CHAPTER 1 | First Agenda

54 8 13
                                    

A pair of failures.

They are a nothing but a bunch of useless creatures who just happened to have a divine parent. They don't even deserve being called demigods! It was foolish of me to think they are something. It is true that compared to mortals, we are faster, stronger, and have unique ability. But in the end they just proved to me that they are no more than sheltered and self-centered pricks who think they are special because they are partly divine.

Seriously, what did I get myself into?!

Napahilot ako ng mariin sa ulo ko. Dalawa lang ang departamento ng Mythos Agency at ang buong akala ko ay magandang ideya na sumali sa departamentong ito para mabilis na malaman ang sagot sa mga tanong na bumabaha sa isipan ko. Wala akong balak magtagal sa ahensyang iyon. Hindi ko p'wedeng iwan lang sila Makisig dito.

Nagpasya akong subukan ang mga kakayahan nila nang bigla silang dumating dito sa kagubatan ngunit hindi ko inaasahan na mahaharap ako sa kasuklam-suklam na katotohanan.

I didn't even need to use any of my ability to take them down. I expected them to be at least above average.

Malakas akong napabuntong hininga nang muling natapilok sa sarili niyang paa si Linda, anak ni Linti na bise ni Gugurang, isang diyos sa pang ibabang mundo. Kapansin pansin ang hanggang balikat na kulay-pilak niyang buhok at ang maputla niyang balat. Unang tingin mo palang sa kanya ay alam mo na na may kakaiba sa kanya.

Galing siya sa isang kahanga-hangang angkan pero paano siya naging ganito kahina at lampa? Hindi, hindi lang siya ang problema. Itinuon ko ang aking atensyon sa kasama niyang singkit ang kulay rosas na mata. Maghahalo ang balat sa tinalupan kung may isang desastres man kaming makakaharap sa kondisyon nila ngayon.

Napaka init ng sinag ng araw at mas pinapainit pa ng dalawang 'to ang ulo ko.

They are all descended from powerful gods and goddesses from a mortal, but they are more fragile than humans in general. Am I seriously stuck with some leftover outcast demigods who can't even defend themselves?

''How can each one of you be this bad?!" I couldn't help but complain. "Anak ba talaga kayo ng mga diyos sa mortal?"

"Okay, first of all we are in the Department of Mythologies Investigation and Interrogations." Hinagis ni Dali ang palaso sa derekyon ko na hindi man lang umabot sa kinatatayuan ko. "We defend, not attack, michinnyeon-a!"

She said her name was Dali, well it is pretty obvious. Instead of using I she always refers to herself with her name. Her thick accent shows that she is not of the pure lineage of Maharlika. Annoying. I most especially hate people like her.

Hindi lang iyan, siya ang pinaka malala sa kanilang dalawa at nakakairitang demigod na nakilala ko. Puros reklamo lang ang alam na gawin at kaartehan lang ata ang laman ng katawan niya. Unang pagkikita palang namin pero kabisadong kabisado ko na ang tipo niya.

"Mag-iimbestiga tayo, sa tingin mo ba ay madali lang 'yon? Ang pag-iimbestiga sa mga Levianis ay katumbas na ang isa nating paa ay na sa libingan na," gigil na sermon ko sa kanila. "Kung hindi niyo man lang magawang depensahan ang sarili niyo ay bakit pa kayo sumali rito?! Hindi ito laro! At bakit ba kayo andito?!"

"Fighting and raiding is for the Mythical Heritage Alliance Force." Umirap si Dali bago inalalayan patayo ang kasama. "Kung gusto mo palang makipaglaban, dapat iyon ang pinili mo."

Yeah, I should've done that but I hate that they are working for the mortals. Tsk, I am not joining Mythos Agency to protect them, but to destroy them.

"Hindi naman kasi namin akalaing aatakehin mo kami. Gusto ka lang namin i-escort papuntang Mythos Agency dahil naisip namin na mas mabuting makilala na namin nang personal ang magiging bagong Captain namin," mahinang paliwanag ni Linda.

Paradox of ChasmWhere stories live. Discover now