PROLOGUE

98 13 44
                                    

Have you ever wondered what makes a hero?

I always thought that it's having noble qualities and going beyond what is expected for the greater good—that's why I have always put others before myself. But boy I was wrong...very wrong.

I'd just turned twelve when I became the monster the heroes slay—not figuratively but literally.

Hindi sa naging masama ang ugali ko kaya tinawag nila akong halimaw, I mean, what could a twelve-year-old possibly do to make even the adults fear her? Hindi ko alam kung paano pero ginawa akong halimaw ng isang taong tinawag kong kaibigan.

Bakit niya ginawa? I don't know.

Naging mabait naman ako sa kanya, siniguro ko pa nga na hindi siya ma-a-out of place dahil dayuhan siya at hindi pamilyar sa lungsod ng Legazpi.

I adored every inch of her—her beautiful scarlet cat-like eyes, her pale flawless skin, and mesmerizing white hair. She was like a princess I only read in fairy tales. So, I wanted to be her hero. I wanted to protect her.

Kaya naman nanatili ako sa tabi niya sa kabila ng sinabi ng mga kaklase namin na layuan ko siya. Akala ko inaaway lang nila si Hilang dahil iba ang itsura niya sa amin. Pero tama pala sila.

It was too late when I came to an understanding that a hero to be a hero needs a monster... and Hilang knew that.

"Desastres sa hilaga."

Nabalik ako sa realidad nang umalarma ang nilas na tumutulong sa akin pangasiwaan ang anumang anomalya sa Ibalong. Nilas is a very convenient tool in a place where there is no technology, it's like an earpiece just made of gold encrypted with runes which helps me detect any emergency or abnormalities in the vicinity.

Mabilis akong tumungo sa hilaga at napansin ang mga nagsasayawang puno sa malakas na paglindol. Base sa mabibigat na yapak na yumayanig sa lupa ngayon, sa palagay ko ay kaharap na ni Makisig ng mga higante ang desastres na iniulat sa akin.

Anong klaseng desastre na naman ba ang kakaharapin namin? Kakalabas pa lang ng araw pero may dalawang desastre na natukoy. Hindi pa nga naghihilom ang sugat ni Makisig sa nakaraang engkwantro.

It's not like I could really hate desastres. If not for the mortals always destroying nature for their own interest, these monsters wouldn't even exist.

Yes, desastres are man-made monsters.

Resulta ng pagsira nila sa kalikasan ang mga desastre. Sa katunayan nararapat sa mga mortal na maghirap sa kamay ng desastre. Ngunit sa kasamaang palad, hindi kami exempted sa galit ng kalikasan at mayroon akong tahanan na dapat protektahan.

Sa ginagawa ng mga mortal, hindi lang ang mga engkanto ang nawawalan ng tirahan, pati ang mga hayop ay nawawalan na ng tahanan. Ngunit hindi nila iniisip 'yon at patuloy na sinisira ang kalikasan.

Many of the neighboring habitats in Ibalong are no longer capable of sustaining native species. I saw firsthand how the enchanted who lived there and the animals ultimately passed away... in a slow agonizing death just like Mama.

Kung  hindi lang nadadamay ang Ibalong ay hahayaan kong maghasik ng lagim ang mga desastre sa mundo ng mga mortal. Mariin kong tinampal ang pisngi ko, hindi ito ang oras para mag-munimuni ako.

Itinuon ko ang atensyon ko sa daanan at hindi nagtagal ay nakita ko ang pigura ni Makisig. Tatawagin ko na sana siya nang nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

A bluish-gray high-arched deep beak almost ate him whole. Makisig is fifteen feet tall but this desastre just tried to devour him!

Sa likod niya ay tatlong batang maitim ang balat na may maiikling matutulis na kuko.

Paradox of ChasmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon