maligo sa maligamgam na tubig ng shower pagkalabas ko ay nakasuot na ako ng bathrobe habang may towel sa ulo ko. Agad akung nagpunta sa walk in closet ko at pumili sa mga nakahilerang business attire.

I can't think of a style to wear so I just took the white business attire pants and not the skirt. I wore that and also put on thin make-up. And I also put on a black contact lense. I also wore a shoulder up white wig with bangs. Then I also sprayed a little perfume. I went back to the walk in closet and chose a white sandal with four inch heels.

Pagkatapos kung mag-ayos ay nagsuot naman ako ng black sunglasses at bumaba habang bitbit ko ang mamahaling kung bag.

Pero bago pa ako makapunta sa kotseng nakahanda sa akin ay biglang umilaw ang suot kung relo.

Tsk!

Nilagay ko sa loob ng kotse ang bag ko bago nagtungo sa bakanteng lote. Pagkapasok ko doon ay nakasalubong ko ang lalaking kinulong ko doon. Nakataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Paano kaya nakatakas ang lukong to?

Nang makita nya ako ay agad syang sumugod sa akin. Determinado ang pagmumukha nyang pabagsakin ako. Pero bago pa sya makahawak sa akin ay mabilis ko syang sinipa sa mukha. Napaluhod sya agad doon. Mabilis ko agad syang binigyan ng isa pang sipa sa mukha kaya napahiga sya.

Naglakad ako papunta sa kanyang gilid at walang pagdadalawang isip na tapakan ang sugat nya sa kanyang binti. Napasigaw sya sa sakit doon. Mas lalo ko pang diniinan ang takong kung nakatapak sa sugat na binaril ko. Huminto ako at umupo pagkatapos ay hinawakan ang buhok nya at bumulong.

"Kung ako sayo, magpakabait ka para naman maawa ako. Wag kanang magmatigas kung ayaw mong masaktan.", Hinawakan ko ang buhok nya ng mahigpit at walang awang inuntog ito sa pader.

Hindi na sya nakasigaw dahil agad syang nawalan ng malay. Lumapaypay ang katawan nya habang umaagos ang dugo sa ulo nya sa parteng inuntog ko.

Hinila ko sya gamit parin ang buhok nyang hawak ko. Binalik ko sya kung saan sya kinulong. Pagkatapos, ay hiniga ko sya sa kama at tinali ang buo nyang katawan doon ng kadena.

Tiningnan ko rin ang mga kadenang tinali ko sa kanya at napatingin muli sa kanya ng malaman kung paano nya tinanggal ang mga kadena. Ginamit nya ang tinidor para buksan ang lock ng kadenang tinali ko.

Ginamot ko ng paunang lunas ang sugat nya sa ulo. Tumigil na ito sa kadudugo kaya naman pwede ko na syang iwan. Hindi ko muna pakakainin ang lalaking ito ngayong araw bilang kaparusahan nya. Kailangan nyang isaksak sa isipan nyang nasa teritoryo sya ng kalaban.

Pagkatapos kung masiguradong hindi na sya makakatakas ay umalis na ako para naman asikasuhin ang makakaharap ko.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now