Chapter 33: Awake

479 32 5
                                    

[Chapter 33]

"Ano na ang lagay ni Alastair?" Seryoso at may bahid ng galit na tanong ng dating reyna sa maharlikang mangagamot na ngayon ay katatapos lamang suriin si Alas.

Napayuko ang maharlikang manggagamot dahil sa pinaghalong kaba at takot dahil sa dating reyna, at pagkaawa at pagaalala naman para sa kanilang mahal na hari. "W-Walang pagbabago, mahal na dating reyna. S-S aking palagay ay aabutin ng isang linggo o isang... b-buwan bago magising ang ating mahal na hari dulot ng malaking sugat niya sa kaniyang noo dahil sa aksidente at d-dahil sa lason na kumalat na sa kaniyang katawan."

Napakunot ang noo ng dating reyna. Napakuyom ang mga kamao nito at nanlilisik na tinignan ang maharlikang mangagamot. Hindi niya nagustuhan ang sagot ng mangaggagamot. "Hindi ba't natanggal na ang lason?! Bakit siya ay hindi parin magising?!"

Napalunok sa takot ang maharlikang manggagamot. Nais na niyang umalis hangga't maaari. "S-Siyang tunay. N-Ngunit hindi po ganoon kadali na maghilom ang sugat sa noo ng ating mahal na hari sapagkat malakas ang pagkakatama noon. At h-hindi ganoon kadali na manumbalik sa dating lakas ang katawan ng ating mahal na hari. K-kung maaari ay maghintay na lamang tayo k-kung kailan manunumbalik at muling babalik sa atin ang mahal na hari."

Napapikit ng mariin ang dating reyna sa narinig. Nagpipigil ito sa galit. Kinokontrol nito ang sarili na huwag sabunutan o saktan ang manggagamot sapagkat ito lamang ang makakatulong upang manumbalik ang malay-tao ni Alas.

Marahas itong tumalikod at walang pasabing lumabas ng silid ni Alas.

Naiwan naman sa loob ng silid ang maharlikang manggagamot. Kaagad itong nakahinga ng maluwag. Tila nabunutan ng tinik ang kaniyang dibdib. Pinunasan nito ang pawis sa kaniyang noo na bigla na lamang nagsituluan kanina dahil sa matinding takot at kaba dulot ng dating reyna.

**********

Sumapit muli ang pangalawang gabi. At kagaya ng ipinangako ni Sarina sa walang malay na Alas kahapon ay muli siyang nagtungo sa kwarto nito upang kamustahin at tignan ang lagay nito.

Dahan-dahan siyang nagtungo sa kama nito at kagaya ng ginawa niya kahapon ay naupo siya sa kama. Inayos niya ang pagkakasara ng kurtina upang kung may sumilip man ay hindi siya makikita.

Napabuga muna siya ng hangin bago hinarap ang natutulog na Alas. Malungkot niya itong tinitigan. Hinawakan niya muli ang nanlalamig nitong kamay na tila binabad sa yelo. Maingat niyang inangat ang palad nito at ikinulong sa kaniyang mga kamay at marahan iyong hinipan upang kahit papaano ay mainitan ito.

"Feeling better, cutie patotie?" Nakangisi niyang saad sabay mahinang ihip muli sa palad nito.

Wala naman siya nakuhang tugon mula sa mahimbing na natutulog na Alas na hanggang ngayon ay hindi parin nagkakamalay. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mawalan ito ng malay. Hindi rin naman siya umaasang sasagot ito sapagkat kapag nangyari iyon ay talagang mawiwindang siya.

Napabuntong-hininga muli siya at tinitigan ang maamong mukha nito. Napansin niyang bago na ang benda sa ulo ni Alas at bago na rin ang suot nitong damit na sa palagay niya ay pinalitan na ng mga enuko at ng maharlikang manggagamot.

Malungkot niyang tinitigan ang namumutla nitong hitsura. Namimiss na niya ang hitsura nitong palaging basa ang buhok dahil bagong ligo sa tuwing nagkikita sa lawa.

"Gumising ka na nga d'yan. Masyado ka namang nawiwili," mahinang saad niya sabay ikot ng kaniyang mata. Muli niyang hinaplos ang kamay nito at tinitigan ang mukha ni Alas.

Payapang payapa ito na para bang walang dinadalang problema.

Pangalawang gabi na ito. Aligaga na ang mga opisyal ng palasyo sa paghahanap ng salarin. Bukod pa roon ay kapansin-pansing balisa rin ang mga ito sa paghahanap ng gamot upang magising kaagad si Alas. Iyon ay upang hindi ito magdulot ng pagkabahala sa mga mamamayan ng kaharian ng Silangan sa oras na kumalat na ang balita patungkol sa nangyari.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now