Chapter 38: Help

472 40 27
                                    

[Chapter 38]

Napatingin si Sarina sa apat na bigla na lamang napayuko na tila nagbibigay galang sa haring ngayon ay parang tukong nakayakap sa kaniya.

Tinitignan niya ang apat ngunit umiiwas ito ng tingin sa kaniya. Bakas din sa mukha ng mga ito ang kaguluhan sa mga nangyayari. Malamang ay narinig nito ang napag-usapan nila ni Alas.

Napakagat-labi siya nang muling pumasok sa kaniyang isipan ang sinabi ni Alas. "Sa palagay mo ba ay mas pipiliin ko ang batas kaysa sa iyo?" 

Marahas siyang napailing at pilit na inaalis ang mga salitang iyon sa kaniyang isipan. Kahit ano talagang bagay na lumabas sa bibig ni Alas ay nagagawang pabilisin ang tibok ng kaniyang puso.

Masama ito!

"A-Alas, bitaw na..." Saad niya.

Ngumiti ito at mas lalo lamang siyang niyakap. "Hindi mo alam kung gaano gumaan ang aking pakiramdam noong nalaman kong ikaw ay isang binibini."

Tila napantig ang kaniyang tainga sa narinig. Napakunot ang kaniyang noo at malakas itong itinulak at sinamaan ng tingin. Hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig nito.

"So, ibig mong sabihin na kapag lalaki nga talaga ako ay hindi gagaan ang pakiramdam mo?" Mataray niyang tanong.

Aba!

Nanlaki ang mga mata ni Alas sa napagtanto at mabilis na umiling na tila isang batang ayaw mapalo. Hindi iyon ang ibig niyang sabihin! Kung sakaling lalaki nga talaga ito ay gagawin niya parin ang lahat upang sila ay magkasama! Sinabi na niya iyon noon sa kaniyang mga pinsan noon.

"M-Mali ang iyong iniisip! Ang ibig ko lamang sabihin ay nabuhayan ako ng loob! S-Sapagkat kung sakaling ikaw nga ay isang ginoo, m-maraming pagsubok pa ang ating kahaharapin bago tayo maging... m-maging..." Nahihiya at kamot batok nitong saad na tila hindi kayang banggitin ang salitang nais nitong sabihin. Namumula ang mukha nito na tila aamin na sa kaniyang napupusuan.

Napakunot ang noo ni Sarina sa narinig. Naguguluhan at naiinis parin.

"Anong pagsubok bang sinasabi mo? Bawal na ba maging magkaibigan ang lalake sa lalake ngayon?" Naguguluhan niya kunwaring tanong.

Pinanood niya kung paano ito maguluhan at mataranta. Kung saan-saan na dumadapo ang mga mata nito na tila may nais sabihin ngunit nagdadalawang isip pa. Namumula narin ang mukha nito na tila kaunti na lamang ay sasabog na.

Ipinagkrus niya ang kaniyang mga braso. "Okay na, gets ko na. Maraming pagsubok ang ating pagdadaanan kung sakali ngang lalaki ako dahil isa kang hari at ako ay ordinaryong tao lang at iisipin nilang may pinaplano akong masama saiyo. At kung babae naman ay maayos lang dahil iisipin nilang may relasyon tayong dalawa at nais mong gawin akong asawa o iisipin nilang isa akong babaeng mababa ang lipad na naghahabol saiyo at nangangarap maging reyna. Tama ba?" Mahaba niyang paliwanag.

Napanganga naman ang apat dahil sa hinaba-haba ng kaniyang mga sinabi. Ganoon din si Alas na tila naguluhan pa sa kaniyang paliwanag na wala namang patutunguhan.

Muling nanlaki ang mga mata ni Alas nang magproseso na ang kaniyang mga sinabi sa utak nito. Hindi iyon ang ibig niyang sabihin. Hindi patungkol sa pagiging magkaibigan nila ang nais niyang ipunto.

"Hindi... A-Ang ibig kong sabihin..." Napatigil ito. 

Muli itong napakagat labi. Wala itong suot na maskara ngayon kaya kitang kita niya kung paano mamula ang buong mukha ni Alas sa oras na ito.

Nakatitig lamang ito sa kaniyang mga mata na tila nagdadalawang isip pa. Nang taasan niya ito ng kilay ay bigla na lamang itong napayuko.

"W-Wala! A-Ako'y gutom na, n-nais ko ng makakain."

The Royal ChefWhere stories live. Discover now