Chapter 12

493 35 1
                                    

Kasunod ng pagkalabit ko sa gatilyo ay ang pagsigaw nito. Pinatamaan ko sya sa hita. Natumba sya habang nakahawak sa hita nyang dumudugo. Mabilis ko syang pinuntahan at sinipa sa panga dahilan para mawalan sya ng malay.

Nilingon ko ang paligid at makitang walang tao. Wala ring CCTV camera kung nasaan kami. Mabilis kung kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Art.

"Hello boss", bungad nito sa kabilang linya.

"Puntahan mo ako dito", diretso kung saad.

"Nasaan ka, boss?", tanong nito.

"I text ko ang address", pinatay ko agad ang tawag. Agad kung sinabi sa text ang lugar kung nasaan ako.

Maya-maya pa ay nakarating na sya at nagulat sa nakita. "Dalhin mo", utos ko kaya binuhat nya ito.

Ang dugo namang naiwan ay tinakpan ko ng lupa at mga damo. Wala nang makakapansin na may dugo ang lugar na ito.

Agad akung sumunod kay Art papalabas. Paglabas namin ay agad sinakay ni Art ang lalaki sa kotse nyang dala. Ako naman ay nagtungo sa sports car ko at sumunod kay Art.

Mabilis kung nilabas ang kamay ko sa bintana at sumenyas kay Art na ihinto nya ang kotse. Huminto sya at huminto rin ako sa tapat ng bakanteng lote.

"Kunin mo sya", utos ko dito na agad nya namang sinunod.

Binuksan ko ang underground kung saan doon ko ikukulong ang lalaking ito. Sumakay ako muli sa sports car at nilingon si Art na ngayo'y nakanganga habang nakatingin sa underground.

"Sumunod ka sa akin", tumango-tango ito habang hindi parin nakakabawi mula sa pagkagulat. Kami lang ni Grandpa ang nakakaalam ng lugar na ito kaya hindi na ako magugulat sa reaksyon ng mga ito.

Sumunod ang kotse ni Art sa akin kasama ang lalaking hanggang ngayon ay wala paring malay. Ibinalik ko sa dating pwesto ang sport car ko bago ko pinasunod si Art sa akin habang nasa balikat nya na ang lalaki.

Binuksan ko ang isang kwarto. Walang ibang gamit ang makikita sa kwartong ito maliban sa isang komportableng higaan.  Binaba naman ni Art ang lalaki sa sahig ng kwarto.

"Tawagin mo si Anthony at si Cedric. Papuntahin mo sila sa bakanteng lote at wag mong sasabihin na kahit kanino ang lugar na ito.", agad yumuko si Art sa akin bago lumabas ng underground.

Tiningnan ko muli ang lalaki bago ko hinila ito sa may gilid. Pinaupo ko sya bago kumuha ng kadina at kinadena ang kamay nya at paa.

Pumunta naman ako sa isang kwarto. Mas malaki at maluwang ito sa pinaglagyan ko sa lalaki dahil ang kwartong ito ay isang monitor room. Makikita mo sa isang malaking screen ang loob ng mansion at labas. Sa mga maliit namang screen ay makikita ang bakanteng lote at lugar na may isang kilometero ang layo sa mansion.

Ang lahat ng nandito sa underground ay nakahanda para sa mga gagawin kung paghihiganti. Tumunog ang alarm sa screen at nakita kung nasa bakanteng lote na ang dalawa.

Pinindot ko ang button at bumukas ang tarangkahan nito. Nagulat pa silang dalawa at walang pagdadalawang isip na pumasok. Lumabas ako ng monitor room at hinintay sila.

"Boss!", magkasabay na sabi nila dahil sa gulat ng makita ako. Inayos ko muna ang tela na takip sa ginamit kung sports car.

"Grabe! Ang ganda dito ah!", rinig kung sabi ni Cedric.

"Tingnan mo to bro", kaway ni Anthony at lumapit sa isang malaking salaming kahon na may mga armas.

"Weewww! Ang ganda ng mga motor", parang mga tangang sabi nila habang sinusuri ang motor na ginamit ko noong nakaraang araw.

"Sayo ba to, boss?", namamanghang ani ni Anthony.

"Yup and Anthony at Cedric may iutos ako sa inyo", sumunod naman sila sa akin ng maglakad ako patungo sa kwartong kinalagyan ng lalaki.
"Gamutin nyo muna sya", binuksan ko ang pinto at gaya ng reaksyon ni Art kanina ay ganun rin sa dalawa.

"Boss? Sino sya? Wag mong sabihing sya ang lalaking napupusuan mo", pahayag ni Cedric kaya binatukan ko sya.

"Baliw!", sigaw ko sa kanya.

Napapakamot ng ulo si Cedric at lumapit sa lalaki. Nanlaki muli ang mata ni Cedric ng makalapit sa lalaki. Dahan-dahan syang lumingon sa akin habang nanlaki parin ang mga mata nya. Hinanda naman ni Anthony ang gamit na gagamitin para gamutin ang lalaki.

"Boss?! Ano to?! Kinidnap mo sya?! ", gulat nyang tanong sa akin habang si Anthony naman ay nagsimulang magsuot ng puting gloves. "Boss maawa ka naman sa lalaking to. Pakawalan mo na sya boss. Maawa ka sa pamilyang naiwan nya. Paano kung hinahanap na sya ng mga anak nya? Paano kung nagugutom na ang sanggol na niluwal nya? Boss, alam kung wala kang boyfriend pero sana man lang naghanap ka ng lalaking walang asawa.", madrama nitong sabi at may paiyak pang nalalaman.

"Hindi ko sya gusto! Baliw ka!", sigaw ko pero ang gago ay hindi naniniwalang tumingin sa akin na may kasama pang pag-iling.

"Hindi ako makapaniwalang kinidnap mo sya at ----", hindi na natapos ang drama ni Cedric ng hinalahin sya ni Anthony paupo pero dahil nabigla si Cedric kaya ang kinalabasan ay nasubsob ang mukha ni Cedric sa hinaharap ng lalaki dahilan para magising ito at mapaungol.

Napasapo ako sa aking noo habang nagpipigil ng tawa. Si Anthony naman ay napataas ng dalawang kamay sa ere at pinipigilan ring tumawa habang si Cedric ay tiningnan ng masama si Anthony bago nya nilipat ang tingin sa lalaki.

Nagkatinginan sila ng matagal kaya mabilis kung pinindot ang romance music sa cellphone kung dala. Mabilis namang nag-iwasan ng tingin ang dalawa na para bang magkasintahan silang may tampuhan.

Napatawa naman kami ni Anthony sa kanila ng mamula ang mukha nila dahil sa kahihiyang nangyari sa kanila.

"Tama na yan. Simulan nyo ng gamutin sya baka mamatay pa ang boyfriend ni Cedric", asar ko kay Cedric.

"No way! I have a beautiful girlfriend", tikhim nito at makikita ang pagmamahal nito sa girlfriend.

"Okay..Simulan na natin", sabay labas ni Anthony ng syringe. Pinitik nya ito ng mahina bago tinurok malapit sa hita ng lalaki na may sugat.

"Anong gagawin nyo?!", natatakot namang ani ng lalaki at pilit kumakawala. Sinusubukan naman syang igapos ni Cedric pero patuloy parin ito sa paggalaw kaya mabilis akung lumapit dito at pinisil ang pressure point nito sa gilid ng leeg nya. Matapos ko iyong pisilin ay nawalan agad ito ng malay.

Kailangan ko ang lalaking ito para malaman kung ano pa ang nangyari sa kakambal ko.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now